Nick's POV
Kumakain ang mga kapatid ko ng agahan habang ako ay naghahanda ng mga baon nila.
"Ate, susunduin rin ba tayo ni Kuya Cliff?"
Napatingin ako kay Nicholo at umiling.
"Hindi, at wag nga kayong mag kuya na parang ang close niyo."
"Eh Ate, paggalang lang naman yun eh. Tsaka boyfriend mo naman iyon." nanlaki naman ang mata ko. Talagang naniwala sila sa sinabi ng ugok na iyon.
"Nicholo, hindi ko boyfriend iyon ha." sabi ko.
"Eh diba sabi niya--"
"Magkaaway kami non kaya hindi kami close." sabay lagay ko ng baon nila sa mga bag nila.
"Pero Ate, ang bait naman ni Kuya Cliff eh." sabi niya. Umupo na ako at kumuha ng pagkain.
"Di dahil tinulungan ka niya kagabi sa math ay mabait na siya." sabay kain ko.
"Baka saiyo lang siya hindi mabait Ate heheh."
"Oy ikaw, wag katutulad non. Basaguliro iyon at kung maka asta hmmp."
"Bilin nga ni Kuya iyan sa akin." sabi niya. Aba mukhang close na sila ng kapatid ko.
"Tapos na ba kayo? Halikana kayo baka ma-late pa kayo." Sabi ko at tumayo na.
---
Kakababa lang namin ng jeep at naglakad na ng mabilis ang dalawang kapatid ko para makapasok nasa loob ng gate.
"Bye Ate" sigaw nilang dalawa habang kumakaway sa akin.
"Aral mabuti ah" sigaw ko. Tumingin ako sa guard. "Sige ho guard" ngumiti naman siya sa akin.
---
Nasa kalagitnaan ako ng klase ng ipinatawag raw ako sa registrar.
"Good Morning ho" bati ko.
"Pasok ka sa accounting office hija." sabi nung nasa registrar. Tumango naman ako at pumasok na.
Andito ako ngayon sa office ng accounting. Kumatok ako tsaka ko binuksan ang pinto.
"Good Morning ho" bati ko.
"Pasok ka at maupo ka hija."
Pumasok na ako at umupo sa tapat niya.
"You're here because I have something to tell you, and that's if you can't pay for the tuition fee for this second semester within the last week of the month. I'm sorry to say that you're not gonna do the OJT. " sabi niya.
"So, hindi po ako makakagraduate?" tanong ko.
Bumuntong hininga siya at tumango. "Sadly, yes."
"Bakit po? Nagkaproblema po ba?" tanong ko. May binigay siya sa akin na papel.
"Nag email sa amin ang amo ng Mama mo. Nagpasabi siya na hanggang first sem lang ang mababayaran niya."
---
Ito ako ngayon naglalakad na parang nakalutang ako. Saan ako kukuha ng malaking pera? Saan ako kukuha niyan within the last week of the month? Hays!
"HOY!" sabay pikit sa noo ko kaya ako napahinto. Napatingin ako sa kanya. Sino pa ba?
"Bakit?"
"Lutang kaba?" tanong niya. Nilampasan ko na siya.
"Hoy!"
"Ano ba?" inis ko sa pagmumukha nito.
"Meron kana naman ba?"
"Lumayo ka sa akin" may pagbabanta ko at naglakad na ulit.