Nick's POV
First week ko sa OJT ay masasabi ko na nakakapagod. Lalo pa, ito ako ngayon, nagmamadali na ako dahil late na ako. Ang sarap kasi ng tulog ko akala ko sabado kahapon at linggo ngayon, di pala lunes ngayon.
Pati dalawang kapatid ko ay late rin and ako na ang nagsabi sa mga teacher nila kung bakit sila na late. Mabuti naman at naiintindihan nila.
Andito na ako ngayon sa company and I'm thirty minutes late, jusko pi. Dahil late ako, ito may punishment. Kailangan kong matapos ang ipinagawa sa akin within this day lang. Jusko naman talaga.
Uwian na, pero ito ako andito parin sa company. Kailangan ko itong matapos ngayon. Sa pagiging focus ko ayun natapos na rin sa wakas. Nag unat ako at napatingin sa oras. 6:30 na pala, what?
Hala ang mga kapatid ko!
Tumayo na ako at nag ayos sa working station ko tsaka ako lumabas ng company. Naglalakad ako ng mabilis and sakit pa ng paa ko dahil may heels kayo ang sapatos ko pero wala kailangan ko na talagang tumakbo ng....
Beeppp!!!!
Napaupo ako sa karsada habang napapikit. Shocks! Natamaan ba ako?
"Hey! Miss! Umalis kana diyan sa daan pwede?!" Sigaw ng lalaki sa akin.
"Come on." Napatingin ako sa kanya ng tulungan niya akong makatayo at pumunta sa gilid.
"Ingat ka sa susunod Miss. Makadisgrasya pa ako ng dahil saiyo." Inis na sabi ng lalaki.
"Shut up man and drive away." Inis na sabi nitong lalaki na ito doon sa lalaki.
"Ikaw naman kasi, bakit hindi ka tumitingin sa daan?" Pinapagalitan ba niya ako? Nakatingin lang ako sa kanya habang pinagpagan ang kamay ko. He's so caring and mabait siya sa ganito.
"WHAT THE FUCK!?" Bulyaw niya sa akin.
"What's that for?!" Inis na tanong niya. Pinitik ko lang naman ang noo niya.
"Bakit? Pinipitik mo naman ang noo ko ah."
"Kasi wala ka sa sarili mo non."
"Bakit ikaw? Hindi ka naman ganito ah sa pagkakilala ko." Kumunot naman ang noo niya.
"Ganito, ang caring mo." Sabi ko and napatingin naman siya sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
"Eh ano naman. You should know me well." Sabi niya and binitawan na ang kamay ko at ayun naglakad patungo sa kotse niya.
"Where are you going?" Rinig kong tanong niya ng pagkatalikod ko.
"Pupuntahan ko mga kapatid ko, baka wala na akong abutan." Sabi ko at naglakad na. Pero mabilis niya akong naabutan at huminto sa gilid.
"Sakay." Sabi niya. Sumakay nalang din ako at madali naman kaming nakarating sa skwelahan ng mga kapatid ko.
"Sir, kilala niyo po ako diba? Pati ang dalawang kapatid ko?"
"Oo naman Miss, sa araw araw ba naman na lagi mong hinahatid ang mga kapatid mo." Sabi ng guard.
"Nakita niyo po sila?"
"Naku Miss, nakauwi na ang mga iyon dahil kanina pa sila naghihintay rito, eh sabi ko na baka kako may susi sila and pamasahe para umuwi nalang dahil delikado at pagabi na."
Tumango naman ako. "Sige ho, salamat ho." Tumango naman siya sa akin.
Well, alam na naman ni Nicholo ang gagawin niya eh dahil may pamasahe at susi naman siya at di naman niya pababayaan si Nikki. Kaya panatag lang ang loob ko, nasa bahay na ang mga iyon. Paglingon ko ayun siya nakatayo sa likuran ko.
"Tara na" sabi niya.
Nag drive thru kami and nagmaneho na siya patungo sa bahay. Bumaba na kaming dalawa and pinagbuksan naman kami ni Nicholo.
"Ate"
"Sorry hindi ko kayo na sundo agad ah. Natagalan ako sa trabaho eh." sabi ko.
"Ayos lang ate, diba sabi mo naman pag natagalan ka ng punta ay umuwi nalang kami kaya nga may extra baon kami and susi."
Napangiti naman ako. "Very good Kuya." yumakap naman si Nikki sa akin.
"Kuya Cliff" sabay fist bump nilang dalawa. Siya ang nagturo kay Nicholo ng fist bump na iyan. Ginulo naman niya ang buhok ni Nikki at naglakad na sila patungo sa kusina.
"Kain tayo, this time Jollibee naman." Sabi niya and malaking ngiti naman ng dalawang kapatid ko ang binigay sa kanya.
"Bihis lang ako." sabi ko. Tumango naman siya sa akin. Pumasok na ako sa kuwarto at nagbihis ng pambahay.
"Ate, tara kain na tayo." sabi ni Nikki ng makalabas ako ng kuwarto.
Umupo na ako sa tabi niya at binigyan naman niya ako ng pagkain. Hindi lang naman ako, pati kapatid ko, siya nag asikaso.
"Kain na, mag uusap pa tayo mamaya." seryosong bulong niya sa akin. Kumain na kami and ako na ang nagligpit ng pinagkainan pagkatapos habang sila ng mga kapatid ko ay nagkukuwentuhan doon sa sala. Oo, close na talaga sila.
Pinatulog ko na ang dalawang kapatid ko dahil may klase pa bukas. Lumabas naman ako ng bahay at naglakad patungo sa kanya na ngayon ay nakasandal sa kotse niya.
"Sorry kanina, nagmamadali kasi ako and--"
"Apology accepted but right now, let's talk about the question I asked you before." sabi niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Cliff, alam mo yang mga bagay na iyan di naman yan minamadali eh." sabi ko. Tumango naman siya.
"I know and I just asked you Nicka, if I can court you? If you say yes, okay, I'll make an effort but if you say no, it's also okay, let's just be friends for now." seryosong sabi niya.
"Cliff, sa totoo lang di ko alam ang isasagot saiyo."
Nag smirk siya. "Are you confused?"
"Ewan, di ko alam pero honestly, gusto kong mag yes pero gusto ko rin mag no pero ayaw ko rin mag no pero may part sa sarili ko na ayaw mag yes and--."
"Nicka ang gulo mo."
Tumango ako. "Sorry, di ko talaga alam kong ano ang sasabihin ko. After nung nagtanong ka, isang linggo tayong di nagkita pero ewan, minsan sumasagi sa isip ko iyon, minsan naman di ko alam kung nagtanong kaba o hindi."
"Nicka, ikaw lang nagpapagulo sa utak mo."
Bumuntong hininga ako at tinignan siya. "Cliff"
Bumuntong hininga siya at tumango. "Let's just forget about it, okay? Matulog kana." sabi niya at sumakay na sa kotse niya at umalis na.