Cliff's POV
Problema nung babaeng iyon? May balak pang patayin ako.
"Yow! Chen! ilang lakad nalang bro oh, nasa room kana, bakit dito ka sa hallway nakahiga?" di ko pinansin si Arellano at tumayo na.
"Wow daming pera ah." nakangising sabi ni Anderson habang pinupulot ang pera na nasa sahig.
Nakahawak ako sa leeg ko.
"Bakit namumula ang leeg mo?" takang taong sa akin ni Arellano na nasa harap ko at nakatingin siya sa leeg ko.
"Really?"
"Oo"
"Sinakal ka ba?" tanong ni Anderson habang sabay lagay ng pera sa bulsa ko.
"Shit! that woman!" I mocked
"Ow, I think I know" sabi ni Anderson na tumatango.
"Tch"
Naglakad na ako palayo habang ang dalawa patungo sa rooms nila.
Maraming tao ngayon dito sa resort pero kahit maraming tao. Kitang kita ko siya, na ngayon ay nasa may beach naglalaro ng volleyball. Nakangiti siya ngayon pero kanina, gustong pumatay. Tch!
Naglakad ako patungo kung nasan ang mga Lions nakaupo sa lounge outdoor bed.
"Sama ng timpla ng mukha mo Chen ah." sabi ni Stanford. Umupo na ako habang diretsong nakatingin sa babaeng iyon.
"Tch"
Tapos na silang maglaro. Ngayon ay naglalakad siya ng may nakabunggo sa kanyang lalaki na lasing. Tumayo ako at lumapit sa kanya dahil inakbayan siya nito.
"Can you just take your hands off her?" mabait na sabi ko. Oo mabait pa ako niyan. Napatingin siya sa akin pero tingin na inis.
"Who are you?" lasing na tanong nung lalaki.
"Again, can you take your hands off her?" pangalawang beses ko na 'tong tanung. Pag ako nagtanong ulit sa pangatlong beses. Makakatulog na talaga itong gago na ito.
"Just answer, who are you?" mapungay-pungay na sabi niya. Kita ko naman babaeng ito na gusto niyang alisin ang braso ng lalaki na nakaakbay sa kanya.
I smirk and the next thing that happen, ayun nakatulog na. I look at her.
"Kung makasakal ka sa akin kanina, it looks like you want to kill me. Then, inakbayan ka ng lasing na iyan, di mo ba papatayin?" tanong ko habang nakataas ang kilay. Di ko na hinintay ang sasabihin niya at tumalikod na ako para maglakad na paalis.
Kahit naman ganun ay di ko hahayaan ang isang babae, lalo pag lasing ang lalaki. Mukhang manyakis iyong gago na iyon. Babae rin ang kapatid ko, kaya kong pumatay pagmay humawak doon.
"FUCK! WHAT THE HELL!" sigaw ko sabay hawak sa likod ng ulo ko. Napatingin ako sa tsinelas na nasa may unahan.
"Ay sorry, natamaan ka pala?" asar na tanong niya sabay suot ng tsinelas niya ulit.
"WHAT THE HELL!" ang sakit ng likod ng ulo ko. Batuhin ba naman ako.
"Buwesit ako saiyo pero magta-thank you na sana ako kanina eh, kaso biglang uminit ang dugo ko. Kaya no thank you, tss." malditang sabi niya at ayun naglakad na palayo.
Di ko na talaga matiyansa ang babaeng iyon. First yung black eye, second yung sakal, third ito, feeling ko ang labas nito ay magkakabukol ako sa likod ng ulo.
---
Lumalangoy ako ngayon then umahon na ako pagkatapos ng ilang minuto Nagkatinginan kami pero agad siyang umiwas ng tingin, siya pa 'tong inis. Ako dapat ang mainis eh. Ang alam ko lang naman na sadista ay yung babaeng pinsan nung girlfriend ni Captain, yung babaeng inaasar ni Marco pero itong babaeng ito. Ano ba ang itatawag ko sa babaeng ito? Nangg mabigyan ng special award.
Aha!
She is Vicious
Oo, tama, Vicious why? Simple, napaka violenteng babae.
"Matunaw" bulong ni Anderson sa akin. Nakatayo na pala ako rito sa may hagdanan ng pool habang nakatingin sa kanya na ngayon ay nakikipagtawanan sa ibang girls.
"Tch, tabi nga."
"Aysus naman oo, galit na galit?" asar na pagkakasabi niya. Di ko na siya pinansin at umupo nasa pool chair.
"Ihi lang ako." rinig kong sabi niya. I just glance at her nung tumayo na siya at naglakad na then ininom ko na yung inabot na beer ni Arellano.
Nakaupo lang ako rito, andito pa naman ang lahat except pala kina Captain baka nagdate iyon. Napansin ko na parang kanina pa siya nung umalis siya. Ang dami namang ihi niya. Inubos ko na ang beer tsaka nilagay sa gilid ng inupuan ko tsaka tumayo.
"Ihi lang ako." excuse ko. Tumango naman si Arellano at Anderson. Naglalakad na ako patungo sa building kung saan kami nag stay.
Pagkabukas palang ng elevator ay nakita ko na siyang nakaupo sa hallway nakasandal sa pader. Naglakad ako patungo sa kanya, doon ko nakita na nakapikit ang mga mata niya habang nakatungay ang ulo. I stare at her habang nakatayo ako rito sa harap niya.
Hanggang sa dumilat siya at napatingin sa akin. Nakahanda na naman ako kung babanatan na naman ako ng babaeng ito. Pero wala, ilang minuto kaming nagtitigan pero wala siyang ginawa.
I look at the door na nasa kilid lang niya. Room nila ito, dahil katapat lang ng room namin. Bakit andito 'to? Walang access ganun?
"Wala ka bang access sa room niyo?" tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin.
"Nakaihi ka noh? May bathroom naman sa ground floor." aaminin ko, may halong asar yung pagkasabi ko pero walang epik sa kanya. Nakatingin lang padin siya sa akin.
"Ano bang tinitingin-tingin mo?" iratang tanong ko sa kanya. Unti-unti naman siyang yumuko.
Di naman siya lasing dahil nakikita ko naman siya kanina, di naman siya uminom dahil wala namang inumin ang girls tanging nagkakatuwaan lang sila habang nagvivideoke.
"Can you just stand up there. Para na tayong tanga dito." sabi ko. Pero nakayuko parin siya.
"HEY!" sigaw ko pero wala. Ano bang problema nito?
Tumunog ang phone ko kaya tinignan ko kung sino. Sos si Anderson lang pala nag text na uuwi na daw kami ngayon.
"Tumayo ka na diyan at mag ayos kana, bibiyahe na tayo pauwi." sabi ko tsaka napataas naman ang kilay ko ng napatayo siya pero nakayuko parin. Binuksan niya na ang pinto ng room nila at sinarado na ito nung makapasok siya.
Ano bang problema ng babaeng iyon?
Ah baka nagkaroon lang, hay girl thing.