Cliff's POV
Kakatapos lang namin kumain and kasama ni Cycy ang dalawang bata para magpalit dahil maliligo raw sila sa beach. Napatingin ako sa kanya and lumapit ako.
"Nicka"
Di niya ako pinansin. Ano naman ang problema non?
"Nicka" tawag ko sa kanya hanggang sa nakaalis kami ng dining area.
"Nicka" tawag ko ulit then I grab her arm.
"Is there a problem?" tanong ko. Ngumiti siya.
"Problema? Sino ako?" ngumiti siya at umiling. "Baka ikaw ang may problema?"
"Nicka"
"Alam mo Cliff, may utang ako saiyo and pa thank you na rin ha dahil sinama mo kami rito dahil kako birthday mo and thank you na rin dahil nag enjoy ang mga kapatid ko rito. Pero no thank you rin dahil hindi ko na feel na may espesyal na okasyon pala dahil naghanda kami ng kapatid mo pang surprise saiyo pero ikaw, ang funny mo. Asan ka pala? Wala ka. Simula nung papunta hanggang sa nakarating at ngayon na uuwi na tayo. Ang saya mo kasama, ang saya saya." sarkastik niyang sabi at nilampasan na ako.
Yeah! I screwed up. Pang third day na namin dito and kagabi may suprise raw si Cycy para sa akin dahil kahapon ang birthday ko and tinulungan niya ito but my mood is in the worst state. Kaya wala ako, hindi nila ako makita and hindi ako sumasagot sa tawag o text ni Cycy dahil nagpacheck in ako sa ibang room and ibang floor para magkulong roon ng isang gabi to clear my head. Alam niyo naman pagbadtrip ako at wala sa mood ay napapaaway ako o di kaya'y nagkakaroon ng gulo and yan ang ayaw kong mangyari dito sa akin. Why? dahil andiyaan si Cycy and si Nicka and may mga bata pang kasama.
"Cy" tawag ko sa kanya ng lumabas na siya ng elevator.
"Si Ate Nicka nagbibihis pa kaya hinihintay lang siya ng mga kapatid niya."
"I just want to talk to you." sabi ko. I know nagtatampo ito sa akin.
Umupo ako sa sofa na andito sa lobby. Umupo rin siya sa tapat ko and tinaasan ako ng kilay.
"Look, I'm so sorry about last night. I'm really screwed up and wasted your effort."
"Is there a problem kuya?"
Umiling ako. "Come on kuya, may problema kaba? No, may problema na naman ba kayo ni Dad?"
Bumuntong hininga ako. "Alam mong nagkasugatan kami last time nung pag uwi natin sa bahay. And last night, ako mismo tumawag sa kanya to asked him na baka free siya and sumaglit rito kahit konting oras lang dahil birthday ko pero alam mo ang narinig ko? Music and glasses na nag che-cheers, asan siya? Ayun nagkakasiyahan kasama ang mga business partners niya." galit na sabi ko. Tumayo naman si Cycy at lumipat ng upo rito sa tabi ko.
"Okay, Now I understand na kung bakit wala ka kagabi." sabi niya and hold my hand and pinatong niya ang ulo sa balikat ko.
---
Nicka's POV
Nakaupo lang ako rito sa buhangin habang tinitignan siya na kalaro ang dalawang kapatid ko ng buhangin. Nakaupo ako rito sa di kalayuan.
Mukhang nasa mood na ata ah.
Well, di naman ako galit sa kanya dahil doon sa mga sinabi ko noh. Sinabi ko lang yun dahil nakakalimutan niya na dinala niya kami rito dahil may okasyon at hindi para mag kanya-kanyang trip.
"Hi Ate" sabay upo ni Cycy sa tabi ko.
"Hi"
"Bakit di ka sumali sa kanila? Mukhang ang saya nila oh." sabi ni Cycy habahg nakatingin sa kanila na ngayon ay gumagawa ng sand castle.
"Ate, ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako.
"Thank you pala sa pagtulung sa akin kagabi ah."
"Kahit di natuloy ang surprise?"
Ngumiti naman siya at tumango. "May problema lang si Kuya." sabi niya.
"No offense pero kung may problema pala siya bakit nagsama pa siya ng ibang tao tapos--"
"Ate"
Napatingin ako kay Cycy. "Sorry."
Tumawa naman siya. "Kaya pala sabi ni Kuya na match na match kayo. Now I know, you both have same personalities." nakangiting sabi niya.
"Di ah" sabay iling ko.
"Alam mo ate, mabuti na at andito tayo for kuya eh para naman ma lessen yung dinadala niya."
"Ha?"
"Do you know my Kuya naman sa school no?"
Mabilis akong tumango. "Yes, well honestly hindi talaga pero nung nagka encounter kami at ito nakakasama, kaya medyo kilala ko."
"Well, kuya known as a bad arrogant war freak guy but they didn't know, he's broken, unlove and lonely." sabi niya. Takang tinignan ko si Cycy.
"Si Kuya kasi Ate, step-brother ko lang." sabi niya. Namilog naman ang mata ko.
"Di nga?" di makapaniwalang tanong ko. Tumango siya.
"Kuya is just little pa nung mamatay ang mom niya and shamelessly, my mother is the mistress of his dad, our dad and nagkaanak sila and that's me, kaya binahay kami ni Dad and sadly my mom died when I was just little too. I grow up with Kuya and kahit naman mag step-siblings lang kami ay di naman niya pinaramdam sa akin na iba ako. He treats me like a princess and so overprotective but okay lang." sabi niya. Napatingin naman ako kay Cliff na naglalaro parin kasama ang dalawang kapatid ko.
"Wala naman yang ibang problema si Kuya eh, si Dad lang. Growing up and yun alam mo iyong nakakaintindi kana sa nangyayari sa paligid. I notice how our dad treats kuya and how he treats me, may pagkakaiba I don't know, will siguro dahil babae ako but hindi eh, iba siya pag kay kuya. He do listens to me but not to kuya. He makes time for me but not to kuya. He complimented me and proud of me but when it comes to kuya, disappointed siya lagi. I also thank my kuya lions, yung mga kaibigan ni Kuya dahil andiyaan rin sila and they didn't let kuya feel na mag isa siya. Kuya just needs love you know. Ganyan lang asta niya dahil yan siguro ang way niya para mag rebelde and I do understand him kahit di naman lahat ng hinanakit niya ay sinasabi niya sa akin but I notice eh. Kaya nga I'm so happy dahil nakikita ko si Kuya na ganyan kung makangiti ngayon." nakatitig lang ako kay Cliff.
Di ko alam pero di naman sa naaawa ako sa kanya but iyong may problema at hinanakit ka sa ama mo. Grabe siguro ang hinanakit niyo kaya nga siguro siya ganyan umasta. Di para sabihin na siga siya o gangster leader pero para sabihin na matatag siya and matapang siya and oo naman. He has a fierce look but akalain mo may dinadala at tinatagong drama rin pala ito. As they always say, you can't judge the person based on what you just see on them.