Nick's POV
"Kuya Cliff" sabay fist bump nilang dalawa ni Nicholo ng makalabas kami ng bahay.
"Hi Kuya" nakangiting bati ni Nikki sa kanya. Ngumiti lang siya ng bahagya kay Nikki at ginulo ang buhok nito. Lumapit siya sa akin para kunin lang ang bag na dala ko at pumunta sa likod ng kotse niya at inilagay ito. Pinagbuksan naman niya ng pinto ang mga kapatid ko para makasakay na ito then pinagbuksan rin niya ako ng pinto.
Nagmamaneho na siya ngayon at sobrang tahimik niya hindi nga siya kumikibo simula kanina. Mukhang wala sa mood. Wag ko muna nalang kausapin.
Tinignan ko naman ang dalawang kapatid ko sa likod sabay ngiti sa kanina. Enjoy lang sila sa pagtitingin-tingin sa mga nadadaanan namin. Di ko rin alam kung saan niya kami dadalhin basta ang sabi niya magdala lang daw ako ng damit dahil sure na maliligo kami para raw makapag enjoy ang mga kapatid ko.
After hours ay andito na kami sa ilang beach resort. Bumaba na kami at ganun parin siya, tahimik. Pumasok na kami sa loob at napapangiti naman ako dahil laki ng ngiti ng dalawang kapatid ko. Nakapagcheck-in na rin kami and nasa presidential suite pa kami.
"Wow Kuya Cliff ang ganda naman dito." manghang sabi ni Nicholo ng makapasok kami sa loob.
"Go check your rooms."sabi niya and bakit naman parang matamlay siya. Ngumiti naman si Nicholo at dinala na si Nikki sa rooms.
"Cliff" tawag ko sa kanya.
"There are two bedrooms here and sa inyo yang room and dito naman sa akin. Pahinga na muna kayo." sabi niya while type in his phone. Mukhang wala talaga siya sa mood.
"Okay." sabay talikod sa kanya at pinuntahan na ang dalawang kapatid ko. Ayun nagtatalon sa ibabaw ng kama. Napangiti naman ako while may halong inis at lungkot.
---
"Ate, ate may babae."
"hmm?" tanong ko habang nakapikit.
"Ate may babae" rinig kong sabi ni Nicholo.
"Ano?" sabi ko habang kinukusot ang mata.
"Ate may babae na nakapasok." sabi niya. Bumangon naman ako. Nakaidlip pala ako kanina. Naglakad ako palabas ng kuwarto at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa sofa while busy sa phone niya.
"H-hi" bati ko. Napatingin siya sa akin at inilagay ang phone sa bag niya.
"Hi Ate, you must be Nicka?" nakangiting bati niya sa akin sabay tayu at bineso ako.
"H-hi" sabay smile ko sa kanya. Napatingin siya sa mga kapatid ko na nasa may likod ko.
"Mga kapatid ko, si Nicholo and Nikki." pakilala ko. Ngumiti siya sa mga kapatid ko at lumapit sabay niyakap ito.
"Hi, ako pala si Ciara but you can call me Cycy or Cy." nakangiting sabi niya at lumapit ulit sa akin.
"Si Kuya pala?" tanong niya. Namilog naman ang mata ko.
"Kapatid ka ni Cliff?" di makapaniwalang tanong ko.
"Yes, kanina pa kayo?" Umiling naman ako at napatingin ng bumukas ang pinto.
"Kuya" sabay yakap kay Cliff.
"Kararating mo lang?" tanong nito.
"Yes and medyo natagalan nga lang ako dahil naabutan ng traffic but I'm here na." nakangiting sabi nito.
"Bring your things to my room and mababa na tayo mamaya for dinner." sabay turo ni Cliff ng kuwarto niya.
"Okay" ngumiti naman siya sa akin at pumasok na sa kuwarto habang dala ang bag niya.
"Paglabas ni Cycy sumunod na kayo, sa baba lang ako maghihintay." sabi niya sabay labas. Kumunot naman ang noo ko. Wala parin ba siya sa mood?
---
"Oh kids, bago matulog gusto niyo play muna tayo ng monopoly?" tanong ni Cycy ng makapasok na kami ulit sa suite.
"Di po namin alam iyon Ate Cy." sabi ni Nicholo.
"Madali lang, turuan ko kayo masaya iyon teka may dala ako." sabi nito at pumasok muna sa kuwarto at pagbalik niya may dalawang dala na siya.
Umupo sila sa carpet at pinatong ang lalaruin nila sa ibabaw ng center table. Napapangiti naman ako habang tinuturuan ni Cycy ng laro ang dalawang kapatid ko but nababahala naman ako kay Cliff na ngayon ay nasa terrace.
Di ko naman alam kung paano siya kakausapin kasi di ko talaga alam pano sisimulan. Tsaka tingin ko sa kanya ay may malalim siyang iniisip. Atleast nagsasalita siya ng couple of words but hindi iyong usual.
Maya maya lang ay tapos nasa paglalaro sina Cycy at nagpasya na matutulog na kami. Tinignan ko siya, andoon parin siya sa terrace.
"Good night Ate" sabi ni Cycy sa akin.
"Good night Cy" ngumiti naman siya sa akin at pumasok na sa loob ng kuwarto.
Ano ba, kakausapin ko ba? Bukas nalang siguro baka bukas ayos na ito. Naglakad na ako patungo sa kuwarto at sinulyapan siya ulit tsaka ako pumasok na.