Cliff's POV
Andito ako ngayon sa isang bar, umiinom. Call me weird pero wala eh namomoblema ako ngayon kaya gusto kong uminom. Mga 4 o'clock na ng umaga and ito ako umiinom. Wala pa nga akong tulog. Di ko naman magawang uminom sa bahay kahit may mini bar roon dahil andoon ang kapatid kong babae. Ayaw na ayaw kong makita niya akong ganito. Ngayong oras, sarado pa ang Lions Bar—pag aari ng kaibigan ko at tambayan ng Lions. Kaya andito ako sa ibang bar dahil ito lang ang bar na nakita kung bukas pa sa oras ngayon. Twenty-four seven pala ang bar na ito. Masabihan nga si Marco na eh twenty-four seven na ring bukas ang Lions Bar.
Inom lang ako ng inom hanggang sa sumikat na nga ang araw. Tinamaan na ako pero di pa naman ako lasing. Sanay na rin kasing uminom kaya matagal na matamaan. Maya maya lang ay may biglang lumapit sa akin na babae.
Di ko siya tinignan but I can see her in my peripheral vision na palapit sa akin.
"Hi handsome. Ang aga pa ha. Umiinom kaba dahil bored ka o brokenhearted?" pang akit niyang boses.
"Alam mo kung may problema ka. Andito naman ako para makinig." Sabi niya with her malandi na boses. Di ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa pag inom.
"Ngayong gabi, free ako para sa iyo. Pwede rin ngayon. Wala naman yan sa oras diba?" That's it ang ingay. Tinignan ko siya. Nakasuot siya ng maikling shorts and nakatube lang siya. Parang clown rin ang makeup dahil ang kapal.
"Don't flirt with me Miss, di ako pumapatol sa babaeng bayaran." Sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at kumuha ng pera at inilagay sa ibabaw ng bar counter. Hinagisan ko rin siya ng one thousand at umalis na roon.
Nakatayo lang ako rito sa labas ng matapos ang tawag. Nagpasundo lang naman ako kay Stanford. Pagkarating niya ay sumakay na ako sa kotse niya.
"Ang aga nambulabog ka ng tulog. Tch! napapasundo ka lang pala." inis niyang sabi at nagmaneho na.
"Galing lang uminom tsaka hindi ko dala ang kotse ko." sabi ko habang sinandal ang ulo sa headrest.
"Away na naman ba kayo ni Tito?" Tanong niya. Bumuntong hininga ako.
"May iba pa bang rason kung bakit ako umiinom? Maliban nalang kung magyaya ang Lions, diba?" Pabalik kong tanong sa kanya.
"Alam mo 'yang Dad mo at ang Dad ko, magkaugali. Di kaya magkadugo ang mga iyan?" Tanong niya. Napangisi naman ako.
"Isama mo na rin kaya ang Dad ni Lou." sabi ko. Natawa naman siya sabay tango.
"Pasensya na pala. Number mo ang na pindot ko eh." Sabi ko. Medyo apat na rin kasi ang paningin ko haha.
"Next time pag may problema ka. Sa gabi mo iinom at magyaya ka." Sabi niya.
"Sa bahay lang naman sana ako iinom eh. Kaso ayaw ko na nakikita ako ni CyCy na umiinom, lalo na pag walang okasyon." Sabi ko.
"Alam ba ni Bunso na nag away na naman kayo ni Tito?"
Umiling ako. "Hindi, wala siya nung oras na nag away kami ni Dad. Tsaka, ayaw ko siyang magalit sa akin. Pinapagalitan ako non pag nag aaway kami ni Dad eh."
"Hayaan mo nalang. Si bunso nalang isipin mo."
"Oo nga eh."
Nasa kalagitnaan kami sa daan ng may biglang sumulpot sa harapan namin. Isang kotse. Binaba ko ang bintana at tinignan ito.
"Sa iyo yata itong wallet?" Tanong ng lalaki sabay pakita ng wallet ko. Kinapa ko ang bulsa ko. Shit! Nahulog pala ang wallet ko na hindi ko namalayan?
"Di ka naman makakalimutin kahit nakainom ka ha. Himala" sabi ni Stanford na napailing.