This is a work of fiction. Names, characters, events are just product of the writer's imagination. Any resemblance to actual person or event is purely coincidental.
All rights reserved 2015. No part of this story may be reproduce in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing from the writer.
This is a short book 2 of . It's better if you read the book 1- Those Fourteen Days first before reading this. Just go to my 'works' or click the external link to read the book 1 of this story. Para mas maintindihan niyo po yung buong story. Maraming Salamat po :)
***
AKEESHA'S POV
"Aaahhhhh!!!" Nakakainis! Ginulo ko ang buhok ko. Mababaliw na ata ako. Akala ko ba hihintayin niya ako? Pero bakit nag-asawa na siya at may anak na rin sila. Ganoon lang ba yun kadali para sa kanya? Alam ko naman ang salitang move on, pero kahit na, it takes time before you completely move on. Kaso? Bakit ganoon? Mukhang 5 years old na yung anak niya, eh one year pa lang ang nakakalipas ng huli kaming magkita? Bakit hindi ko naisip na posibleng hindi niya anak yun? Eh paano kung may anak na pala talaga siya bago pa man bumalik yung mga alaala niya, nilihim niya lang talaga sa akin? "Waaahh!!! Bakit ba ako padalos-dalos, ayan tuloy imbes na nakapag-usap pa kami." Hays! Nasa huli talaga ang pagsisisi. Paano na lang kung after noong huli naming pagkikita may nagustuhan na pala siyang iba.
Kailangan kong mag-leave muna sa trabaho. Kasi naman simula noong bumalik na lahat ng alaala ko nag-focus na lang ako sa trabaho ko. Si Nathan kasi eh, hindi na nagparamdam pa sa akin. But the truth is I'm always waiting for him.
Lumabas na ako ng condo unit ko, nagulat na lamang ako na may bouquet of white roses sa harap ng condo unit ko. Kanino naman kaya galing 'to? May kasama 'tong isang card at binasa ko kung anong nakasulat.
Good morning!
I don't care how we met, I'm just glad we did.
Naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napangiti na lamang ako dahil sa nabasa ko ngayon. Sino kayang nagbigay nito sa akin? Si Nathan kaya? Kaso...
Aish! Bahala na nga. Kinuha ko yung bouquet of white roses at pumasok muna ako ng condo unit ko para ilagay ito sa kwarto ko. Daig ko pa ang teenager kahit 28 years old na ako. Hays.
Dumiretso na ako sa hospital para mag-leave muna sa trabaho for one month. Kasi naman I need time for myself, I also need to relax, hindi naman kasi ganoon kadaling maging doctor.
"At bakit mo naman naisipang mag-leave ng one month?" Tanong sa akin ni Kez, by the way, nakapag-asawa na nga pala si Kez, and wala na ring awkward moment sa aming dalawa.
"Kaysa naman mag-resign ako diba? Haha." Biro ko sa kanya. Minsan binalak ko na ring mag-resign at mag-negosyo na lang kaso pinipigilan naman ako ni Kez, sayang naman daw kung mawawalan ang hospital namin ng isa sa magagaling na doctor, binola pa talaga ako para lang hindi ako umalis.
"Aish! Baka maghahanap ka ng boyfriend kaya ka nag-leave." Biro niya naman sa akin.
"Hindi ah. Hindi na nga ako mag-aasawa eh. Haha." Natawa naman kami pareho.
"Baka kasi may hinihintay ka pa." He winked at me. Nginitiin ko na lang siya. Alam niya na yung ibig kong sabihin. "Ah, so it's still him." Tumango na lang ako. "Okay, enjoy!"
"Thank you." At umalis na rin ako.
Ang tanong saan naman ako pupunta ngayon. Napailing na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Another Fourteen Days [Completed:2015]
Чиклит|SHORT BOOK 2 of Those Fourteen Days| Will another fourteen days be enough for them to finally have their happy ending? | ©2015 - Cover made through CANVA