Eleventh Day

3.3K 104 1
                                    

AKEESHA'S POV

Nakarating na rin kami dito sa Incheon International Airport. Nakakamangha ang ganda nitong airport. Kasalukuyan kaming patungo sa arrival area nang mapansin kong may kinawayan si Nathan. Siguro yun yung pinsan niya na dito na nakatira sa Seoul.

"Nathan!!!" Sinalubong siya nung pinsan niya ng isang mahigpit na yakap. Sa bahay kasi nung pinsan niya kami mags-stay habang nandito kami sa Seoul. "How are you?"

"Gwapo pa rin. Haha." Hinampas naman siya nung pinsan niya sa braso. "Para saan naman 'yon?" Natatawang tanong ni Nathan.

"Na-miss kita eh." Sabi nung pinsan niya at napatingin naman siya sa akin. "Akeesha? Right?" Tumango naman ako.

"Hi, it's nice to meet you." At nakipag-shake hands ako sa kanya.

"I'm Eireen, it's nice to meet you too." Ngumiti naman ako sa kanya. "By the way, you look more beautiful in person." She even winked at me. I like her.

"Thank you. Haha. Maganda ka rin naman."

"Waahhh!!! Really? Gustong-gusto talaga kita. Hindi ka marunong magsinungalin. Hahaha!" Niyakap pa niya ako ng mahigpit.

"Hahaha! Naniwala ka naman kay Kee, inaantok pa yan kaya hindi niya alam yung mga pinagsasasabi niya." Inaantok talaga ako pero totoo naman lahat ng sinabi ko. Ito talagang si Nathan ang lakas mang-asar.

"Tsk! Ewan ko sayo! Halika na Akeesha. Huwag mong pakakasalan yan ha?" Biro pa niya sa akin. Natawa na lang ako.

"Kee, huwag kang makikinig diyan." Sabi ni Nathan habang sumusunod siya sa amin. Hinila na kasi ako ni Eireen palabas ng airport. "Hintayin niyo naman ako." Pero hindi namin siya pinansin. Sabay tuloy kaming tumawa ni Eireen.

Sumakay na kami ng taxi. Magkatabi kami ngayon ni Eireen, samantalang si Nathan halatang asar na asar kasi katabi niya yung driver. Natatawa tuloy ako.

"So kailan niyo balak magpakasal ni Nathan?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Hindi pa kasi namin napag-uusapan ni Nathan ang tungkol dun. At tsaka hindi pa naman siya nagpro-propose sa akin. Nakapag-propose na naman siya dati kaso.... Ay basta! May balak naman siguro siyang mag-propose ulit sa akin. Kaso parang wala naman. "Wait, don't tell me... Hindi pa siya nagpro-propose sayo?" Medyo napalakas yung pagkakasabi ni Eireen kaya ayun pati yung Korean na driver napatingin sa amin. Siguro napapaisip na siya kung ano bang pinag-uusapan namin.

"Ah... Ano kasi... Nag-propose na siya sa akin dati kaso--"

"Ay oo nga pala." Alam niya rin ata yung tungkol sa nangyari sa amin ni Nathan. "Pero hindi pa ulit siya nagpro-propose?" Kung magsalita 'tong si Eireen parang wala lang na nandito si Nathan kaya medyo natatawa na ako at umiling na lang ako bilang sagot sa tanong niya. "What?! Seriously? Huwag mo na nga siyang pakasalan." Napatingin na naman yung driver sa amin.

"Aish! Eireen..." Naiinis na ata si Nathan.

"Joke lang naman pinsan." Nag-peace sign pa siya kay Nathan. "Hintayin mo lang Akeesha, sigurado naman akong magpro-propose ulit yan sayo, maghihintay ba yan para sayo kung pakakawalan ka rin pala niya." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Nakarating na rin kami dito sa bahay ni Eireen. Kung titingnan mo sa labas, simple lang talaga itong bahay niya pero nang makapasok na kami sa loob, mamamangha ka talaga. Sobrang linis pa, para ngang walang nakatira dito eh. Pero kung sa bagay mag-isa lang naman dito si Eireen.

"Hindi ka ba nalulungkot kasi mag-isa ka lang dito?" Tanong ko sa kanya. Si Nathan naman umakyat na dun sa magiging kwarto namin, dala-dala yung mga maleta namin.

"Hindi naman, sanay na rin kasi ako at tsaka buong araw din kasi akong nasa trabaho." Kaya naman pala. Sabay kaming umupo sa sofa at humarap siya sa akin.

"Hindi ka ba uuwi sa Pilipinas?"

"Nagbabakasyon naman ako dun." Ngumiti siya sa akin.

"Wala ka bang boyfriend?" Inaantok na nga ata talaga ako. Kung ano-ano na lang ang naitatanong ko. Nahiya tuloy ako sa kanya.

"We broke up." Malungkot niyang sabi. Nakonsensiya naman ako bigla kasi yun yung tinanong ko sa kanya.

"I'm sorry... I shouldn't have asked you about it."

"Ano ka ba. It's okay..." Ngumiti ulit siya sa akin. "26 pa lang naman ako at sure akong mahahanap ko rin yung para sa akin." Eh? 26 pa lang siya, akala ko magkasing-edad lang sila Nathan.

"Akala ko ka-edad mo lang si Nathan."

"Ay pasensiya ka na. Hindi kasi ako sanay na tawagin siyang kuya since konti lang naman yung age gap namin."

"Ah. Haha! Okay lang naman. Ang cute niyo nga kanina eh. Para kayong magkapatid."

"Close ko talaga yang si Nathan kaso yun nga dito na ako nagtrabaho sa South Korea kaya bihira ko na lang siyang makausap. Kung makakausap ko man siya sa chat na lang."

"Close na agad kayo." Sabay naman kaming napatingin kay Nathan habang bumababa ng hagdan. Bakit lalo pa siyang gumwapo? "Baka matunaw ako." Shocks! Sobrang lapit na pala niya sa akin hindi ko man lang namalayan.

"Ehem! Sa kwarto na lang po kayo maglambingan." Natatawang sabi ni Eireen. Nahiya naman ako bigla. "Maghahanda muna ako ng dinner natin." Nagpunta na sa kusina si Eireen. 5:30 PM na rin kasi dito.

"Hay salamat. Masosolo na rin kita." Sabi niya habang nakangisi. Mahina kong hinampas ang braso niya. "Ang sweet talaga ng mahal ko." Niyakap niya pa ako. "Hindi ka ba nilalamig?" Bulong niya malapit sa may tainga ko. Parang biglang uminit ang pakiramdam ko.

"Hindi na masyado." Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap niya sa akin.

***

Kakatapos lang naming mag-dinner kaya naman tumulong ako sa pagliligpit ng pinagkainan namin, si Nathan naman ayun nanonood. Natatawa nga ako kasi nakakunot yung noo niya. Hindi niya kasi ata maintindihan yung pinapanood niya, Korean kasi yung language.

"Nathan matulog na tayo." I turned off the television.

"Nanonood pa ako eh." I think he got irritated when I turned off the television.

"Bakit naiintindihan mo ba yung pinapanood mo?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Oo." Napatulala naman ako sa sagot niya. "Seryoso ako, papanoorin ko ba yun kung hindi ko naiintindihan?" May point naman siya kaso...

"Eh bakit nakakunot yung noo mo kanina habang nanonood?" May pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ha? Eh kasi yung babae ayaw maniwala na mahal nga siya nung lalaki." My jaw dropped. Seryoso talaga siya.

"Ngayon mo nga lang pinanood yan ah."

"Hindi ah."

"At kailan ka pa nahilig sa k-drama?"

"Last year." Mukhang seryoso nga talaga siya. "Nag-aral pa nga ako ng Korean language para lang maintindihan yung pinapanood ko."

"Eh? Bakit?"

"Because it reminds me of you." Tumayo siya at hinawakan ang mga kamay ko. "I really miss you that time kaya lahat ng bagay na nagpapaalala sayo sa akin, ginagawa ko." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at niyakap ko na lamang siya.

Another Fourteen Days [Completed:2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon