Fourth Day

4.1K 114 8
                                    

AKEESHA'S POV

"Uuwi na ba talaga tayo?" Tanong ko kay Nathan. Uuwi na kasi kami ngayong araw sa mansion. Hays. Mami-miss ko agad 'tong Tagaytay.

"Don't worry, may iba pa naman tayong pupuntahan." Kinindatan niya pa ako. Na-excite na naman ako. Kaya hindi na ako nagtanong pa. "Manang Ces kayo na po ang bahala rito." Sabi ni Nathan kay Manang Ces.

"Sige Nathan, mag-iingat kayo."

"Salamat po Manang Ces." Sabi ko naman kay Manang Ces. "Mag-iingat din po kayo." Ngumiti naman siya at umalis na rin kami ni Nathan.

Sinuotan na ako ni Nathan ng helmet. Nasanay na talaga akong sumakay ng motorcycle. "Ready?" Tumango naman ako at pinaandar niya na ito. Kagaya ng dati, nakayakap na naman ako mula sa likuran niya.

Hanggang sa unti-unti kong nararamdaman na tila ba umaambon. Napatingin naman ako sa kalangitan. Sa tingin ko ay uulan.

At hindi nga ako nagkamali dahil ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang maramdaman kong umaambon ay bumuhos na ang malakas na ulan. Pero sa halip na huminto kami, nagpatuloy lang sa pagmamaneho si Nathan.

Naalala ko na naman ang second hope ko, which is to ride a bicycle under the pouring rain. But this time we're riding a motorcycle under the pouring rain and it feels so good. It brings back memories.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko kay Nathan. Hindi ko na inisip na baka magkasakit kami sa ginagawa namin, ang alam ko lang masaya ako kasi si Nathan ang kasama ko.

Nakarating kami sa mansion na basang-basa.

"Kayo talagang dalawa, hindi niyo man lang naisip na baka magkasakit kayo sa ginawa niyo." Nagkatinginan na lamang kami ni Nathan. Haha. Nasermonan pa kami ni Mommy. Okay na kami ng Mommy ni Nathan kaya Mommy na ulit ang tawag ko sa kanya. "Kumain na ba kayo?" Sabay kaming umiling ni Nathan. "Hays." Napailing at napabuntong-hininga na naman si Mommy. Samantalang kami ni Nathan, medyo nagpipigil ng tawa. "Ipagluluto ko na lang kayo. Tatawagin ko na lang kayo pag-ready na ang pagkain." Umalis na si Mommy para magluto.

"Daddy!" Nagulat ako sa batang bigla na lamang sumulpot dito. "Daddy! I miss you." Paulit-ulit niyang hinalikan sa magkabilang pisngi si Nathan. Nakaramdam na naman ako ng selos. Oh shocks! No way! Pati ba naman sa bata nagseselos ako. Napailing na lang ako. Akeesha naman! Suway ko sa aking sarili.

"Kee..." Tawag sa akin ni Nathan. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Omg! Tita Akeesha! You're here!" Ay wala! Tsk! Oh God. Nagseselos ba talaga ako dahil sa batang ito. Nahihiya na tuloy ako sa pinag-iiisip ko. Bakit ba nagiging selosa ako? "Waaahh!!! I love you Tita Akeesha!" Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya rin ako sa magkabilang pisngi ko kagaya ng ginawa niya kay Nathan kanina.

Napatingin naman ako kay Nathan. He's smiling right now. The next thing I knew I'm already hugging this cute little girl in front of me.

"You love tita Akeesha Princess?" Tanong ni Nathan kay Princess. Naalala ko na naman yung una kong nakita itong batang ito. Akala ko talaga anak siya ni Nathan, halos mangiyak-ngiyak at nanghihina akong umuwi ng condo unit ko that time.

"I love tita Akeesha because daddy loves her." Waahh!!! She's really cute. Hays. Nahiya ako bigla sa inasal ko kanina, nagselos ako dahil sa cute na batang ito. "How about you tita Akeesha, do you also love daddy?"

"Of course I love your Daddy." Mabilis kong sagot kay Princess. Napangiti naman siya sa sagot ko at ganoon din si Nathan. "Yehey! Can you be my Mommy?" Nag-pout pa siya. Mas lalo pa siyang naging cute.

Another Fourteen Days [Completed:2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon