NATHAN'S POV
Naramdaman kong may umupo sa may gilid ng kama ko kaya naman nagising ako. Pero sa halip na imulat ko ang aking mga mata, nanatili akong nakapikit at nagpanggap na natutulog.
"Ang cute pala ng pilikmata mo." Gusto kong ngumiti sa sinabi ni Kee pero pinigilan ko ang aking sarili na mapangiti. "Ang tangos pa ng ilong mo." Nararamdaman kong sinusuri niya ang buong mukha ka. "Ang cute din ng lips mo. Ikaw na. Ang gwapo mo talaga." Natatawa niyang sabi. Hanggang sa maramdaman kong naglapat ang aming mga labi. I tried not to kiss her back, but I can't. So, I kissed her back. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, natulala siya nang magkatitigan kami.
"Good morning!" Masaya kong bati sa kanya. Pero sa halip na batiin niya rin ako, ayun nagtatakbo siya papalabas ng kwarto ko habang pulang-pula ang mukha niya. Napangiti na lamang ako.
Bumangon na rin ako at nag-ayos muna ng aking sarili. Dumaan muna ako sa kwarto ni Kee kaso wala naman siya roon, mukhang bumaba na kaya bumaba na rin ako.
"Good morning Mommy." Bati ko kay Mommy habang nag-aayos ng hapag-kainan. "Good morning Lolo." Bati ko kay lolo na ngayo'y nakaupo na.
"Good morning." Sabay na bati nila Mommy and Lolo. Nasaan na kaya si Kee?
"Si Kee po?" Tanong ko kay Mommy.
"Nasa kusina."
Dumiretso ako sa kusina at nakita ko siyang umiinom ng tubig. Hindi ba siya mag-aagahan? Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, nakatalikod siya mula sa akin.
"Akeesha naman! Nakakahiya ka talaga." Ginulo pa niya ang buhok niya habang kinakausap niya ang kanyang sarili. "Ano na lang ang iisipin ni Nathan, na gustong-gusto kong halikan siya? Aish!" Uminom ulit siya ng tubig.
"Bakit hindi mo ba gusto yung ginawa mo?" Bulong ko sa may tainga niya habang niyayakap ko siya mula sa likuran. Hindi siya nakapagsalita.
"H-ha? A-ano b-ba... N-Nathan, b-baka m-makita t-tayo n-nila M-Mommy..." Nauutal niyang sabi sa akin. Mukhang kinakabahan pa siya kasi uminom na naman siya ng tubig.
"Ano naman ngayon?" Bulong ko ulit sa kanya.
"N-Nathan..."
"Ano yun mahal ko?" Paglalambing ko sa kanya. Inalis niya naman yung pagkakayakap ko sa kanya. Nalungkot naman ako bigla. Humarap siya sa akin at tumungo.
"Ano kasi... Ano... Pwede bang... Kalimutan na lang natin yung nangyari kanina?" Gusto kong matawa ngayon pero naisip ko huwag na lang, baka mainis pa siya sa akin. Halata kasing hiyang-hiya siya sa nangyari kanina.
"Kee..." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at iniangat ko ang ulo niya. "It's okay. Huwag ka nang mahiya. Okay lang naman sa akin yun eh. Masaya pa nga ako dahil dun."
"Pero kasi..." I kissed her forehead.
"It's really okay." Niyakap ko siya nang mahigpit.
***
"Bakit nga pala ang aga mong nagising kanina?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho ng kotse ko. Papunta kasi kami sa condo unit niya para mag-ayos ng mga gamit niya para sa flight namin bukas papuntang South Korea.
"Haha. Na-excite kasi ako. Bukas na kasi yung flight natin papuntang South Korea." Halata naman sa kanya na excited siya, mabuti na rin at hindi niya masyadong iniisip pa yung nangyari kanina.
"Akala ko na-excite kang i-kiss ako." Biro ko sa kanya at mukhang hindi niya nagustuhan yung biro ko. Hinampas ba naman ako sa braso ko, pero mahina lang naman. "Joke lang, hindi ka naman mabiro diyan." Natatawa kong sabi sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at tumingin na lang siya sa may bintana ng kotse.
Ilang minuto rin kaming natahamik.
"Kee, galit ka ba?" Hindi siya sumagot. Mukhang galit nga siya. "Sorry na please. Nagbibiro lang naman ako eh."
"Huwag mo muna akong kausapin." Sabi niya na hindi lumilingon sa akin. Galit nga talaga.
Nagpatuloy na lamang ako sa pagmamaneho. Pinark ko na yung kotse at bumaba na ako. Pagbubuksan ko sana siya ng pinto ng kotse kaso bumaba agad siya at nagdire-diretso sa pagsakay ng elevator.
"Kee... Sorry na." Malambing kong sabi sa kanya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. "Kee--" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko kasi dumami na yung sakay ng elevator kaya tumahimik na lang muna ako. Nakarating na kami sa condo unit niya pero hindi pa rin siya nagsasalita. Dire-diretso nga siyang pumasok kaya sumunod na lang ako.
Papasok na sana siya sa kwarto niya kaso hinawakan ko yung kamay niya. "I'm really sorry. Huwag ka nang magtampo. Please..." Nagpa-cute na ako't lahat pero seryoso pa rin yung expression ng mukha niya. Kaya napatungo na lamang ako. Hanggang sa...
"Hahahahaha!!!" Bigla siyang tumawa. Teka? Ako ba ang pinagtatawanan niya? Tiningnan ko siya kaya tumigil na siya sa pagtawa. "Sorry, hindi naman talaga ako galit eh."
"Pinagtripan mo lang pala ako. Hays." Malungkot kong sabi. Umupo ako sa sofa at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko.
"Sorry..."Tumabi siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Hindi ko naman siya matitiis eh.
"Sorry din. Basta hindi ka galit sa akin ha?"
"Hindi nga." Ngumiti naman siya sa akin.
***
"Baka may nakalimutan ka pa." Kakatapos lang naming mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya.
"Wala na. Kumpleto na." Halatang-halata talaga na excited siya. "Sa tingin mo may makikita tayong mga artista dun?" Eh? Artista talaga.
"Hindi pa ba ako sapat? Mukha naman akong artista ah." Biro ko sa kanya.
"Kamukha mo nga si Lee Min-ho." Kinindatan pa niya ako. "Pero mas gwapo ka." Aba't binola pa ako.
"Ang galing mo talagang mambola." Pinisil ko yung magkabilang pisngi niya.
"Ouch..." Sabi niya habang hawak yung magkabilang pisngi niya. Mukhang nasaktan nga siya. "Masakit kaya." Sabi niya habang nakanguso. Bakit sobrang ganda niya?
Hinalikan ko yung magkabilang pisngi niya. "Masakit pa ba?" Tanong ko habang nakangiti sa kanya.
"Hindi na." Parang bata niyang sabi. "Pwede ka nang maging doctor." Biro niya sa akin.
"Pero mas magaling kang doctor." Sabi ko naman sa kanya.
"Hahaha! Natural doctor ako."
"Hindi yun."
"Eh ano? I mean bakit?"
"Kasi ikaw yung dahilan kung bakit nawala yung sakit na nararamdaman ko rito." Sabay turo ko sa may puso ko at kasabay nito ang pagngiti niya. Ngiti pa lang niya masayang-masaya na ako.
"Pero diba ako rin ang dahilan ng sakit na naramdaman mo?" Medyo malungkot niyang sabi.
"Hindi na mahalaga yun. Pagmamay-ari mo na 'to sa umpisa pa lang." Tinuro kong muli ang puso ko. "Kaya naman kung mahalin at saktan mo ako, karapatan mo 'yon."
"Pero isang karapatan lang ang pipiliin ko." Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. "Iyon ay ang mahalin ka." At naramdaman ko na naman ang muling pagbilis ng tibok ng puso ko kaya naman napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Another Fourteen Days [Completed:2015]
ChickLit|SHORT BOOK 2 of Those Fourteen Days| Will another fourteen days be enough for them to finally have their happy ending? | ©2015 - Cover made through CANVA