Second Day

6.1K 142 12
                                    

AKEESHA'S POV

Good morning! Tumingin-tingin ako sa paligid ko, hindi naman siguro ako nananaginip, totoo lahat ng nangyari kahapon. Tumayo na ako at pumunta ng banyo para mag-toothbrush. "Aahhhh!!!" Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin dito after kong mag-toothbrush. Totoo nga! Hindi ako nananaginip, suot ko pa rin yung t-shirt ni Nathan ngayon.

"Kee! Are you okay? What happened?" Napatulala na lang ako kay Nathan and at the same time natatawa na rin ako sa hitsura niya ngayon. Halatang nag-alala siya ng sobra.

"Hahahahahaha!!!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, dahil tawang-tawa na talaga ako. Bigla naman siyang sumeryoso. "Sorry."

"Hays. Bakit ka ba kasi biglang sumigaw? I got worried about you." Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Don't worry I'm okay. I thought I was just dreaming, then nung nakita ko yung sarili ko sa salamin na suot pa rin ang t-shirt mo, hindi ko na napigilan pang sumigaw sa saya. I'm not dreaming, what happened yesterday, totoo lahat yun. Sobrang saya ko." Paliwanag ko sa kanya.

"Totoo lahat ng 'to." He whispered. "If you're done, bumaba ka na. Okay? I cooked breakfast." Umalis na siya. Nagluto raw siya ng breakfast. Nag-ayos muna ako ng sarili ko. Mamaya na ako magpapalit ng damit. Binili kasi ako ni Nathan ng mga damit at iba pang gamit ng mga babae. Ginawa ko namang pantulog yung t-shirt niya na mukha ng dress pag ako ang nagsuot. I smiled at that thought.

Bumaba ako ng kwarto ko, hindi naman kasi kami magkasama sa iisang kwarto ni Nathan.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Nakatalikod kasi si Nathan mula sa akin habang hinahanda ang breakfast namin. Ang bango ng niluluto niya. Nang makarating na ako sa kusina, niyakap ko siya mula sa likuran niya. "Thank you for yesterday, today and tomorrow." Humarap siya sa akin.

"You're welcome." He smiled. "Kain na tayo."

Kumain na kami ng breakfast. Habang kumakain kami...

"Nakapag-horseback riding ka na ba?" Horseback riding? Hindi pa. Kasi naman natatakot ako, feeling ko mahuhulog ako. Umiling ako sa kanya. "Okay, magho-horseback riding tayo later." He winked at me.

"Uh... Nathan, baka kasi--"

"Don't worry, it's safe. And besides I'm here." Napanatag naman ang loob ko sa sinabi niya.

Pagkatapos naming kumain ng breakfast, nag-ready na kami para sa horseback riding mamaya.

Hindi naman ako pwedeng mag-dress kasi nga magho-horseback riding kami, so pants and t-shirt na lang ang sinuot ko. Kaso parang may ka-couple shirt 'tong suot ko, may nakasulat kasi na He's Mine--> , may arrow pa nga eh. Bahala na nga, lumabas na ako ng kwarto ko. Namula naman ang buong mukha ko nang makita ko si Nathan habang naka-upo sa sofa. Tama ang hinala ko, naka-couple shirt kasi kaming dalawa, <---- She's Mine naman ang nakasulat sa kanya.

"Mahilig ka na pala ngayon sa couple shirt." Biro ko sa kanya. Inakbayan niya ako bigla. Nag-blush na naman ako sa ginawa niya.

"I just want to inform them that you're mine and I'm yours." Lalo akong nag-blush sa sinabi niya, hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang paglapat ng aming mga labi. He's kissing me slowly and passionately. Napahawak ako sa t-shirt niya. I don't want him to stop, so I responded to his kiss. I really love this guy.

"Nathan nandito na --" Naitulak ko si Nathan sa sobrang gulat ko. "Ay, pasensiya ka na Nathan, babalik na lang ako mamaya."

"Uhmm... Manang Ces paalis na rin po kasi kami. Kayo na po muna ang bahala rito." Parang wala lang kay Nathan na may nakakita sa amin sa ganoong sitwasyon. Nahiya tuloy ako bigla. Mukhang siya yung caretaker nitong rest house.

Another Fourteen Days [Completed:2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon