Ninth Day

3.7K 102 4
                                    

AKEESHA'S POV

"Good morning..." He whispered. Nakaramdam ako ng init kahit sobrang lamig dito sa hotel na tinutuluyan namin. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi ako sumagot kasi inaantok pa ako 3 AM na kasi nang makarating kami rito sa Baguio. Nag-bus lang kami ni Nathan kasi baka mapagod lang siya sa pagmamaneho lalo na't matagal ang byahe. "Gising na mahal ko."Wag kang ganyan Nathan! Kinikilig ako.

"Gising na ako. Good morning." Sabi ko habang nakapikit pa rin ako kasi naman inaantok pa talaga ako eh.

"Sige. Maliligo muna ako. Ituloy mo muna yang pagtulog mo." Naramdaman kong umalis na siya sa kama at pumunta ng banyo. Maliligo siya? Ang lamig kaya. May heater naman siguro rito.

Matutulog na nga lang ulit ako.

***

"Waaahhh!!!" Sinong hindi magugulat kung si Nathan ay nasa harapan ko ngayon na walang suot na pang-itaas at tuwalya lang ang nakatapis sa ibabang bahagi ng katawan niya. Ahhh!! Eh Kasi! Ang hot niya! Shit! Bakit parang biglang uminit? "Magbihis ka na nga!" Binato ko siya ng unan. Pulang-pula na ata ako ngayon.

"Sus! Kunwari ka pa. Alam ko namang nag-enjoy ka." Oo! Ay! Ano ba 'tong iniisip ko. Pero grabe kung gwapo si Nathan! Mas lalo pa siyang gumwapo! "Magbibihis na nga ako." Ngumisi pa siya sa akin. Oh please!!! Why does he look so hot right now? "Matutunaw na ako, mahal ko."

"Aish! Magbihis ka na kasi." At ayun nagbihis na nga siya. Sayang naman! Ay shet! Ano na naman 'tong pinag-iisip ko. Nakakahiya!

"Maligo ka na." Shocks! Ang lapit niya sa akin! Nasa Baguio kami...malamig kaso...umiinit talaga. Tapos yung paghinga niya ramdam na ramdam ko sa may bandang leeg ko. I'm not that innocent. I'm 28 years old for whoever sake it was.

"O-okay..." Dali-dali akong pumasok ng banyo. Grabe ang init talaga kanina. Kailangan pa naging mainit dito? Nagsimula na akong maligo at nagbuhos na rin ako ng tubig, ang init kasi--"Aaaahhh!! Ang lamig!!!"

***

NATHAN'S POV

Tawang-tawa pa rin ako sa hitsura kanina ni Kee. Kasi naman pulang-pula na talaga siya. Lalo tuloy siyang gumaganda.

"Aaaahhh!! Ang lamig!!!" Hindi ko na napigilang tumawa. Nakalimutan niya atang gamitin yung heater.

"Kee! Gamitin mo yung heater." Hindi ko sure kung narinig niya.

Ang tagal namang maligo nun halos isang oras na. Nagugutom na rin kasi ako. Sa restaurant na lang kami magbre-breakfast. Kinuha ko na lang muna yung cellphone at earphones ko, magpapatugtog na lang muna ako. Pinikit ko na rin yung mga mata ko habang nakikinig sa music.

Hanggang sa naramdaman kong may nagtanggal ng earphones ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nasilayan ko ang isang napakagandang babae sa harapan ko, ang babaeng ilang beses nagpatibok ng puso ko, ang babaeng mahal na mahal ko.

"Let's go?" Tumango naman ako sa kanya.

Sumakay kami ng taxi papunta sa isang restaurant.

***

"Nathan, boating tayo?" Shit! Kaya ayoko siyang dalhin dito. Takot kasi akong sumakay sa bangka dito para kasing lulubog pag ako na ang sumakay.

"Ano kasi Kee... Ano..." Ano bang idadahilan ko sa kanya? "Biking na lang. Mas masaya yun." Sana pumayag siya.

"Mamaya na 'yun, boating muna." Mukhang wala na talaga akong pagpipilian pa. "Wait... Don't tell me--"

Another Fourteen Days [Completed:2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon