Third Day

4.4K 133 10
                                    

AKEESHA'S POV

Mamayang 6 PM pa kami pupunta ng amusement park ni Nathan, hindi ko rin alam kung bakit ganoong oras niya gustong pumunta ng amusement park. Kaya nag-desisyon na lang kami na mag-jogging muna. Ang dami rin pa lang nagja-jogging dito.

"Nathan, bibili lang ako ng bottled water." Paalam ko sa kanya. Nauuhaw na rin kasi ako.

"Ako na lang, you just stay here."

"Ako na." Bago pa siya tumutol ay umalis na ako. Iniwan ko na lang siya habang nakaupo pa rin sa bench. "Babalik agad ako, don't worry." Mukhang napanatag naman siya sa sinabi ko. Tama nga ang hinala ko, nag-aalala siya sa akin.

"Dalawa pong bottled water."May malapit namang tindahan dito kaya mabilis akong nakabili ng maiinom namin ni Nathan. Iniabot na sa akin nung tindera ang dalawang bottled water at nagbayad na rin ako.

Papunta na sana ako kay Nathan, kaso napatigil ako sa paglalakad nang makita ko siyang nakikipag-usap sa isang babae. Nakaramdam agad ako ng selos, siguro kasi nakikita kong tumatawa ngayon si Nathan kausap ang ibang babae. Imbes na lumapit ako kay Nathan, umalis na lang ulit ako, mukhang hindi niya naman ako napansing dumating kasi nga masaya siyang nakikipag-usap sa ibang babae.

Hindi ko talaga maiwasang hindi magselos. Naghanap ako ng pwedeng maupuan, may nakita naman akong bench kaya umupo na lamang ako. Napatingin na lang ako sa kalangitan. Dito na lang muna ako.

***

NATHAN'S POV

Shit! Asan na ba si Kee? Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko? Ni hindi man lang siya nagre-reply sa mga text ko. Nakailang missed calls na ako sa kanya, pero wala pa rin.

"Fuck! Where are you Kee?" Napasabunot na lamang ako sa buhok ko tsaka hinilamos ang palad ko sa mukha ko. Hindi ko na alam! Hindi ko na alam kung saan ko pa siya pwedeng hanapin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala na naman siya sa akin.

"Kee!"

"Kee!"

"Kee!"

Paulit-ulit ko siyang tinatawag. Mababaliw na ata ako! Nahihilo na rin ako kakaikot, kakahanap sa kanya. "Kee..." Napahawak ako sa dibdib ko. Asan ka na ba?

Pinagpatuloy ko ulit ang paghahanap sa kanya. Mahal na mahal ko si Kee kaya hindi ako susuko basta-basta.

Sinubukan kong i-dial ulit ang number niya.

***

AKEESHA'S POV

Anong oras na ba? Hindi ko namalayan naka-idlip na pala ako rito. Fudge! Umidlip ako rito? At teka nasaan na ba ako?

"Oh shocks!" Halos mabitawan ko ang cellphone ko. 72 messages and 126 missed calls from Nathan. Naka-silent nga pala itong cellphone ko. Sigurado akong sobrang nag-aalala na siya ngayon. Ginulo ko ang buhok ko. "Ano ba naman yan Kee?! Nagpadalos-dalos ka na naman." Iritadong untag ko sa sarili ko. Muli akong napatingin sa cellphone ko.

"Nath--"

[Kee! Thank God! Where are you? I'm so worried about you.]

"Nandito--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may biglang yumakap sa akin. "N-Nathan..." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang sobrang pag-aalala. Bakit ba kasi ako nagpadala sa selos?

"I'm glad you're okay." He even kissed my forehead. "I feel like dying a while ago, thinking I might lose you again. I can't--" I kissed him on his lips.

"I'm okay. There's nothing to worry about. I'm sorry." Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "I got jealous..." Sabi ko sa kanya. Halata namang nagulat siya.

"Jealous?" Pagtataka niya sa sinabi ko.

"Hmm. Kasi... Nakita kitang nakikipag-usap sa ibang babae kanina at mukhang masaya ka pa, kaya hindi ko talaga maiwasang hindi magselos. I'm sorry." Napatungo na lamang ako pero iniangat niya ang ulo ko. He looked straight into my eyes.

"Masaya akong nakikipag-usap sa kanya kasi ikaw ang pinag-uusapan namin. I told her how lucky I am to have you back." Lalo naman akong nahiya. Kaya naman pala siya masaya habang nakikipag-usap doon sa babae kanina. Hays. Hiyang-hiya na talaga ako. "But I'm happy you're jealous." He smirked.

"Hindi ko naman kasi alam na ako pala yung pinag-uusapan niyo. Sorry." Napatungo ulit ako. Nakakahiya talaga yung inasal ko kanina.

"Kee, it's okay. Wag ka nang mahiya. It's okay if you get jealous. I'm all yours for the rest of our lives." Oh shocks! Tama na! Kinikilig na naman ako! Naramdaman ko namang nag-blush ako. "Kumain na lang tayo, nagutom ako kakahanap sayo." Natawa naman ako sa sinabi niya.

After naming kumain sa isang restaurant. Dumiretso na kami sa isang amusement park dito sa Tagaytay. Nagulat ako sa nakikita ko ngayon.

"Bakit wala ng mga tao? 6 PM pa lang naman ah." Sabi ko kay Nathan. Pero nginitian niya lang ako. "Don't tell me--"

"Let's just enjoy this night." Hindi na ako nagtanong pa. I'll just enjoy this night with him.

Wala akong ginawa kung hindi ang tumili at sumigaw dahil sa mga rides na sinakyan namin lalo na ang giant Ferris Wheel. Ang saya! Lalo na't kasama ko si Nathan ngayon. Sulit naman ang pagsakay namin kasi mas natanaw namin ang ganda ng Taal Volcano at Taal Lake, kitang-kitang din namin ang ganda ng Tagaytay kabilang na rito ang iba't-ibang liwanag na nagmumula sa mga ilaw. Magkahawak-kamay kami ni Nathan nung sumakay kami sa iba't-ibang rides. At ang pinakahuli naming sasakyan ay ang carousel.

Dapat nga sa carousel kami unang sasakay ni Nathan kaso sabi niya wag daw muna. Medyo nahihiya pa nga ako kasi nandito yung staffs ng amusement park at pinapanood kami.

Sumakay na ako sa carousel at ganoon din si Nathan, muli niyang hinawakan ang kamay ko. Habang nakasakay kami sa carousel mayroon ding tumutugtog ng iba't-ibang instruments. Ngayon ko lang napansin na nandoon pala sila sa may gilid.

Nagpatuloy lang sila sa pagtutog habang nakasakay kami sa carousel. "Gusto kong maging unforgettable 'tong gabing 'to para sayo." Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak niya sa aking kamay. "I love you Kee, forever and always." Kasabay ng pagkakasabi niya ng mga salitang iyon ang pagsisimula ng fireworks display. Tumigil na rin ang carousel kaya naman bumaba na kami.

Tumingin ako sa kalangitan para panoorin ang fireworks display. Actually hindi ko alam na may fireworks display pala ngayon. At ang lalong nagpaganda ng gabing ito ay yung mga petals ng red roses na nagmumula sa itaas. Paano kaya nila nagawa ito?

"Maraming salamat Nathan." Niyakap ko siya sobrang higpit. Sobrang na-appreacite ko yung effort niya. Nagpalakpakan naman yung mga staffs ng amusement park na kasama namin upang saksihan ang gabing ito. " And I love you more, forever and always." Napangiti naman siya sa sinabi ko at ipinagpatuloy namin ang panonood ng fireworks display. This is so unforgettable!

Another Fourteen Days [Completed:2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon