JEANEIA'S |POINT OF VIEW ( Accident )Pagkatapos naming kumain, ako na ang nagpresintang maghugas, nakakahiya naman kay Sicily kung siya pa ang maghuhugas.
Pagkatapos kong maghugas, umakyat na ako at si Duke para makapagpahinga na.
"Nanay! Kelan po ako mag school?” Tanong ni Duke kaya napatingin ako sa kanya.
“Nak babalik din tayo kila Lola mo, pagkatapos ng sem break niyo ngayon." Saad ko kaya napatango nalang siya.
Marami pa kaming pinag usapan hanggang sa napagpasiyahan naming matulog na, kasi maaga pa ako bukas.
Everything is going black.
Gaya ng nakasanayan ko maaga akong gumising para magluto.
Dahan dahan at maingat akong tumayo para hindi magising si Duke.
Pagkalabas ko dumaretso na agad ako sa kusina para magluto.
----------------
Pagkatapos kong magluto umakyat na ako, para makapag ayos na, baka malate pa ako mahirap na.
Pagpasok ko makita kong tulog pa din si Duke kaya maingat akong pumusok. Inayos ko muna ang pagkakakumot sa kanya bago naligo.
Nang nakaligo na ako, magsuot lang ako kong saan ako sanay.
At ng ready na ako nagpaalam muna ako kay Sicily bago umalis.
Pagkarating ko pumunta na kami sa location kong saan gaganapin ang party, masasabi kong malaki at maganda ang napili nilang location.
Nag-plano lang kami kong ano-anung ilalagay na design sa bawat gilid at maraming pa naming ginawang plano.
DAY PAST (EVENT)
Todo trabaho ako ngayon, ngayon na kasi gaganapin ang event na pinag planohan namin ng ilang araw. Masasabi kong pagod pero work it naman, nagawa naman namin ng maayos at perfect.
At dahil sa sobrang busy ko hindi ko na naaasikaso si Duke, may mga pangako na ako sa kanya na hindi ko natutupad.
Gaya nung nakaraang araw nangako ako sa kanya na ipapasyal ko siya sa mall pero dahil busy ako masyado nakalimutan ko, kaya sobrang tampo ni Duke sa'kin. Buti nalang nanjan si Sicily para tuparin ang pangako ko.
Nasa mall ngayon si Sicily at Duke.
Nagising ako sa malalim kong pag iisip ng kuwitin ako ni Ella.
"Ma'am Jeaneia!! Ang lalim po masyado ng iniisip niyo,"Saad ni Ella kaya napatingin ako sa kanya.
"Sorry! Ano ba yun? Tanong ko.
"Ma'am may tumatawag po kasi sa inyo," Saad niya kaya napatingin ako sa aking cellphone.
Nagpeace sign muna ako sa kanya bago ko sinagot ang tumatawag sa'kin.
On phone
"Hello Sicily bakit k...
Hindi ko napatapos ang sasabihin ko ng putulin ito ni Sicily.
"Besh hindi ko sinasadya! Patawarin mo ako, hindi ko talaga sinasadya," Saad ni Sicily kaya kinabahan ako.
"Ano ba yun besh? Deretsohin muna ako please lang," Saad ko, kasi kinakain na ako ng kabang nararamdaman ko.
"Besh si Duke kasi... na-accidenti!” Saad niya kaya nabitawan ko sng cellphone na hawak ko, muntik na rin akong matumba kong hindi lang ako nahawakan ni Ella.
"Ma'am ayos lang po kayo?"tanong ni Ella pero hindi ako sumagot, nawalan ako ng lakas.
Wala sa sariling tumakbo ako palabas ng event, iniisip ko lang ngayon ang anak ko. Kung anong lagay niya.
BINABASA MO ANG
THE HOTTEST NIGHT
Lãng mạnLoving is also accepting whatever your partner's beliefs, taking care his reputation and accepting all his worst. Isang simpleng babae lamang si Jeaneia, habang niya ang buhay na sa paningin niya'y deserve din niyang matamasa. Mapagmahal, mabait at...