KABANATA 26

523 9 0
                                    

JEANEIA'S POINT OF VIEW

“Mukha kang Diyosa r’yan.”

Nakagat ko ang labi para pigilan ang pag-ngiti. Nakatingin kami ngayon sa portrait namin ni Dedrick noong ikinasal kami. Nasa labas lahat ng pamilya namin at maingay na kumakain, habang kami naman ni Sicily ay narito sa loob at kung anu-ano ang tinitignan sa bahay. Ngayon lang ulit sila bumisita dahil busy ang mga iyon sa kaniya-kaniyang buhay.

“Hindi naman,” kinikilig na pinitik ko ang braso ni Sicily. Dahilan para samaan niya ako ng tingin. “Ang sakit mo mamitik, ah?”

Natawa lang ako.

Apat na buwan na simula noong naisilang ko si Drake, pangatlong anak namin ni Dedrick. Limang taon na rin ang lumipas simula noong ikinasal kaming dalawa. Natatawa pa ako noon dahil naalala ko yung nahimatay siya.

Sa loob ng limangg taon na iyon, napuno ng kasiyahan ang puso ko.

Halos mabaliw na si Dedrick kakaalaga kay Drake. Madalas ay nakikita ko siyang nahihirapan, kung anong dapat gawin. Nagvo-volunteer naman ako pero ayaw niya akong pagkilusin, gusto niya ay siya ang nag-aalaga.

Kahit inaantok at pagod si Dedrick, hindi siya nagkulang sa pag-aalaga sa mga anak namin pati na rin sa akin. Hatid at sundo niya pa rin si Duke at Dew, ang una at pangalawa naming anak, pagkatapos niyon ay didiretso siya sa bahay para mag-alaga naman si Drake. Halos hindi ko na siya nakikitang pumapasok sa trabaho dahil doon.

Tuwing madaling araw ay nakikita ko siyang kasama si Drake at pilit na pinapatahan. Maging si Duke at Dew ay nagigising na rin mula sa kabilang kwarto dahil sa sunod-sunod at malalakas na iyak ng kapatid. Nakakamanghang tuwing kumakanta si Dedrick ay kumakalma ang anak namin saka muling matutulog nang mapayapa. Gusto kong mainggit dahil ako ang may experience sa pag-aalaga ng sanggol pero siya ang mas magaling magpatahan. Animo’y napag-aralan kung paano mag-alaga. Pakiramdam ko tuloy ay lalaking papa’s boy ang anak ko, namin.

Sobrang laki ng pasasalamat at pagpapasensya ko sa kaniya dahil siya ang laging napapagod at napupuyat kakaalaga kay Drake. Pero kahit ganoon ay wala akong naririnig na reklamo sa kaniya. Imbis na nakasimangot na mukha niya ang madadatnan ko, nakangiti pa ang loko dahil nasisiyahan sa ginagawa.

••••••

Nandito ako ngayon sa sala kasama si Sicily.

“May plano ka bang bumalik sa trabaho mo?” Tanong na sabi niya at siniko pa ako.

“Makaka-miss kasi,” Dagdag pa niya, agad din akong natigilan. “Siguro ay iyon na ang huli. Kailangan ko kasing magfocus sa pamilya ko,” Hindi naman p’wedeng iasa ko kay Dedrick ang pag-aalaga sa mga anak namin.”

Kailangan kong bitawan ang trabaho at pagtuunan ng pansin ang pamilya. Lalo pa’t  may tatlong chikiting ang meron kami.

“Hindi ba sabi mo tama na ang tatlong anak? Bakit buntis ka nanaman?"

Natawa ako. “Tanungin mo ang asawa ko,” Gusto kong kurutin si Dedrick dahil gusto niyang magka anak kami ng babae, kaso nga lang puro bulog ang dumating, gusto pa nga niyang magkaanak ulit baka daw sa ikaapat  babae na. Pero s’yempre hindi ako pumapayag. Ayoko nang manganak! Pero ngayon buntis nanaman ako.

“Bigla tuloy akong kinabahan,” nakangusong aniya. " Baka mabuntis ulit ako ng kuya mo.”

“Kaya ’yan,” mahina ko siyang siniko. “Ikaw pa.”

Ngumuso siya. “Nakakainis kasi si Dedrick at Clyton. Pinag-ooverthink ako. Palibhasa ay taga putok lang ang alam ng mga lalaki at tayo na ang bahala!”

“Aalagaan ka naman ni Kuya Clyton.” sabi ko. “Oo nga pala, kailan niya balak magpropose?”

Nagkibit balikat siya. “Ewan ko, mukhang wala pang balak ang lalaking ’yon.”

THE HOTTEST NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon