TCB:KABANATA 25

454 11 4
                                    


JEANIEA'S | POV

Pagkalabas ko bumungad sakin ang nagkalat na mga magagandang bulaklak at ilaw na may kulay puti at blue. Imbes na hanapin si Dedrick ay nabaling ang tingin ko sa mini garden kung saan nakikita ko ang isang table na may lamang box sa gitna. Ang ganda ng pagkakadecorate sa mini garden.

Puno ng pagkamangha akong naglakad papunta sa table na nandon at dahil sa ilaw ay nabasa ko ang nakasulat sa ibabaw ng kahon.

“Open.”  basa ko sa sulat. Kaya binuksan ko iyun, nakita ko ang isang kulay pulang pindutan at nang pindutin ko iyun ay may umilaw sa itaas nya.

“Wow.” nasambit ko habang nakatingin sa kalangitan na puno ng bituwin na mas lalong pinapaganda nang ilaw na hindi ko malaman kung saan nagmumula. Mas lalo akong hindi makapaniwala nang gumalaw ang mga bituwin at nagsimulang bumuo ng mga salita, nasapo ko nalang ang bibig at nagsimulang manubig ang kanyang mga mata. Habang binabasa ang nakasulat ay iisang tao lang ang nasa isip nya.

“DEDRICK!!...” Sambit ko sa pangalan ng lalaking tanging nasa isip nya.

“I waited for this time.” Bumaba ang tingin ko sa lalaking lumabas sa kung saan. Kahit kailan ay napakagwapo talaga nito. “Jeaneia, my love. I thought this day would never come. I thought I was destined to live without experiencing love but love, You changed me. You cured me. You served as my medicine and you served as the color in my life. You revived my sleeping heart and not only that but you woke up my sleeping pet” Kumunot ang noo ko nang tumawa ito. Kaya lumapit ako sa kanya.

“ I don't want to be separated from you anymore, I want only you, Sweetie. Please marry me..”Nakagat ko ang ibabang labi. Habang pinapakinggan ang sinasabi nito.

“Gaya ng nakasulat sa mga bituwing ginawa ko sa taas.” Pagtatagalog niya. Hindi ko naman naiwasang mapatawa, tumingin naman siya sa kalangitan kaya ginaya ko ito pero muli lang bumaba ang tingin ko ng bigla itong lumuhod.

“Dedrick!” Sambit ko sa pangalan nito.

“Will you marry me, My love?” Nakagat ko ang ibabang labi saka naiiyak na tumango. Sino ba naman ako para tumanggi, ito nga ang pangarap ko eh!. Nang maisuot nito ang singsing sa kamay ko ay saka ito nakahinga ng maluwag. Tatawanan sana ako pero nasakop na niya ang labi ko. Tutugunin ko na sana ang halik niya nang malakas na hiyawan ang narinig ko. Nailayo ko ang sarili kay Dedrick at nagtatanong akong tumingin sa mata ni Dedrick dahil wala naman akong ibang makita. Naiiling itong tumawa saka may isinenyas.

Napakurap-kurap ako nang maglaho lahat ng magagandang bulaklak sa paningin ko, maging ang mga bituwin pagkatapos ay ang mala studiong lugar ang nakita ko. Yung labas ng bahay namin ay naka set up, tapos maraming tao ang may suot na salamin kasama yung mga kapit-bahay namin, mga kaibigan ko at ni Dedrick at  si Tita Veron, Tito Victor, si Nana, at Tito Brandon. Masaya ang lahat at panay ang pag chicheer sa amin.

Hindi ako makapaniwala, napailing nalang ako lalaking may gawa ng magandang garden na nakita ko. Pwede palang gamitin ang virtual reality sa wedding proposal?. Ibang klase talaga ito mag-isip.

“Magpakasal na tayo,” Malapad akong napangiti sa ibinulong nito. Pumihit sya paharap rito saka nya pinanggigilan ang ilong nito.

••••••••••••••

MONTHS PAST

Naka tingin si Jeaneia sa salamin habang inaayusan siya ng make-up artist niya. This is the day she's been waiting for, the day she can finally claim that they're married with love

she's wearing a long trail wedding gown

“are you ready?” Tumingin siya sa Nanay niya na kapapasok palang kaya naman ngumiti siya dito at tumango. Biglang sumagi sa isip niya ang Tatay niya, kung nandito lang ito ngayon siguro mas masaya.

THE HOTTEST NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon