TCB:KABANATA 18

569 13 1
                                    

JEANEIA'S | POV( Next day )

“San naman po tayo pupunta ngayon tatay?” tuwang-tuwang mabilis na tanong ni Duke sa ama.

Narinig ko naman ang mahinang pag-tawa nito, “Excited na excited, Baby?”

Ito ang pangalawang araw namin sa Baguio at hindi ako nagsisi na pumayag akong sumama, sobrang ganda dito, malamig pa ang klima na gustong-gusto ko.

“Pupunta tayong Wright Park Baby . Maganda doon!” Saad ni Dedrick. Kaya tumango na lang si Duke. nasa loob pa lamang kami ng kotse at nasa byahe pa lamang ngunit hindi na mapakali ang puwit ko.

Hindi ko mapigilang lumingon-lingon sa labas pero pinilit kong huwag masyadong magalaw dahil ang...anak ko nasa aking kandungan.

Medyo may katagalan ang byahe, nang makarating kami kaagad ko ding ginising si Duke at lumabas na kami ng sasakyan.

Hindi ko mapigilang mamangha habang nagpapalinga-linga sa paligid. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga kasama ko dahil nasa tanawin ang atensyon ko.

“Named after the Philippines' then Governor-General Luke E. Wright, this park is famous for horseback riding activities. Divided into two parts; the lower part is where you can go for horseback riding while the upper part is where you can find the postcard-worthy Pool of Pines Reflection Pool, which is a famous spot for early jogging and promenade among the trees.” Paliwanag ni Gwen samin.

“Ito ang Pool of Pines.” Turan ni Gwen. Tinuro niya ang pahabang pool na maraming nakapalibot na iba't-ibang klase ng magagandang bulaklak maging mga halaman.

Pinagmasdan ko lamang iyon habang ginigiya na ako ni Duke sa paglalakad.

Napalingon naman ako sa gilid. Maraming mga naglalakihang pine trees doon. Nakakaaliw tingnan ang pagkaka-cone shape nila.

Natutuwang nanlaki ang mata ko nang makita ang mga taong Igorot. Mga naka-bahag sila, suot nila ang nakasanayan nilang damit. Ang gaganda nilang tingnan.

“Pa-picture po tayo sa kanila tatay...” Saad ni Duke. Kaya napatingin ako kay Dedrick, tipid na ngumiti ito kay Duke.

“Sure...” Tumango siya.

Mas lalong nadagdagan ang tuwa ko. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at ako na mismo ang naghila sa kanya papunta doon, hindi ko alam parang wala ata lahat ng hiya ko.

Naghintay muna kami saglit dahil may nagpa-picture pa sa kanila at nang matapos ay kaagad na kaming lumapit.

Sinalubong ko sila ng malaking ngiti.

“Magandang araw po, pwede po bang magpa-picture sainyo?”Magiliw na paalam ko. Nginitian nila ako pabalik at tanging tango lamang ang sinagot nila.

Pumwesto kami sa gilid nila, pinagitnaan namin si Duke. Kung titignan para kaming tunay na pamilya, pamilya naman talaga kami, si Gwen ang kumuha ng litrato namin.

Nang matapos ay nagpasalamat ako sa kanila at binigay ko na din ang bayad. May fee kasi pagpapa-picture sa kanila.

Lumayo na kami sa kanila at muling naglakad. Naglibot-libot lamang kami doon at nang mag-tanghali na ay doon kami nakaramdam ng pagod at maging ng gutom kaya napagpasyahan naming kumain.

“Horseback riding naman mamaya...” Masiglang pagpapaalala ni Gwen

Mula sa pagkain ay naiangat ko ang tingin sa kanya. Nagningning ang mata ko narinig.

Napalingon ako kay Dedrick at nahihiyang napaiwas ako ng tingin nang maabutan ko itong pinapanood ang ekspresyon ko habang patuloy pa din siya sa pagkain. Mukhang mas nag-eenjoy pa ko kesa kay Duke na tahimik lang na kumakain.

THE HOTTEST NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon