TCB:KABANATA 9

698 15 0
                                    


Jeaniea's | point of view  (Saving Duke)

“B-besh A-anong N-nangyari kay Duke.”Utal na tanong ko.

“Besh si Duke may nag donate na dugo sa kanya,” Masayang saad ni Sicily kaya para akong nadumutan Ng tinik.

“Talaga besh?” masayang saad ko kaya napatingin ako sa panginoon.

Salamat panginoon sinagot niyo agad ang dasal ko.

Tumayo na ako kasi gusto kong makilala ang mag magandang loob na mag donate ng dugo sa anak ko para makapag pasalamat.

Pagdating namin sa desk ng mga nurse magtanong agad ako kung sino ang magdonate para sa anak ko.

“Excuse me po, nurse pwede pong magtanong?” tanong ko.

“Ano po yun ma'am?” sagot niya.

“Sino po yung magdonate ng dugo sa anak ko?” magalang na tanong ko.

“Ahh Ma'am, nandon po siya sa waiting area ng Ospital,” Saad ng nurse, kaya nagpasalamat na ako para puntahan ang nag magandang loob na magdonate ng dugo sa anak ko.

Habang naglalakad ako papuntang waiting area ng ospital na-abutan ko ang lalaking naka upo, tumingin tingin pa ako sa ibang gilid baka kasi hindi sya yung mag donate ng dugo sa anak ko, baka mapahiya pa ako.

Nang wala akong nakitang ibang tao naglakas loob na akong lumapit sa kanya.

“Excuse me sir, kayo po ba ang nag donate ng dugo sa anak ko po?” Magalang na tanong ko kaya napatingin siya sa'kin.

“Yes, I I'm,” Saad niya.

“Maraming maraming salamat po talaga, ako po yung nanay nung batang tinulungan niyo, maraming salamat po talaga,” saad ko ng paulit ulit, dahil hindi mapapantayan ang pasasalamat ko sa kanya.

“It okey, naghahanap kasi ako ng batang tutulungan para sa charity ko at napili ko ang anak mo and nalaman kong kailangan niya ng dugo,” Saad niya.

“Salamat po talaga, kasi anak ko po ang napili niyo,” Saad ko.

“What is you're name?” Tanong niya sa'kin.

“Ako po pala si Jeaneia Arevalo,” magalang na saad ko.

“Po ka naman ng po, Im Gilbert and im only twenty-six years old, how about you?” Tanong niya.

“Ahh twenty-five po” saad ko.

“Isang taon lang naman, kaya wag mo na sana akong ipo, magmumukha akong matanda,” Saad niya kaya tumawa ako, hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya.

Marami pa kaming pina usapan hanggang sa may tumawag sa kanya kaya nagpaalam na na siya, may importante pa daw syang pupuntahan.

Kaya bumalik nalang ako sa kwarto ni Duke.

Dumaretso nalang ako sa kwarto ni Duke, hindi naman nagtagal pumasok si Doc may sinabi lang siya sa'kin at pinapirmahan yung gagawing pagsalin ng dugo sa anak ko.

Nandito lang ako sa labas ng kwarto ni Duke habang ino-operahan siya, hindi ko kasi siya kayang iwan natatakot ako na baka pag iniwan ko siya, may mangyaring masama sa kanya.

Halos ilang oras kami naghintay na matapos ang operasyon at di naman nagtagal ay bumukas ang operating room kaya aligaga akong napatayo at agad na sinalubong ang Doktor, ramdam ko naman na sumunod sa akin si Sicily at nasa likuran ko siya.

“Doc kamusta po ang Anak ko? ayos na po ba siya? ligtas na po ba?” Yan ang agad na tanong ko sa Doctor at kita ko ang pagngiti nito sa akin.

“Ayos na po ang pasyente, naagapan ang pagsalin ng dugo sa kanya kaya masisiguro ko na sa inyo na ayos na ayos na siya, siguro mga ilang araw pa ay magigising na din ang Anak mo.” Nakangiting ani nito kaya napahinga ako ng maluwag.

THE HOTTEST NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon