"Hoy!!" Sabay siguro kaming lumingon kay Macky ng isigaw niya iyon, ang ingay talaga ng bunganga niya, parang babae.
"Bakit? Ingay mo ah, tinalo mo pa kapatid ko, bagay nga kayo!"
Napangisi ako ng umumang ito ng suntok kay Jay, masamang-masama ang tingin. Ayaw na ayaw niya yan, ika nga mortal enemy sila ni Jinka, kapatid ni Jay.
"Siraulo!!"
Napangiwi ako, masyadong malapit ang pwesto namin dalawa kaya ako ang sumasalo sa ingay niya, sakit sa tenga.
"Bakit ba?"
Tanong ko, pinaglaruan ang ballpen sa kamay. Vacant namin ngayon kaya nandito kami sa garden, gumagawa palang ng homeworks na mamaya na ipapasa.
Lumingon ito at mayroong itinuro.
"Nakikita niyo ba yun? Iyong nakared? Mahaba ang buhok at nakaharap dito?"
Medyo pinaliit ko ang mga mata para makita ng maigi ang itinuro niya. Kinikilala, pamilyar siya kaya mas tinignan ko ito. Bumilis ang tibok ng puso ko, Hindi ko alam kung bakit.
"Gago Raine, si Jossaine yun, diba?"
Sabay ng pagtapos niyang magsalita, nakilala ko na nga ang tinutukoy niya. Mas bumilis ang tibok ng puso ko kaya napatuwid ako ng upo.
"Oo nga noh. Wow!! Ang ganda niya na, glow up ba ang tawag diyan? Gago Raine, she's a catch---arayy!! Bakit ka nambabato?"
"Gago ka ba? Manahimik ka, kay Raine yan, off limits tayo diyan dalawa!"
Hindi ko alam kung ano dapat reaksyon ko sa sinabi ni Macky pero mayroon sa loob ko na natuwa. Pareho silang lumingon sa akin, hinihintay ang sagot ko.
Hindi ko alam isasagot ko. Sa totoo lang, hindi ko naman siya pag-aari. Dalawang taon na ang lumipas, lumipat siya ng school after namin mag moving up sa Junior high, hindi ko inaasahang makikita ko siya ulit, na babalik siya ulit.
Totoo, malaki nga ang pinagbago niya, marunong na siyang mag-ayos, tuwid na din ang kulot niyang buhok, na palagi lang nakapuyod noon, pumuti rin siya, na dati ay morena lang, marunong na rin siyang pomorma, na dati ay kung ano maisuot niya iyon na iyon, kahit hindi pa nga bagay. May pagkaboyish din pero ngayon ibang-iba na talaga.
Pakiramdam ko mayroong nabuhay sa loob ko, na matagal ko lang itinago, na dalawang taon kong itinago. Hindi ko alam kung paano ko papangalanan.
"Hindi ko alam, hindi na katulad ng dati, baka iba na rin gusto niya."
Bumungtonghininga ako, napabuntong-hininga rin sila. Nanahimik. Saksi sila sa mga chased and pushed na mga tagpo namin noon ni Jossaine.
FLASHBACK
Completion party namin ngayon, ayaw sana ng mga magulang namin kasi celebration din sa kanya-kanyang mga bahay pero minsan lang ito at pustahan ang iba diyan aalis na, lilipat sa ibang school.
Kasalukoyang tumutugtog ang banda ng school. Oo na, hindi nga kaaya-aya ang hitsura at ugali ni Jossaine para sa akin pero magaling siyang tumugtog, drummer siya, at nagse-second voice din siya. Magaling, maganda....ang boses niya.
Iniiwas ko ang tingin sa entablado, sa banda nila at sa kanya ng tumingin ito sa akin at ngumiti, napangiwi pa nga ako. Masyado siyang vocal tungkol sa nararamdaman niya sa akin. Sabi nga ng iba sana all pero para sa akin hindi, kasi hindi ko siya type, hindi ko siya gusto at hinding-hindi ako papatol sa kanya. Mas maganda pa ang kapatid niya kaysa sa kanya. Kung wala lang yun boyfriend baka diniskartehan ko na pero binakuran na.

YOU ARE READING
ONE SHOTS
RandomCollection of a one shots story ❣️ THIS IS A WORK OF FICTION #PLAGIARISM IS A SIN © BinibiningFeyy