SEPTON LEGACION POV"Bakit ba ganyan siya umasta? Bakit parang may galit siya sa mundo?" Tanong ko habang nakatitig sa kausap ko. Tumaas ang kilay nito at ngumiti ng bahagya.
"Curious eh? Ngayon nakapagtanong ka rin sa wakas." Tumawa ito ng bahagya at sumandal sa inuupuan niya. Tinignan ako ng mayroong halong malisya, nang aasar. Hindi ko iyon inintindi, sa halip nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Noong di ako sumagot tumawa muli ito, medyo malakas kaysa kanina.
"Alright!" Saad nitong may pagsuko. "Magkaibigan na kami niyan mula pa high school. Hindi naman talaga siya ganyan. Masiyahin yan, mahilig magpatawa. Oo hindi siya katulad ng iba na takaw tingin at pang rampa pero dahil sa character niyang masiyahin at palabiro, isali mo pa na napaka friendly niya marami ang humahanga sa kanya. Siya ang nagpapatunay na hindi hitsura ang basehan para hangaan at magustohan pero in some well, unexpected and painful happenings made her a person that we didn't expected her to be." Natawa ito, umiiling na para bang napagtanto niya na masyadong malalim ang sinabi niya. "Shala sa English. Iba talaga epekto niya sa mga nakapaligid sa kanya. Malaki."
Ang malaki niyang ngiti ay naging malungkot na ngiti. Para bang mayroon siyang naalala na nagpawala ng sigla niya. Bumuntong hininga ito at tumingin muli sa akin pagkatapos niyang tumitig ng ilang segundo sa malayo. Mayroong inaalala.
"Sa totoo niyan first love ko si Tavi. High school palang kami mahal ko na siya pero no chance ako. Ilang beses kong sinubukan, ilang beses niya ring pinamukha sa aking magkaibigan lang kami at iyon lang ang maibibigay niya sa akin. Umabot sa punto na umiwas ako sa kanya, alam ko nagtampo siya at nasaktan pero alam kong naiintindihan niya. Ngayon na lang ulit kaming college nag-usap muli na parang walang nangyari." Tumitig ito sa akin ng malalim, naging seryoso. "Huwag mo akong rasonan ngayon na curious ka lang sa kanya dahil sa ganyan siya. Oo, iba na siya kumpara noon, pero nagtanong kana, nagawa mo na at alam natin pareho na hindi na lang iyon curiosity. Kung hindi mo pa man iyon alam bago ka nagtanong ngayon hindi mo na rin iyon maitatanggi."
Natigil ako at napaisip sa sinabi niya. Ako naman ang umiwas ng tingin sa kanya at tumanaw sa malayo. Kinabahan ako sa isiping iyon. Tama siya na ang alam ko ay curious lamang ako sa kanya, pero hindi ko maabsurb sa sarili ko na higit pa roon ang rason ko, siguro kasi hindi ko pa nakukuha ang point, ang sagot sa tanong pero hindi ko lubos maisip na nasa level na ako na ganoon. Kung totoo man ang sinabi niya, nakakatakot.
Napatingin muli ako sa kanya ng tumawa na naman ito ng bahagya, nahuli ko pang umiling iling ito.
"Dalawang sunod siyang niloko, ang una ay noong Grade 11 palang kami. Umabot lamang sa pitong buwan ang relasyon nila pero ito ang una niyang boyfriend kaya nasaktan siya ng labis. Ang twisted part pa roon, ang captain ball pa ng basketball team ng school ang tinutukoy ko."
Tumigil ito at kitang-kita ko kung paano medyo tumalim ang tingin nito sa kanan, nilingon ko iyon pero walang tao pero para bang sa ginawa niyang iyon ay nakikita niya ang taong tinutukoy niya.
Hindi ko kilala personally ang tinutukoy niya pero kilala ko ang pangalan nito at nakikita ko rin siya sa paligid kasi palagi itong gropo kasama ang mga kateammate niya.
"Pangalawa naman at alam kong hanggang ngayon masakit pa rin para sa kanya kasi sumubok siyang muli at kita namin kung paano niya minahal ito. Noong 1st year palang kami. Kasama niya ito sa dance troupe sa school, at ang kasalukoyan na ngayong captain din ng Dance troupe. Iyon ang dahilan kaya umalis siya sa pagsasayaw, nangyari lamang iyon noong nakaraang taon. Actually, kagropo rin nila sa Dance troupe ang babae nito dati, ang dating Captain din."
YOU ARE READING
ONE SHOTS
AcakCollection of a one shots story ❣️ THIS IS A WORK OF FICTION #PLAGIARISM IS A SIN © BinibiningFeyy