"Potanginayan!!! Sino na naman ang crush mo???"
Napapikit ako dahil sa lakas at ingay na dala noon. Paniguradong rinig na rinig iyon hanggang sa kabilang room. Hindi ako lumingon, sa halip bahagya kong hinilot ang aking sintido.
Kung mayroong tarantado, mayroon namang tarantada, at siya iyon. Kababaeng tao, maraming kalokohan sa buhay. Kilala siya sa buong campus dahil sa attitude niyang iyan. Mula grade 7 magkaklase na kami, walang mintis, palagi kaming magkaklase. Palagi kaming nasa star section, nagtataka ako kung bakit nakakapasa pa rin ito. Aaminin kung matalino siya, mautak talaga, madunong kunbaga pero mas lamang ang kalokohan sa kanya.
Nasanay na siguro ang mga guro sa kanya, sa apat na taon niya sa paaralan na ito, kahit ang mga guro ay kilala na siya. Kilalang-kilala. Pasimuno, leader-leaderan, numero-unong pasaway. Noong una, palagi siyang napapagalitan, pero mula noong halos maperfect niya lahat ng exams namin noong grade 7 pa lamang kami, napahanga niya ang mga guro rito. Malapit na sa kanya, Hindi ko nga alam kung bakit tinotolerate nila ito. Malakas kapit niya, sipsip kunbaga kaya palaging nakakaligtas sa kalokohan pero para sa akin sumosobra na siya.
Ngayong kakapasok pa lang namin sa grade 11, Jusko, magkaklase na naman kami. Nakakaumay na siya, promise. I really hate her, her attitude, her whole existence. Never ko siyang kinausap, oo, nagkaroon kami ng mga encounter noong mga nakaraang taon, Hindi maiiwasan dahil magkaklase kami pero iilan lang iyon. Ilag ako sa kanya, at naging ilag din siya sa akin mula noong prangkahin ko siyang ayoko sa buong existence niya. She only gaped her mouth and looked at me, Hindi siya nagsalita, Hindi na, Hindi na sumubok na kausapin pa ako. Ni Hindi niya na lamang ako sinulyapan.
Malaking pabor iyon para sakin pero ganoon pa rin, ayokong-ayoko pa rin sa kanya.
Nagtawanan ang iba ng bumira na naman ito.
"Gago!!! Ang pangit mo kasi!!!"
Napailing-iling ako, kinuha ko ang headphone ko sa bag at isinuot iyon. Nagpatugtog, full volume, rinig ko pa rin siya pero less stress na. Mas better. Mas peaceful. Bakante namin ngayon, nagkaroon ng emergency meeting ang mga teacher. Kaya buong hapon walang pasok pero bawal pa lumabas, mayroon pang pinapatapos na mga activity ang mga ito. Kaya ang labas nito, 4pm pa rin ang uwian namin.
"Mister Claude Paladan!!"
Napatigil ako sa paglalakd at nilingon ang tumawag sa akin. Si Mrs. Santos lang pala, guro namin sa SocScie.
"Bakit ho Mrs. Santos?"
"May kapartner ka na ba sa activity na ibinigay ko?"
Umiling ako at bahagyang ngumiti ng kimi sa kanya. Ngumiti ito ng malaki sa akin.
"Mabuti, gusto ko sanang kayo ni Calathea Antallan ang maging magkapartner, gusto kong---"
"Ho??"
Nagloading pa ako, nabingi ata ako, mali ata ang narinig ko. Kabastusan man na putulin ang sinasabi niya pero pakiramdam ko, isang malaking pasabog iyon na tuloyang sisira sa buhay ko.
Akala ko magagalit ito, pero tumawa ito ng bahagya.
"Alam ko naman na hindi kayo malapit sa isa't-isa ni Miss Antallan, pero your differences is actually the whole experimental probability sa activity niyo. It's a good topic that you both should focus on. Kakaiba, Ikaw na tahimik na nag-eexcel at siya na maingay ang pangalan. I want you both to work it out, I'm expecting a different flavor from the both of you, hihintayin ko kayo. Ikaw na bahalang kumausap sa kanya at ipasa ang sinabi ko. Good luck, I'm rooting for the both of you, I wanna share it in the school newspaper, kaya break a leg!"
YOU ARE READING
ONE SHOTS
RandomCollection of a one shots story ❣️ THIS IS A WORK OF FICTION #PLAGIARISM IS A SIN © BinibiningFeyy