Kinapa ko ang phone ko sa loob ng bag ko dahil tunog ito ng tunog. Pinagtitinginan na nga ako. Hawak sa kaliwa ang plastic cup na naglalaman ng paborito kong inumin, ang cappuccino, tapos ikinakapa ko sa shoulder bag na suot ang kanan naman.
Panay ang ngiti ko ng alanganin sa mga nasa paligid. Nahihiya na ako, shit. Hindi ko pala na-silent.
Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, nag slow mo ang lahat sa paningin ko. Mayroong bumangga sa akin mula sa likod, natamaan niya ang balikat ko at ang kinakatok kong bangungot ay nangyari.
Naging mabagal sa paningin ko kung paano detalyadong tumapon ang paborito kong cappuccino sa sementadong pathway sa labas ng cafe na binilhan ko.
Pakiramdam ko rin unti-unting bumuka ang bibig ko at ang mga mata ko. Tuloyang tumigil ang mundo ko ng tuloyan itong matapon sa sementadong pathway.
'Ang mahal kong cappuccino!!! Ang mahal ko, literal na mahal!!!'
Natigil na rin ang panay tunog ng phone ko, wala akong ibang maisip na gawin pero nasulyapan ko pa kung saan lumusot ang lapastangang bumangga at tumapon sa inumin ko.
Kinagat ko ang labi at mangiyak-ngiyak na pinulot ng mabagal ang plastik cup na lalagyan. Ikinuyom ko ang kamao at naging matalim ang mga matang tumingin kung saan lumusot ang suspek.
Mabibigat ang mga hakbang na tinungo ko iyon. Agresibo kong pinanunasan ang mga matang naging cloudy. Gigil na hinanap ng mga mata ko sa bawat eskinita ang lalaking nakasuot ng itim na jacket, itim na bonet at itim na mask sa katanghaliang tapat. Wala akong pakialam kung sino man iyon, pero magbabayad siya.
Lalampas sana ako sa eskinitang medyo madilim pero nakita ko sa gilid ng mata ko ang mumunting paggalaw sa kabila ng tambak na mga bagay roon.
Gitgit ang mga ngipin na tumungo ako roon. Naabutan ko roon ang nakayukong lalaki, habol ang paghinga. Tumigil ito kakapunas ng pawis niya ata at mabagal na tumingala sa akin.
Nagtagpo ang mga mata namin. Pareho kaming hindi nakareact agad. Muntik pa akong mapanganga dahil sa kakisigan niya pero pinigilan ko ang sarili.
"Who are you?"
'Ay Gago!'
Nakakakilabot naman ang bedroom voice niya pero dahil sa sinabi niya nagising ako. Tinaliman ko siya ng tingin at ibinato sa kanya ang plastic cup na walang laman, tumama iyon sa balikat niya. Nagulat ito sa ginawa ko.
"Lapastangan kang hinayupak ka!! Wala akong pakialam kung sino ka pero tinapon mo ang inumin ko!!! Huling pera ko na yun ngayong araw!!! Palitan mo yan kung ayaw mong isuplong kita sa mga humahabol sayo!!! Alam mo bang ang mahal niyan??? Pero malamang alam mo!!! Mukha kang mayaman kaya alam mo yun!! Kung wala lang yun sayo pwes sa akin hindi!!! Mahirap lang ako, pinag-ipunan ko yun sa baon sa isang linggo!!!! Tapos itatapon mo lang!!! Ginagago mo ba ako??? Ha?? Sumagot ka???"
Habol ang hiningang tumigil ako at pinunas ulit ng agresibo ang luhang tuloyang naglandas sa pisngi ko. Oo mababaw pero nyeta, pinag-ipunan ko yun. Araw-araw akong nagki-crave tapos ngayon ko na sana matatamasa ang sarap ulit noon, tapos ano? Ganito lang mangyayari. Napanganga ito.
"Look miss! If you're here to just want to have pictures and my sign, I can give you, but lower your voice, you might catch the others attention because of your drama!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Yumukod ako at hinila ang colar ng damit niya. Nanlaki muli ang mga mata nito, siguro sa gulat dahil umangat ang katawan niya sa ginawa ko o dahil sa ginawa ko mismo.
YOU ARE READING
ONE SHOTS
AcakCollection of a one shots story ❣️ THIS IS A WORK OF FICTION #PLAGIARISM IS A SIN © BinibiningFeyy