Shot #14 SLAVED

0 0 0
                                    


MARGARITA SANTOS POV

     "Potangina, Tara na!!"

Nagmamadaling saad ni Ate Fuschia, pinsan ko. Hinila niya ako sa braso pero bago ako tumalikod nakita ko na kung bakit.

"Hi!!!"

Sunod sunod kaming nakikidaan sa mga naroon. Sa dami ng mga estudyanteng naroon, pahirapan ang paglabas sa gitna.

"Gusto ko lang sanang kunin ang atensyon niyo kahit kaunting sandali lamang."

Humigpit ang hawak ni ate Fuschia sa palapulsohan ko. Masakit iyon pero naiintindihan ko siya. Nasasaktan ako sa part na ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Kinagat ko ang sariling labi para pigilan ang maiyak na naman.

"Babe!"

Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nag ingay ang madla dahil sa isang salitang iyon. Maraming bulongan kung sino nga ba ang tinutukoy ng nagsasalita.

"Fuschia Ann Pilago."

Ako mismo ang napatigil sa narinig. Pilit niya akong hinila-hila hanggang sa lumingon siya sa akin at pinagmulatan ako ng mga mata.

"Ano na?!"

Mahina pero madiin niyang saad. Kinagat ko ulit ang labi ko. Tinaliman niya ako ng mga mata.

"Huwag na huwag ka---"

"Fuschia Ann Pilago, My babe!"

Mas lalong nag ingay ang paligid. Lumilingon na sa part namin ang ibang nasa paligid namin na nakakakilala sa pinsan ko. Bumigat ang paghinga niya. Nauubusan ng pasensya. Ang matalim niyang tingin ay naging madilim. Sa akin pa rin siya nakatingin pero alam kong panay mura na nito sa isipan niya. Galit na galit sa taong nagsasalita. Nasasaktan na naman ako para sa kanya and at the same time nagagalit ako sa sarili ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Nag ingay ang paligid, bulongan at puro panghuhusga ang naririnig namin. Sa gitna ng napakaraming estudyante nandito kami, nakatigil, naipit at hinuhusgahan si Ate Fuschia. Gusto ko siyang ipaglaban, idepensa pero ayaw niyang magsalita ako at makialam. Ayaw niyang madamay pa ako.

"Babe naman!"

Madamdaming saad ni Stefano Salvatore. Ang may kagagawan ng lahat kung bakit nasa impyerno ang buhay ni Ate Fuschia, ang Master of the game, the Creator itself at si ate Fuschia ang isa sa mga manlalaro na pinaglalaruan niya. It should be me pero sinalo niya. Alam kong ibinilin nina Mommy at Daddy ang kaligtasan ko sa kanya pero hindi niya kailangan gawin ito, I'm also scared about being captive, being Stefano Salvatore's captive player. Kilala si Stefano, kilala ang pamilya nila. Kahit anong gustuhin nito ay nakukuha niya kaya walang gustong bumangga man lamang dito but my story is connected to him. His best buddy, Akon Linea. Nagpakamatay ito, baliw na ito. Pareho naman sila. Akon's my crazy suitor. Ayoko sa kanya pero baliw na baliw ito sa akin to the point na nai-invade niya na privacy ko. Gustong-gusto ako nito na nasasakal na ako at pakiramdam ko hindi na ako safe sa araw-araw. He's always around kahit nasaan ako. He's also my stalker. Noong sinabi ko sa kanya na may boyfriend na ako, hinarass niya ako sinubukan na kidnappin pero nakatakas ako. Sa pagiging bayolente niya kung sino sino ang nakakalaban niya hanggang sa makulong ito, hinahanap ako, nagmamaakawa pero hindi ko siya pinakinggan kasi natatakot na ako ng sobra sa kanya. After that day, nabalitaan na lamang namin na nagpakamatay ito sa kulongan. And everything became fast and dark. Sinisi ako ni Stefano, pero humarang si Ate Fuschia na umuwi pa from States dahil sa kanya ko lang pinagsasabi ang lahat. It turns out she catch all the blame na para sa akin.

"I'm sorry, kausapin mo na ako. It was just a joke. Ilang araw na kitang hindi makontak, I miss you so much that I feel like I'm going to be crazy. You know that I love you right?! Babe?! Please?!"

ONE SHOTS Where stories live. Discover now