OCTAVIA BLANCO POV"Cheers!!!!" Sabay sabay nilang saad at pinag umpog ang mga hawak na baso. Hindi ako nakisali pero lumapit ang iba at sila na ang kusang umumpog ng baso nila sa baso ko. Though, juice lang ang laman ng baso ko.
"Congratulations ulit sa ating lahat guys! Well deserve lalo na sa ating Magna Cum Laude na hindi pa legal uminom ng alak kahit graduate na." Nagtawanan sila habang nakalingon sa akin. Pinag ikutan ko lang sila ng mata.
"Kamusta Tavi? Malungkot ka ba ngayon na first time wala si Septon sa paligid mo?!"
"Yieh!!!!"
Sinumulan ni Tom kaya nagsi-asaran na rin sila. Hindi ako nagkomento kaya wala silang nakuha sa akin na sagot, hindi sila tumigil kahit masama ang tinging ibinibigay ko sa kanila.
"Saan nga ulit pumunta si Sep?" Si Niko.
"Sa New Zealand. Nagbakasyon kasama ang buong pamilya. Isinasama nga si Tavi, eh ayaw naman nitong mapagpanggap na Maria Clara na kaibigan natin eh." Nagtawanan sila at tinignan ko lang ng matalim si Keana. Napapansin ko ang closeness nilang dalawa ni Septon. Noong una akala ko may something sa kanila kaya pati sa kanya umiwas ako. Pero isang araw, malungkot itong lumapit sa akin kasama si Septon na umiiyak. Naalarma ako kasi hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko lamang ipinakita iyon. Bago pa man ako makapagtanong, lumuhod na sa harap ko si Septon at hinawakan ang kaliwa kong kamay. Maya-maya lamang ay sumunod si Keana. Napatingin ako sa paligid para lamang makita na naroon din ang iba, nakatingin at seryoso ang mga mukha. Hindi ko agad naintindihan iyon kung bakit ganoon sila, not until magsalita na si Septon.
'Huwag kana magalit sa akin at kay Keana. Mailap kana nga noong una mas naging mailap ka pa. Kung iniisip mong niloloko kita kasi malapit kami, huwag mo yun isipin. Ayaw sana namin sabihin pero magpinsan kaming dalawa kaya ganito kami kalapit. Pakiusap Tavi, huwag kana umiwas saamin. Pinapaiyak mo naman kaming dalawa. Alam mo naman na mahal na mahal kita diba? Isipin ko pa lamang na lolokohin kita at maghahanap ako ng iba, halos mabaliw na ako. Sorry kung pinag isip ka namin ng ganoon, sorry kung di ko agad sinabi, sorry kung naramdaman mo ulit na niloloko ka. Sorry Tavi! Sorry!' Halos mapanganga ako noong marinig iyon. Hindi ko alam kung isip bata ba siya o ano kasi humihikbi na siya habang sinasabi iyon. Pati si Keana nakiiyak na. Humihingi rin ng sorry. Tinignan ko ang iba na malungkot ang tingin.
'O-oo na! Bumangon na kayo diyan!' Awkward ko iyong sinabi kasi uncomfortable ako.
'T-talaga?! Hindi kana iiwas? Hindi kana galit? Hindi mo na ako pinagdududahan? Hindi ko iyon magagawa Tavi, pangako! Ilang beses ko na iyong sinabi sayo diba?!'
'O-oo na nga! Bangon!!' Tumaas bahagya ang boses ko kaya tumayo pareho ang dalawa.
'Thank you!!' Sabay pa nila akong niyakap kaya naipit ako. Nalinawan naman ako mula noon.
"Siraulo!!" Si Asher, malakas ang tawa nito. Kaya natuto magmura si Septon dahil sa kanila eh. Pinagtuturuan nila ng kung ano ano.
"Pero naman...." Nakuha ni Gibo ang atensyon namin lahat. Naglakad ito at lumapit sa akin. Inakbayan ako. Alam ko na to. "Pero Tav, may pag-asa na ba si Septon sayo? Ay mali mali, nakapasok na ba si Septon sa sistema mo?" Nagkatuwaan sila at ang ingay. Nagtaas-baba pa ang kilay niya sa akin. Siniko ko siya ng malakas sa tiyan kaya bumitaw ito.
"Ay ay ay! In denial pa ba ang Maria Clara o talagang wala talaga?! Grabe ka Tavi, lampas isang taon na siyang nanliligaw sayo. Lampas isang taon kana niyang minamahal." Pagdadrama ni Asher.
YOU ARE READING
ONE SHOTS
RandomCollection of a one shots story ❣️ THIS IS A WORK OF FICTION #PLAGIARISM IS A SIN © BinibiningFeyy