STEFANO SALVATORE POV"What the fuck did you do?!!" Sa galit at poot na nararamdaman ko pakiramdam ko nabubulag ako nito. Wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang wasakin ang pagmumukha niya. Walang pumipigil, walang nag abalang pigilan man lamang ako, walang ibang humarang. Alam nila na kapag humarang sila pati sila ay madadamay. This fucking shit bypassed me and did something that I would never do.
"Fuck!!!" Malakas kong sigaw pagkatapos kong itapon na lamang na parang basura ang putangnang basura. Nilingon ko ang iba na nakatingin sa baba at malayo sa akin. "At kayo?!! Hindi niyo man lamang pinigilan, sumali pa kayo!! Mga putangna niyo!! Wala kayong karapatan na saktan siya ng ganoon!! Wala!! Ako lang!! Ako lang ang may karapatan!! Mga putangna niyo!!"
Pinagduduro ko sila at pinagbalingan ko naman ang mga lamesa at upuan dito. Pinagbabalibag ko iyon kung saan saan. Walang pakialam kung may natamaan man. Sa galit na nadarama parang gusto kong kumitil ng buhay gamit ang sariling kamay. Nanginginig ang kalamnan ko, na hindi ko na makontrol pa ang sarili. Nagdidilim ang paningin ko.
"Ahh!!!" Muli kong sigaw at ibinato ang bote na nahagip ng kamay ko. Mayroong dumaing pero wala akong pakialam. Ipinasara ko kaagad ang bar ng malaman ko ang nagyari. Hindi ko inaasahan na ganoon ang gagawin ng mga putangnang mga hayop na ito.
Nawala lang ako dahil ipinatawag ako ni Lolo para sa isang political issue tapos pagbalik ko ganoon lamang ang dadatnan ko. Hindi ko na siya nadatnan dito, sa halip ang mga hayop na ito ang nadatnan ko na nagkakatuwaan kasama ang ibang mga estudyante. Tuwang-tuwa pa silang ikinuwento sa akin ang ginawa nila. Tumaginting ang tenga ko kung paano niya maaksyon na ikinuwento saakin ang ginawa nila. Kung paano nila inalipusta, sinampal, pinapulot ng bubog at pano nila tinulak tulak ang babaeng iyon. Nablangko ako, ang tanging naisip ko ay ipasara kaagad ang bar at doon na ako sumabog.
Ni minsan hindi ko siya sinaktan ng pisikal kasi putangna. May mga rason ako pero hindi kasali ang mga hayop na ito, hindi sila kasali sa pagpapahirap sa kanya. Ako lang ng ako ang may karapatan.
"Magsilayas kayo ngayon din sa paligid ko kung ayaw niyong dito kayo bawian ng buhay. Layas mga hayop!!!" Nag unahan ang mga ito papunta sa pintuan. Nag unahang makalabas para lamang iligtas ang sarili. "Dalhin niyo ang putangnang yan." Tukoy ko sa pasimuno ng lahat. Aligagang bumalik ang dalawa at binuhat ito palabas. Naiwan ako roong hindi pa rin makalma. Muli akong nagsisigaw at nagwala. Tumigil ako at lumingon sa bar counter. Lumapit ako roon at humugot ng isa sa mga pinakamatapang na inumin. Nilagok ko iyon. Humagod ang pait at init nito sa lalamunan ko. Parang sinisindihan ang dila ko papunta sa lalamunan ko pababa sa tiyan ko.
Pabagsak ko iyong ibinaba sa counter. Madilim ang tingin sa kawalan. Kung titignan ako ngayon parang sinapian ako ng demonyo. Nagkontrol lamang ako kasi isa sa mga sinabi ni lolo kanina ang umiwas muna sa gulo. Plano nilang itulak akong lumaban bilang Mayor na ayoko sana pero wala akong magagawa. Kung batas-batasan ako mas batas sila sa akin. Ganyan ka bigat ang mga Salvatore, kung may pagkakataon lamang na papiliin ako ng pamilya, hinding-hindi ko pipiliing muli na maging Salvatore.
Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Umupo ako at pumikit, humugot ng mga malalalim na hininga at ibinubuga ulit iyon. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa marelax ang ulo at dibdib. Hindi pa kalmado pero okay na ito. Dumilat ako at tinungga ang natitirang inumin. May kailangan akong tignan.
Tinahak ko ang daan papunta sa lugar kung saan hindi man ako sigurado pero alam kong doon ko siya makikita. Naghintay ako sa loob ng sasakyan ko habang nakalingon sa isang bahay na di kalakihan kumpara sa bahay namin pero konkreto at maganda ang desinyo.
YOU ARE READING
ONE SHOTS
AcakCollection of a one shots story ❣️ THIS IS A WORK OF FICTION #PLAGIARISM IS A SIN © BinibiningFeyy