Someone asked me kung okay lang na gumamit ng emoticons kapag nagsusulat. Ang sagot ko isang tumataginting na DEPENDE. May dalawang uri naman kasi ng pagsusulat: formal and informal writing.
Kung pormal ang tema ng pagsusulat mo, huwag kang gumamit ng emoticons. Kung magsusulat ka ng poem, short story, script o nobela, huwag gumamit ng emoticons. Use words instead. Lahat naman ng emoticons may katumbas na salita, 'di ba?
Example:
@_@ / namilog ang kanyang mga mata.
-_- / naningkit ang kangyang mga mata dahil sa galit.
Pero kung magsusulat lang naman kayo sa notebook o hindi kaya ay gagawa kayo ng note para sa nanay niyo na ilalagay sa ref niyo, pwedeng-pwede kayong gumamit ng unli emoticons. By all means! Haha.
But this is just my personal taste, okay? Kung ayaw niyong sundin, kever ko sa inyo! ^_^
BINABASA MO ANG
Tips for Aspiring Writers
RandomNOTE: You should read all the chapters on this particular post kasi 'yong ibang mga tanong niyo masasagot ko sa ibang chapters. That's why 'yong ibang questions'di ko na sinasagot kasi ulit-ulit na lang. :) Follow me on Instagram: @iamaivanreigh :)