I don't get it. May mga nagpasa sa akin ng entries for the writing contest na may kasamang disclaimers. For example (non-verbatim ):
"Please, sana magustuhan niyo po 'to kasi pinaghirapan ko po talaga 'to kaya sana magustuhan niyo. Please, nagmamakaawa po ako."
"Nagpuyat po ako para lang matapos ko po 'to. Tapos pinagalitan pa ako ni mama kasi ang tagal-tagal ko sa harap ng computer. Kaya sana mapili niyo po 'tong gawa ko."
Seriously? -_-
Ayan, napapagamit tuloy ako ng emoticon. Pero guys, seryosong usapan... kung maganda ang kwento niyo, hindi niyo na kailangang magmakaawa o mangonsensiya pa para lang magustuhan ko ang gawa niyo. Objective naman ako pagdating sa pagki-critique sa gawa ng mga aspiring writers.
And to tell you honestly, hindi ako nadadala sa awa o pangongonsensiya. Kaya kung ako sa inyo, mag focus kayo sa content. Dahil after all, content naman ng mga short-stories na ipapasa niyo ang ija-judge ko at hindi kayo mismo. Hindi ko rin kayo ija-judge base sa kung close tayo o hindi. I'm always fair when it comes to judging. Kaya please lang, focus tayo sa content, okay? :)
Good evening everyone.
Follow me on Instagram: @iamaivanreigh. Thank you. :)
BINABASA MO ANG
Tips for Aspiring Writers
RandomNOTE: You should read all the chapters on this particular post kasi 'yong ibang mga tanong niyo masasagot ko sa ibang chapters. That's why 'yong ibang questions'di ko na sinasagot kasi ulit-ulit na lang. :) Follow me on Instagram: @iamaivanreigh :)