Alam ko marami pa rin sa inyo ang nalilito dito. Pero palagi niyo lang tatandaan na ang sila at nila ay mga panghalip panao na hindi sinusundan ng pangalan ng tao. Samantalang ang sina at nina na parehong pantukoy na maramihan ay palaging dapat nasusundan ng pangalan ng tao.
Mga halimbawa ng SILA at NILA:
1. Nakasama ko sila sa panaginip ko.
2. Ang popogi nila.
3. Nadaanan ko sila kanina.
4. Muntik na nila akong mahuli.
Mga halimbawa ng SINA at NINA:
1. Nakasama ko sina James, Daniel, Enrique at Mccoy sa panaginip ko kagabi.
2. Ang popogi nina Marco, Edward at Yong! Sana pala sumali ako ng PBB!
3. Nadaanan ko sina Maine, Nadine at Kathryn kanina. Akala ko mga diyosang bumaba sa lupa.
4. Muntik na akong mahuli nina Mahal at Mura kanina. Buti na lang mabilis akong tumakbo.
TANDAAN: Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay.
Halimbawa: "Makikipag-usap ako kina Martha at Cecilia."
"Doon ako makikikain kina Jack at Patt."
BINABASA MO ANG
Tips for Aspiring Writers
RandomNOTE: You should read all the chapters on this particular post kasi 'yong ibang mga tanong niyo masasagot ko sa ibang chapters. That's why 'yong ibang questions'di ko na sinasagot kasi ulit-ulit na lang. :) Follow me on Instagram: @iamaivanreigh :)