Don't Be Bitter. Be Better!

2.9K 118 16
                                    


Lately, dami kong nababasang status sa Facebook. Mostly rant ng mga writers / wannabe writers na hindi na/pa nakakapag-publish ng books. At ang kadalasang pinag-iinitan nila ay 'yong mga sikat na writers.


First and foremost, hindi ako sikat. Wala rin akong balak na magpasakit. All I wanted was to write and be able to help my sisters and sisters. Wala ako sa posisyon para sabihing malayo na ang narating ko. In fact, I can honestly say that I am still struggling para manatiling relevant sa industriyang ito.


I am not bitter. I acknowledge the fact na may ibang writers na sadyang mapalad sa pagkakaroon ng mga active na readers. I also acknowledge the fact that publishing a book is a business. Walang negosyanteng gustong malugi. So nag i-invest sila sa mga writers na tingin nila ay kikita sila. And that's understandable, right?


Instead of being bitter, be better. Enhance your craft. Mas paglinangin mo ang talento na meron ka. Focus on your output not the results. Kung mahal mo ang pagsusulat, dapat ang nasa isip mo ay kung paano mag iimprove ang talent mo, maging ang sarili mo. Dahil kung pagiging famous rin lang ang lagi mong iisipin, mai-stress ka lang.


Change your perspective pagdating sa pagpa-publish ng book. Be patient. Ako nakapag-publish na ng more than 15 books but it took me another 2 years to publish my next book. (Though sa part na 'to, personal choice ko na hindi mag release ng book.) Instead of dreaming to become famous, aspire for longevity. Mas okay nang magtagal ka sa industriyang ito kesa naman sumikat ka lang ng ilang taon tapos biglang mawawala rin sa eksena.


Keep on dreaming, guys. And more importantly, keep writing.

Tips for Aspiring WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon