Lately, andami kong nare-receive na messages asking stuffs regarding publishing. Yung iba paulit-ulit na tanong na lang at nasagot ko na sa previous post ko pero itinatanong pa rin.
Guys, uso po ang salitang RESEARCH at COMMON SENSE. Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa iba kasi kahit napaka-simpleng bagay ay itatanong pa sa akin. Pwede pong magkaroon din po kayo ng initiative na magbasa sa Internet? Kaibiganin mo si Google. Lahat ng tanong sa sagot mo, for sure may sagot na. Nakakasawa rin kasi sumagot sa mga tanong na paulit-ulit ko naman nang nasagot before o 'di kaya ay na-discuss ko na sa previous chapters ng particular entry ko na 'to.
Bago po kayo magtanong sa akin, pakibasa muna "lahat" ng entries ko dito kasi malamang may sagot na rin yung tanong na naglalaro sa utak mo. Meron kasing iba na yung pinaka-unang entry lang ang binasa at halatang hindi na nagpatuloy sa pagbabasa kaya tuloy hindi niya alam na na-discuss ko na yung tanong niya.
Well, yun lang naman. So alam niyo na ha? Kapag 'di ako sumagot it means may sagot na 'ko sa tanong mo. Research guys. Mahalaga ang research sa pagsusulat. Promise! Happy new year everyone!
xoxo
Aivan
BINABASA MO ANG
Tips for Aspiring Writers
RandomNOTE: You should read all the chapters on this particular post kasi 'yong ibang mga tanong niyo masasagot ko sa ibang chapters. That's why 'yong ibang questions'di ko na sinasagot kasi ulit-ulit na lang. :) Follow me on Instagram: @iamaivanreigh :)