Malaki ang naitutulong ng Internet sa isang manunulat. Kapag hindi ka sure sa isang bagay o 'di kaya ay kailangan mong mag-research para sa isang story na sinusulat mo, aba'y isang click lang sa Google at mahahanap mo na ang kailangan mo.
Pero kadalasan, nagiging sagabal rin ang Internet sa pagsusulat. Katulad ko, mas matagal pa ang oras na iginugugol ko sa pagpe-Facebook, Twitter at Instagram kumpara sa pagsusulat mismo. Nakaka-frustrate pero ang hirap isantabi ng Internet.
Pero dahil nga ina-acknowledge kong ito ang rason kung bakit mabagal akong magsulat sa ngayon, papatayin ko na muna ang wifi. At mamaya na lang sasagot sa mga comments kapag nakatapos ako ng kahit isang chapter lang. Goal ko talaga is makapag-sulat ng kahit isa o dalawang chapter lang per day.
Kayo, nakakailang chapters kayo kada-araw?
P.S.
Follow niyo ko sa Instagram: @iamaivanreigh :)
BINABASA MO ANG
Tips for Aspiring Writers
RandomNOTE: You should read all the chapters on this particular post kasi 'yong ibang mga tanong niyo masasagot ko sa ibang chapters. That's why 'yong ibang questions'di ko na sinasagot kasi ulit-ulit na lang. :) Follow me on Instagram: @iamaivanreigh :)