Kung ang pagbabasehan ko ay ang mga pinagdaanan ko bago ako maging isang ganap na writer, ang magiging sagot ko ay isang malaking YES.
Sa tuwing makakatanggap ako ng letter of rejection mula sa mga publishing house na pinagpapasahan ko ng manuscript, palaging nadudurog ang puso ko kasi pakiramdam ko ay ipinagkakait sa akin ang isang bagay na gustong-gusto ko. Pero kalaunan, natutunan ko ring tanggapin sa sarili ko na isa palang malaking tulong ang mga naging past rejections ko para mahubog ang talento ko sa pagsusulat.
At ngayon namang isa na akong "certified writer", masasabi kong hindi pala madali ang buhay para sa mga writers. Hindi pwedeng ituring na stable source of income ang pagsusulat. Mas madalas na gutom ang mga writers dahil usually ay delayed ang paycheck. So to speak, bibihira ang yumayaman na writer. Eh, pangarap ko pa namang maging mayaman.
But then I realized, hindi lang naman nakukulong sa "pera" ang pagiging mayaman. Bcause right now, hindi man ako mayaman sa salapi, mayaman naman ako sa mga taong nagmamahal sa akin pati na rin sa mga nobela ko. At makatanggap lang ako ng mga sweet messages mula sa mga readers ko, I feel rich somehow.

BINABASA MO ANG
Tips for Aspiring Writers
RandomNOTE: You should read all the chapters on this particular post kasi 'yong ibang mga tanong niyo masasagot ko sa ibang chapters. That's why 'yong ibang questions'di ko na sinasagot kasi ulit-ulit na lang. :) Follow me on Instagram: @iamaivanreigh :)