HENRIETTA

1.1K 14 0
                                    

HENRIETTA'S Prologue

"Henrietta."tawag ng ama nito sa dalagita

"Bakit?"walang ka gana ganang tanong ng dalaga sa Ama

"Gusto kang maka-usap ng Mama mo."turan ng Ama nito sakanya dahilan kung bakit ito natigil sa pag akyat sa pangalawang palapag ng kanilang bahay

"Matagal na akong walang Mama." walang ka emo-emosyong turan nito bago nag tuloy tuloy hindi pinansin ang pag tawag ng Ama nito sakanya

Padapang nahiga ang dalagita sa higaan nito pagkapasok na pagkapasok sa kwarto

Na natiling naka subsub ang mukha nito sa unan kahit na narinig nito ang pag bukas ng pinto ng kwarto nito at mga yabag palapit sa kama nito

"Hentrietta."Hindi nito pinansin ang pag tawag sakanya ng nakakatanda nitong kapatid

Napa buntong na lang ang lalaki saka naupo sa tabi nito at masuyong hinaplos ang buhok niya

"Pag pasensyahan mo na si,Papa Dahil gusto niyang mag kaayos kayo ni,Mama."Malumanay na wika nito habang patuloy sa paghaplos sa buhok nito

"Ayos lang naman kung hindi mo muna magawang patawarin si Mama dahil ginawa niya acceptable naman yun dahil bata ka palang nung iniwan tayo ni,Mama."turan nito saka napa buntong hininga

"Pero sana dumating yung araw na mahanap mo dyan sa puso mo ang pag papatawad."dagdag nito saka tumayo na

"Tatawagin na lang ulit kita mamayang dinner time."turan ng binata rito saka lumabas sa kwarto nito

Nang maramdamang nakalayo na ito ay umayos ito ng upo saka marahang pinunasan ang mga luha sa mata nito

Umalis ito mula sa higaan niya saka nag tungo sa closet nito at nag palit ng damit

Simpleng jeans at t-shirt na black ang suot nito saka pinatungan ng itim na hoodie nang matapos itong mag palit ng damit ay naglakad ito palapit sa bintana nito

Maingat itong bumaba galing sa ikalawang palapag ng bahay nila mula sa bintana

Humingang malalim muna ito saka mabilis ngunit tahimik na tinahak nito ang daan patungo sa lagi nitong dinadaanan tuwing tumatakas siya...

Nang makalayo sa bahay nila ay dun niya lang napag tantong walang destinasyon ang pag lalakad nito

Naka lagay ang dalawang kamay nito sa magkabilaang bulsa ng hoodie na suot

Napahinto ito madaanan nito ang 7/11 nang maka pa nito ang wallet sa bulsa ay dun lang niya naisipang pumasok

Kumuha ito ng kimang canned beer saka nag tungo sa counter para bayaran

Nang matapos itong mag bayad ay lumabas ito at piniling umupo sa isa sa mga mesa na nasa labas ng 7/11

Tahimik na ineenjoy ang pag inom nito ng beer habang pinapanood ang mga dumadaan sa harapan...

Seryosong naka tingin lang ito sa lalaking bigla na lang huminto sa harapan ng mesa nito

"Pwede bang maki share ng table?"naka ngiti ngunit bakas ang hiya sa mukha nitong tanong

Napa tingin naman ang dalaga sa ibang mesa ngunit ang lahat ay occupied na kaya tumango na lang ito bilang tugon

"Bakit mag-isa ka lang?" tanong ng lalaki rito saka nagbukas ng chips na binili nito

"Mag-isa ka lang din." walang emosyong wika nito rito

" Hehehe sabi ko nga."kamot batok na pekeng tumawa ang lalaki

"I'm, Demetrius Uriel Kamiyama." naka ngiting pakilala ng lalaki habang naka lahad ang kamay nito sa harapan ng dalaga

Kunot noong tinignan lang ng dalaga ang kamay nitong naka lahad saka nag angat ng tingin rito

"Japanese?"

"Ah! Siguro 1/4 na lang." natatawang wika nito  "Ikaw anong name mo?"

"Henrietta Varlice." tipid na sagot nito saka tumayo at kinuha ang mga pinag inuman niya ng beer at nag lakad palapit sa basurahan at itinapon

Hindi na ito bumalik sa mesa  kung saan nito iniwan ang lalaki at basta na lang nagsimulang tahakin ang daan pauwi sakanila

Pagpasok na pag pasok nito sa bahay ay bumungad sakanya ang apat niyang Kuya at mukhang hinihintay siya

Lima silang mag kakapatid siya ang bunso at nag iisang babae sakanilang mag kakapatid kaya protective sakanya ang mga tao sa bahay

"Are you okay?Wala namang tumangkang manakit sayo?" masuyong tanong ng Kuya Felix nito

"Saan ka nag punta? Bakit umalis ka mag-isa?dapat nag pasama ka isa sa amin."mulumanay na turan ng Kuya Zayr nito

"Kumain kana ba? Nagugutom ka ba? Gusto mo ipag handa kita ng makakain?"sunod sunod na tanong ng Kuya Thorn nito

"Uminom ka na naman mag-isa diba sabi ko sayong kung iinom ka ayain mo Ako."Terron

Nang makitang wala ng balak na mag dagdag ng tanong ang mga Kuya duon lang siya umimik

"I'm fine galing ako sa 7/11 mga Kuya."malumanay na tugon ng dalaga rito

"Una na Ako madami pa akong gagawin bukas. "paalam nito at basta na lang iniwan ang mga kapatid at umakyat sa pangalawang palapag kung nasaan ang kwarto nito

Pagpasok nito sa kwarto ni locked muna nito ang pinto saka ito nag tungo sa bathroom nito at ginawa ang night routine nito

Naka suot lang ito ng over size t-shirt at simpleng cycling...

Pinatay nito ang ilaw saka binuhay ang lampshade sa tabi ng higaan nito para kahit papaano ay may liwanag ang buong kwarto nito...

Nakaramdam siya ng kaginhawaan ng maramdaman nito ang paglapat ng likod nito sa malambot nitong kama at pinikit ang mga mata para matulog....

___
Ewan pero bakit ang hirap gawan ng prologue 😢

Brave Queen Series 1: The Only Exception (🌜)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon