Chapter 24

284 2 0
                                    

The Only Exception 24

"Mom, love spoiling me. Ako lang kasi ang nag-iisang anak nila pero kahit ganun pag alam na ni Mommy na sumosobra na ako she'll scold me."naka-ngiting pag-kwento nito

Nandito kami ngayon sa Sementeryo para dalawin ang Mommy nito dahil birthday niya

"Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin siya bakit si, Mommy pa? Bakit sa dami ng masasamang tao sa mundo si Mommy pa yung binawi niya agad sa'min."malungkot nitong wika hinawakan ko naman ang kamay nito saka mahinang pinisil para sabihing nandito lang ako

"Alam mo ba College Professor si, Mommy kaya ginusto ko ding mag-turo,"naka-ngiting wika nito habang nakatitig sa puntod ng Mommy nito

"Nung una ginusto kong magturo para kay, Mommy pero di nag-tagal minahal ko din siguro dahil sa pagtuturo ko nakilala kita."dugtong nito

"Alam ko namang masaya na ngayon si, Mommy kung nasaan siya pero kasi diba ayos lang namang malungkot ako? Na masaktan ako kahit matagal na?Mahal na mahal ko si, Mommy eh lagi siyang nandyan sa'kin kahit sa mga maliit at simpleng achievements ko nandun siya para sabihing sobrang proud siya sa'kin."Hindi na ako nakatiis at niyakap ito

"Shhh... Ikaw na din nag-sabing masaya na ang Mommy mo kung nasaan siya pero pano siya tuluyang sasaya kung nakikita niyang nasasaktan ang pinaka mamahal niyang anak?"masuyong wika ko rito habang mahinang tinatapik ang likod nito habang nakayakap sa'kin

"Ang hirap hirap kasing tanggapin ang sabi niya babalik siya eh... S-sabi niya may bibilhin lang siya pero bakit hindi na siya bumalik? Lagi ko siyang hinihintay... H-hinintay ko siya araw araw pero wala.... T-Tapos nung umuwi siya nakahiga na siya dun natutulog pero ni minsan hindi na ulit siya bumangon."umiiyak nitong wika

Hinayaan ko lang itong umiyak sa bisig ko siguro ngayon niya lang nalabas ng sakit at hinain niya

"You need to move on, Demetrius. Oo masakit mahirap tanggapin pero, Demetrius kahit gaano pa kasakit at kahirap kailan mo pa ring magpatuloy dahil siguradong yun ang gusto ng Mommy mo na mangyari."sambit ko rito

"Siguradong proud na proud siya sayo sa lahat ng naabot mo kahit na wala na siya sa tabi mo para sabihin yun siguradong yun ang nararamdaman niya ngayon kung nasaan man siya."tuloy ko saka hinawakan ang pisngi nito at iangat ang mukha nito at tinitigan siya sa mga mata niya

"You need to learn and accept it, Demetrius and move forward don't cage yourself in that sadness."masuyong ngumiti ako rito saka hinalikan siya sa noo

"Be Happy and we both know that that's what your Mom want to happened."dagdag ko

"As long as you're with me. I'm Happy, Henrietta."sinseridad nitong wika saka ngumiti "It's me, you and our baby."halatang masayang wika nito saka hinaplos ang tummy ko at hinalikan ito

" I'm excited to see you, baby sana kamukha mo si, Mommy mo at magmana ka sakanya. I want my baby to be like her Mom. Brave and Fierce."turan nito na para bang naiintindihan na ng kausap nito ang sinasabi niya

"But you know that we can't make it in public, right?"mahinang sambit ko habang hinahaplos ang buhok nito

"Why not?"nakangusong kunot noong turan nito

"Because I'm your student and your my Professor."natatawang wika ko rito

"Then I'll resign."Hindi makapaniwalang napasinghap ako sa gulat hindi man lang niya pinag-isipan ang sinabi niya "Bakit parang gulat na gulat ka? Oo nga't sinabi kong mahal na mahal ko ang pagtuturo pero mas matimbang kayo sa'kin. Kayo ang priority ko."seryosong wika nito

"Hindi mo naman kailangan gawin yun,"nakapabuntong hiningang wika ko"We can keep it a secret.... For the meantime."tuloy ko

"Why? Bakit ko gagawin yun sainyo? Eh proud na proud nga ako at gusto ko kayong ipagmalaki tapos sasabihin mong secret muna. Aba hindi ako papayag Hindi niyo deserve yun."puno ng pagtangging wika nito

Brave Queen Series 1: The Only Exception (🌜)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon