Chapter 26

301 2 0
                                    

The Only Exception 26

"Henrietta,"mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko bago lumingon kay, Mommy "Nasa labas si, Uriel."napatigil ako sa  sinabi nito saka mabilis na umiwas ng tingin

"Paalisin niyo siya, Mom. Sabihin niyo sakanyang wala akong balak pang magpakita sakanya sa ngayon."muntik pa akong pumiyok dahil pinipigilan ko ang pag basag ng boses ko

"Subukan niyo kayang mag-usap ulit 'nak?Nasasaktan ako para sa binatang iyon lalo na sayo dahil alam kong nasasaktan ka rin."sambit nito

"Alam mo namang hindi makakabuti sa pinagbubuntis mo ang ma stress diba?"dagdag nito "Alam kong ilang araw ka ng nahihirapan sa pag tulog. Ilang araw na din siyang magdamag sa labas hinihintay kang labasin mo siya."

"Wala na dapat kaming pag-usapan, Mom nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin.."sambit ko rito

"Nasabi mo nga ba lahat, Henrietta? Sigurado ka? Pano naman siya?"turan nito

"Please.... Mom, hayaan mo na muna ako.. "halos pabulong kong wika

Mariing nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang umiyak ng yakapin ako ni, Mommy

"Alam mo namang nandito lang kami para sayo, Henrietta... Hindi mo naman kailangang bitbitin mag-isa yung sakit lagi kaming nandito para sayo. Sana huwag mong kakalimutan yan sweetie."maalimuyos nitong wika bago ako nito binitawan saka ko narinig ang pag bukas at sara ng pinto at mag-isa na lang ulit ako sa loob ng kwarto ko

Napayuko na lang ako habang sunod sunod ang pagtulo ng luha ko hanggang na uwi sa pag-iyak

Dahan dahang kong minulat ang taklupan ng mga mata ko bumungad sakin ang ceiling ng kwarto ko. Nakatulog pala ako dahil sa sobrang pag-iyak ng hindi ko namamalayan

Pagtingin ko sa orasang Nasa bedside table ay 11 na ng gabi. Mukhang hindi na nila ako ginising at hinayaan na lang akong matulog

Napalingon ako sa may bintana ng marinig ang pagpatak ng ulan

"Umuwi na siguro siya..."mahinang bulong ko sa hangin saka tumayo instead na lumabas sa kwarto ay naglakad ako palapit sa bintana ang hinawi ang makapal nitong kurtina

Napa-awang ang labi at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita sa labas si, Demetrius at halatang ilang Oras ng naliligo sa ulan

"Sht!"mabilis akong lumabas ng kwarto at dirediretsong bumababa ng hagdan at bago lumabas ng mansion ay kumuha ako ng payong

"WHAT THE FCK YOU'RE THINKING!"habol ang hiningang sigaw ko rito. Hindi ko maiwang mapaluha dahil sa halo halong nararamdam ko

"H-Henrietta..."nakangiting usal nito ng makita ako

"Umuwi kana, Demetrius maawa ka naman sa sarili mo oh. H-Hindi kita iniwan para pabayaan yang sarili mo."pigil ang luhang paki-usap ko rito

"P-pano, Henrietta...?"paos nitong tanong na halos hindi ko na marinig dahil sa Hina ng boses nito at dahil sa lakas ng ulan

"S-saan ako uuwi?Pano? I-iniwan mo a-ako eh... H-Hindi ko na alam...Y-you're my home, Henrietta..."garalgal ang boses nitong wika

"Sa Condo mo, Demetrius. Duon ka umuwi."naisagot ko na lang rito

"Wala ba talaga akong halaga sayo? B-bakit ang dali lang sayong sabihin sa'kin yan? B-bakit ang dali mong iwan ako? Bakit ang dali mong bitawan ako?"puno ng sakit nitong wika

"M-madali?"pag-uulit ko "Kung madali lang para sa'kin bakit sobrang nasasaktan ako ng ganito? Wala kang halaga sa'kin?Kung ganun bakit nandito ako ngayon sa harapan mo alalang alala na ba magkasakit ka? Na nasasaktan dahil alam kong nasasaktan ka dahil sa'kin..."my heart ache

Brave Queen Series 1: The Only Exception (🌜)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon