Chapter 27

292 3 0
                                    

The Only Exception 27

Mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko ng marinig na may parating saka paulit ulit na huminga ng malalim

"Umiiyak ka na naman,"bakas ang pag-aalalang turan ni, Mommy habang hinahaplos ang buhok ko ngumiti na lang ako rito

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to, Henrietta. Hindi ka pa ba babalik?Malapit ng lumabas ang baby niyo."tuloy nito

"Hindi na muna, Mommy."kiming ngumiti ako rito saka hinaplos ang tummy ko hindi siya ganun kalaki sabi ni, Mommy baka namana ko daw sakanya dahil maliit siya magbuntis

"Sinasaktan niyo lang ang isa't isa. Alam ko naman at naiintindihan ko ang dahilan pero... Hindi ko kayang nakikita kang ganito, Henrietta... Araw araw malungkot at umiiyak."turan nito

" Okay lang po ako, Mommy."turan ko rito wala na siyang nagawa kung hindi napabuntong hininga

"Oo nga pala, sigurado ka na ba sa desisyon mo?"nakangiting tumango ako "Hindi mo naman kailangang iwan ang bata sakanya pwede naman kayong dalawa ang magpalaki saka gusto mo bang lumayo ang loob sayo ng bata?"nag-aalalang wika nito

Napagdesisyunan ko kasing pag isang buwan na si, Baby iiwan ko na siya sa Daddy niya at lilipad ako papuntang new york dahil may gustong kumuha sa'kin maging model

Alam kong mapapalaki ni, Demetrius ng mabuti at maayos ang anak namin. Ito na lang din ang naisip kong paraan para makabawi kahit na gusto kong isama ang baby namin paalis

Pero kung pati anak namin ay kukunin ko pa baka tuluyan na niyang kamuhian ako

"Sigurado naman po akong hindi niya hahayaang mangyari yun, Mommy."kaming ngiting wika ko rito

"Hindi kaya'y pagsisihan mo ang desisyon mong yan, Henrietta?Mahirap ang malayo sa anak, Sweetie dahil naranasan kong mailayo sainyo."mahihimigan ang labis nitong pag-aalala

"Kaysa naman po kay, Demetrius lumayo ang loob niya, Mommy..."mahinang wika ko "Saka sigurado naman po akong susuportahan niya ako... Kahit na malayo kami sa isa't isa..."tuloy ko

"Hindi pa ba sapat ang ilang buwan na nasasaktan kayo? Hindi ba pwedeng kahit para sa bata mag-simula ulit kayo?"tanong nito

"Hindi pa sa ngayon, Mommy dahil sariwa pa ang sakit ng nakaraan sa puso niya... Hindi pa yun tuluyang nag-hihilom at ayaw kong mas palalimin pa ang sugat na yun."tugon ko rito

"Saka malay niyo po pag nagkita na po kami pwede na po ulit naming mahalin ang isa't isa ng walang kasamang sakit... Walang sugat sa nakaraan na bubukas ulit pag nagkita kami."tuloy ko

"Kaiyo Eros Varlice Kamiyama."nakangiting hilam ang luhang wika ko habang hinahaplos ang maliit nitong mukha

"My baby boy..."mahinang wika ko halos hindi ko na magawang ialis ang tingin ko rito simula nung makalabas kami ng hospital

Sinusulit ang ilang linggo na meron pa ako para makasama siya bago ibigay sa Daddy niyo

"Ang gwapo gwapo ng baby ko."naiiyak na wika ko "Manang mana sa'kin."dagdag ko

"Mahal na mahal ka ni, Mommy Kaiyo."mahinang wika ko saka hinalikan ito sa noo kasabay nun ay may narinig akong tunog ng Camera

"Kuya!"gulat kong usal ng makita si, Kuya Felix na may hawak hawak na Camera halatang kinukuhanan ako

"Memories para kahit hindi mo na kasama ang anak mo may nakikita kang pic niya."sambit nito na tila ba nagpapaliwanag

Alam ko namang tutol silang lahat sa gusto kong mangyari dahil ganun din ako... Hindi ko alam kung kakayanin kong may ilayo sa anak ko pero kailangan

Brave Queen Series 1: The Only Exception (🌜)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon