The Only Exception 11
(Exception 🫣🤭)
"Manang Tal, nasaan sila Kuya?"takang tanong ko sa katulong namin na naabutan kong nag-lilinis sa may living room
"Ay umalis sila, Rie hindi ata sila uuwi mamayang gabi."sagot nito napatango-tango naman ako kaya pala sobrang tahimik ng Mansion dahil wala sila
"Sige po, Manang Tal. Salamat po!"kiming ngiting wika ko rito saka tuluyang lumabas ng mansion at sumakay sa sasakyan kong nakaparada na sa harapan
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papuntang sa Condo Building nila Enya kung nasaan nandun din ang Unit ni Prof Kamiyama
Ilang araw na kasing tila iniiwasan ako nito. Hindi ko na rin ito nakikita sa Convenient Store kahit gabi gabi na akong tumambay ruon
Hindi din nito sinasagot ang mga tawag at messages ko pag sa University naman ay hindi nito sinasalubong ang mga tingin ko kaya sure akong iniiwasan talaga niya ako
Mabuti na lang at nabanggit nito sa'kin kung anong Unit Number niya kaya alam na alam ko kung saan ko siya pupuntahan
Tumango na lang ako sa Security Guard ng batiin ako nito after niya akong pagbukas ng pinto
Nagdire-diretso na akong sumakay sa Elevator at pinindot ang 4th Floor kung nasaan ang Unit ni, Prof Kamiyama
"Room 206..."mahinang bulong ko habang isa isang tinitignan ang room number ng dinadaanan ko
Naka-hinga ako ng sa wakas ay nakita ko na ang Unit nito mismo nasa pinaka dulo ito. Paulit ulit muna akong huminga ng malalim para mag-ipon ng lakas ng loob bago ako nagdoorbell dito
"Wala ba siya ngayon?"takang tanong ko sa hanging ng ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin nito binubuksan ang pinto kaya nagdoorbell na lang ulit ako
Magdodoorbell sana ulit ako ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa mga mata ko si Prof Kamiyama na tanging towel lang ang naka-suot sakanya
Hindi ko maiwasang mapalunok ng bumababa ang tingin ko sa dibdib nito pababa sa katawan niya
"What are you doing here, Ms.Varlice?"wala sa oras na nag-angat ako ng tingin rito dahil sa tinawag niya sa'kin
"Ms.Varlice?Hindi ba dapat, Henrietta dahil wala naman na tayo sa University."takang sambit ko rito
Napakunot ang noo ko ng basta na lang ako nitong tinalikuran kaya mabilis akong sumunod sakanya kahit wala siyang sinabing pwede na ako pumasok
"May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan, Prof Kamiyama? Ilang araw mo na akong iniiwasan ah."puno ng kalituhang tanong ko rito habang naka-sunod sakanya
"Wala."tila labas na ilong na sagot nito bago muli ako nitong nilingon dahilan para mapatigil ako sa hakbang
"What are you doing here? Why don't you just go to that man? After all, you seem happy hugging him."napa-titig ako rito dahil sa sinabi nito
"So... Your avoid me for almost a week just because you saw that someone is hugging me?"hindi makapaniwalang turan ko rito ng mapagtanto ang sinabi nito
"Seriously, Prof Kamiyama? Iniwasan mo ako dahil dun?That guy is like my little brother."nag-papaliwanag na wika ko rito saka malakas na napa-buntong hininga
"He just hug me. Ikaw lang naman ang hinayaan kong may gawin sa'kin higit pa dun eh."asar na asar na singhal ko rito
"So I'm not allowed to feel jealous?"sarkasmong wika nito
"Hindi naman yung ang ibig kong sabihin, Prof Kamiyama eh. Fine! Mag-selos ka kahit kailan mo gusto pero piliin mo naman yung pagseselosan mo."malumanay na turan ko rito
BINABASA MO ANG
Brave Queen Series 1: The Only Exception (🌜)
Ficção GeralThe Brave Queens Series Henrietta Varlice the leader of Brave Queens Kilala ang Brave Queens sa buong Universidad bilang mga palaban na babae... May Limang Membro ang Brave Queens Ngunit ano nga ba ang kahinaan nila? Para sa mga kapwa nila Studyant...