Chapter 12

3 0 0
                                    

Chapter 12 - Kyron Missing

Lyn Pov
Hindi na ako mapakali dahil nawawala ang isa sa mga pinagkatiwalaan kong kaibigan hindi ko na alam kung saan o kung ano ang gagawin ko. Di na ako makatulog kapag gabi dahil iniisip ko na sana okay siya sana walang nangyaring masama sa kanya. Habang nagiisip ako ng pwedeng gawin may kumatok sa pinto ng kwarto

"Lyn. "Narinig ko ang boses ni Miako humarap ako kasama niya si Kimberly. Ngumiti ako sa kanila kahit na naiiyak ako.

"Lyn kumain ka na please" Pagmamakaawa ni Miako. Dahil ilang araw na akong hindi kumakain dahil iniisip ko ang kalagayan ni Kyron.

"Ito oh may dala kaming pagkain mo." Ngumiti ulit ako at tumulo ang luha ko dahan dahan. Umakap ako kay Miako habang hinihimas naman ni kim ang likod ko.

Sobra akong nadodown lalo na naalala ko pa si mom and dad. Kung okay lang ba sila. Alam naman ni Kimberly na may time na inaatake ako ng anxiety. Habang nakaakap ako kay Miako nakatulog na pala ako.

Miako Pov

Sobrang naawa na ako kay Lyn ilang araw na siyang di kumakain kakaisip kay Kyron. Sabi naman ng boys hahanapin daw nila si Kyron. Pero hindi kasama sa kanila si Franklyn dahil hindi pa din siya okay.

Nagulat ako at si Kimberly na natutulog na pala si Lyn. Kaya ginising ko siya at pinahiga ng maayos.

"Baba muna ako Miako." Paalam ni Kimberly. Tumango naman ako at tumungo naman ako sa kwarto kung nasaan si Franklyn gising naman siya ngunit ang lalim pa din ng iniisip.

Hanggang makita niya ako at ngumisi ito. Lumapit na ako sa kanya at kinuha ang gamot at panlinis ng sugat niya.

"Linisin ko lang sugat mo" paalam ko sa kanya at ngumiti naman siya.

Habang nililinis ko ang sugat niya. Bigla na lang siya nagsalita.

"Miako can I ask something?." Tanong niya sa akin

"Yeah go ahead ano ba un?" Tanong kong pabalik sa kanya.

"Can you be my Girlfriend? Tagal na kitang nililigawan hindi ka pa din sumasagot ng Oo." Nagulat ako sa sinabu niya at ramdam kong namula ang mukha ko

"Franklyn desisyon ka?." Tanong ko sa kanya

"Ito naman masyado ka. Ano ka batas?." Sambit naman niya at ngumisi

"Oo na sige na tayo na." Nagulat siya sa sagot ko at balak pa ata niyang humiyaw. 

"Kalma!!" Sambit ko sa kanya.

Tumigil siya at tumingin sa akin na may halong kaba at kilig kitang kita sa mukha niya na kinikilig.

"Okay" nakataas ang dalawang kamay niya at nakangisi.

"Sige wait lng kuha muna kitang tubig."  Paalam ko sa kanya. Bumaba na ako at kumuha ng tubig para inumin niya ang gamot.

Habang bumaba ako sa hagdan nakita ko luke na nakasandal sa pader at nakatingin lang sa akin. Sumenyas siya na gamit ang dalawang daliri niya. Inaaya niya ako palapit sa kanya.

Pero sumenyas muna ako na idadala ko muna ang tubig kay Franklyn. Pumayag naman siya at naabutan kong naidlip si Franklyn kaya nakalabas ulit ako. Nagmamadali akong tumungo kung nasaan si Luke.

"Bakit?." Tanong ko kay Luke. Tumingin muna siya sa kaliwa't kanan niya at sa likod ko.

"Bantayan mong mabuti si Lyn please. Hindi siya ligtas lalo na wala si Kyron. Sa inyo nakasalalay ang buhay niya." Nagulat ako sa sinabi ni Luke akala ko nung una di niya kami tutlungan at hahayaan lang kaming mamatay dito.

Hah!? Bakit anong problema?." Pagkagulat ko at nagtanong na din sa kanya. Pero mukhang nagmamadali siya.

"Mahabang paliwanag pero sa ngayon kailangan ko ng bumalik kung nasaan sila at nagmemeeting. Nandoon si Aaron at Francis kasama si Angelou at Master Lee. May pinaplano si Angelou at si Master Lee. Paliwanag pa niya. Maya maya pa isinuot na niya ang maskarang itim at asul na tela.

Agad na lang siyang umalis at iniwan ako . Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Kim at hawak hawak ang patatas. Habang nakanguso ito at may hawak pang kutsilyo.

"Ay beh! Kalma ung kutsilyo nakatapat sa akin". Paglayo ko ng kamay niya sa mukha ko.

"Beh paanong magbalat ng patatas?." Tanong niya sa akin

"Ay nako Kimberly! Amina ako na magluto." Sambit ko sa kanya

Binigay niya  sa akin ang patatas at kutsilyo niyang hawak. Ngumiti naman siya at halatang nagugutom na. Kaming apat lang nasa bahay dahil hinahanap nga nila si Kyron.

Si KY agad na Lang nawala naglahong parang bula.

"Kim ganito magbalat ng patatas." Tinuraan ko siyang magbalat at maghiwa ng patatas at naghiwa din ng sibuyas si kim

Umiiyak siya dahil sa sibuyas sabi ng iba kapag lumuluha ka sa sibuyas malamang iiyak ka lang kapag nagkaroon ka ng biyanan na matapang.

"Beh bakit ako umiiyak ano to tears of joy. Ang hapdi ah!." Natatawa ako sa kanya habang pinanonood ko ang kinikilos niya sa kusina.

"Hayss Kimberly! Nako bat ka umiiyak?". Pagbibiro ko sa kanya.

"Aray!." Nagulat ako sa hiyaw ni Kimberly ng dumaplis pala ang kutsilyo sa daliri niya.

"Kim magiingat ka naman!." Sambit ko sa kanya

Nagulat ako dahil lumuluha na siya dahil ba nasigawan ko siya alam ko naman na soft hearted tong si kim pero now ko lang nakitang nanggigilid luha niya dahil sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinapat ko na lang ang kamay niya sa gripo para mawala ang dugo na nakaikot dito. Habang nasa Loob kami ng white house madaming kababalaghang nagaganap.

Habang nililinis ko ang kalat na nagamit namin ni Kim biglang nahulog ang baso na nasa tabi ko. Sabi kasi ng matatanda kapag mahulog ang baso may ibig sabihin at yun ay hindi maganda. Tumingin na lang ako kay Kim at nakatingin lang din siya sa baso dahil alam din siguro niya ang pamahain na ganon.

Hindi ko na hinayaang kabahan si Kim kaya nilinis ko na din ang baso na nahulog. Dinala naman ni kim ang pagkain sa lamesa at umakyat para tawagin si Lyn.

Pagka baba niya inaalalayan niya si Franklyn. Umupo naman dahandahan si Franklyn sa upuan at kumain.

"Kim si Lyn tinawag mo na ba?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Tutulog hindi ko na ginising." Sagot naman niya. Tumango na lang ako.

Tumingin naman ako kay Franklyn nakangisi ito. Si kim naman pinanonood kaming dalawa ni Franklyn.

"Huy! Respeto po!" Sambit niya

"Ay sorry! Sagot naman ni Franklyn at kumain na kami.

Tumahimik ang paligid panandalian at nakita ko si Lyn bumaba at mukhang kagigising lang. Nagaalala kami kay Lyn dahil namimiss na niya si Kyron. Kaso manhid tong kaibigan namin. Tagal na siyang gusto ni Kyron hindi nararamdaman un.

"Kumain ka na Lyn." SAMBIT NI FRANKLYN tumango naman si Lyn at mukhang aakyat ulit sa kwarto dahil uminom lang ito ng tubig.

"Lyn! Umupo ka na!" Hinarang siya ni Kimberly at ngumisi naman si kim kaya napaupo naman niya si Lyn ngunit walang ganang kumain.

"Lyn masarap kumain kung masaya ka" sambit ko naman

"Hindi ko kaya. Wala akong dahilan para sumaya dahil wala naman si Kyron na nagpapagaan ng loob ko." Sambit niya at tumayo na tumungo sa sala at tumingin na lang sa bintana.

Hindi na kami nagattempt lumapit at kibuin siya. I think she need some space to think.

To be continued 🙃

The White HouseWhere stories live. Discover now