Chapter 5

2 0 0
                                    

Chapter 5 - Rest

Lyn Pov

Kailangan ko daw magpahinga kahit na 1 araw ayon kay nurse mercy. Pero palaisipan pa din kung ano ang nangyari sa tagliran ko at bakit may dugo at may daplis ng blade. Biglang tinawag ako ni Francis.

"Huy lalim ng iniisip mo binibini?" Pagbati ni Francis sa akin. Lumingon naman ako sa kanya na nakatali ulit ang asul na tela sa kanyang braso at may hawak na blade ang kanyang kanang kamay.

"Bakit may hawak ka na blade!?." Inatake na ako ng takot at kaba. Nanlalambot na ang tuhod ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Ikaw ba!! Ikaw ba ang may gawa sa akin nung nangyari kahapon!!?." Sambit ko naman.

Habang palapit siya ng palapit sa akin umaatras naman ako para malayo sa kanya at pinakakalma niya ako.

"Kalma ka lang Lyn hindi ako may gawa sayo nun! Madami kami rito!" Nagulat ako sa sinabi niya na madami sila rito.

"Isa ako member ng Blood Moon Gang." Sambit pa niya. "Kaya wag kang maingay ikaw lang ang may alam na isa akong member ng BMG." Tugon pa niya na may halong pananakot sa akin. Kaya di na ako umimik.

At umalis na nga ito sa harapan ko si Francis ng marinig ang boses ni Miako at Kim papunta sa kinatatayuan ko.

"Oy buhay ka na pala." Pagbibiro ni Miako sa akin. Natawa din si Kim

"Kumain ka na ba?" Pagtatanong ni Kimberly sa akin. Buti na lang di nila napansin panginginig ng kamay ko dahil sa kaba kanina.

"Ah di pa nga eh." Sagot ko naman at inabot nila sa akin ang isang plastic na. Pinaabot daw ito ni Ma'am Thanya.

Tinignan ko naman ang laman ng plastic. Mayroon dito sandwich at tubig. Buti na lang binigyan nila ako. Akala ko wala akong kakain dito.

"Lyn mauuna na kami ni Miako. May kinuha lang kami. Bye pahinga ka dyan." Paalam nilang dalawa at tuluyan ng umalis.

Pagkatapos kong kumain umakyat na ulit ako at nagpatugtog na lang sa cellphone ng favorite kpop group ko. Dahil nagiisa lang naman ako dito sa bahay nasa labas silang lahat.

Nang biglang bumukas ang bintana sa wala naman hangin. Kaya natakot na ako dahil ang bumukas ay ang bintana sa tapat ng white house.

Sisilipin ko sana nang biglang pumasok sa kwarto si Francis at sumandal ito sa pinto ng kwarto habang hawak ang blade. Feeling astig kahit hindi naman.

"Ano ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko sa kanya na may halong galit. "Binibini binibisita lang kita dahil alam kong ikaw lang tao dito sa bahay." Sagot pa niya at lalo akong nainis.

"Pwede ba!! Lumabas ka na!!." Sambit ko naman sa kanya. "Okay ayaw mo atang malaman kung sino ang may gawa sayo ng daplis ng blade ba yan." Tugon pa niya at tuluyan na nga silang lumabas sa bintana siya. "Teka lang!" Hinabol ko pa siya pero di ko na naabutan.

Ilang oras na ang lumipas. Nagsi datingan na ang ibang student. At hinanap ko naman si Kyron at Franklyn dahil sa ibabalita ko sa kanila.

Nagtanong tanong na ako sa iba pang student kung nakita nila ang dalawang hinahanap ko.

Nakita niyo ba si vice president Franklyn at si Kyron? Nakita mo ba? Wala naman nakakita sa kanila pero si Edward nandoon na ngunit sina Miako,Kim at Franklyn wala pa.

"Lyn! Hinahanap mo ba sila Franklyn?" Tanong sa akin ni Edward.

"Oo eh nakita mo ba?

"Nasa labas sila kasama si Luke ewan ko bat nila kasama un." Nagtaka na ako kasama nila si Luke. Kaya pinuntahan ko na sila

The White HouseWhere stories live. Discover now