Chapter 23- ang pagtutuos
Lyn Pov
Nagulat kaming lahat ng lumiwanag ang buong paligid at biglang may pumasok sa pinto laking gulat namin nakatayo si Master Lee kasama ang kambal at si Luke. Nang biglang itutok niya ang baril niya kay Dad.
"Kamusta Chan Scott Ishikawa!." Saad ni Master Lee.
"Anong nanaman ba ang kailangan mo!." Pagsigaw ni Daddy.
Nakita kong sumenyas si Kyron na lumihis ako at natanggal niya ang tali na nakatali sa kanya. Tumingin naman siya kay Francis at Edward at nagtanguan sila. Napansin kong may hawak na blade si Francis.
Nang biglang ginamit na nila ang self defense nila. Sabay sabay silang tatlo na nakakalas ang tali. Inagaw nila ang baril na hawak ng mga kalaban namin.
Sa sandaling iyon ay tinutok nila ang baril sa kalaban nang biglang magsalita ang isang lalaki na Familiar ang boses.
"Hi! Lyn!" Nang tanggalin niya ang maskarang itim niya bumungad sa amin ang Mukha ni Luke na puro pasa.
"Luke!!" Saad ni Kyron
Biglang nagpaputok ng baril si Master Lee. Nataamaan sa balikat si Daddy kaya tumakbo na kaming lahat at nagkagulo na. Tumakas na kami ni Daddy at Mommy hindi namin inisip ang mga kayamanan namin sa loob ng bahay.
Maya maya pa ay tumawag na ng pulis si Daddy. At huminto na kami sa pagtakbo inikutan naman kami ng bodyguard. Inabot sa akin ni Daddy ang isang baril para daw may magamit akong pangself defense.
Bago ako makulong sa White House tinuruan ako ni Daddy na humawak ng baril at ng Archery kaya sanay na ako ngunit kinakabahan akong humawak ng Baril.
"Mr. Chan!!!!!!" Pagsigaw ni Master Lee. Natakot ako kaya tinutok ko na lang ang baril na hawak ko kung nasaan ang humihiyaw.
Hindi ko napansin na nakasuot pa ang highheels ko kaya hinubad ko na lang para mas komportable akong tumakbo.
Nakaready na din bumaril ang mga bodyguard ni Daddy na nakaikot sa amin. Nang biglang may pumutok na baril mga 5 beses.
"Kyron!!!" Narinig ko ang pagsigaw ni Miako. Nang biglang pumalakpak si Master Lee. Habang hawak ang baril.
"Mommy si KY!." Hawak hawak kasi ni mommy ang braso ko. Kaya di ako makatakbo papunta kay Kyron
Nang bigla akong kumawala sa pagkakahawak ni mommy sa akin. Tinatawag niya ako ngunit hindi na ako lumingon. Tumakbo ako kung saan namin sila naiwan.
Kyron POV
Naiwan kami sa sala habang sila lyn tumakbo na paalis. Tumakbo na din sila at naiwan kami ni Francis dito sa sala kaya.
"Francis tumakbo ka na habulin mo sila baka masaktan si Lyn." Saad ko sa kanya.
"Hindi kita iiwan dito Kyron." Sigaw naman ni Francis.
Hindi na ako nagsalita ng wala nang kalaban tska kami tumakbo habang tumatakbo kami bigla na lang may pumutok na baril.
Francis POV
Kyron!!! Pagsigaw ko dahil nakita ako ang pagbagsak ni Kyron limang beses ang putok buti na lang sa braso at sa binti at isa sa dibdib ang tama tatlong beses siya tinamaan. Nang biglang lumapit si Miako na may hawak na baril.
"Francis yumuko ka!!!" Nang bigla niyang pagbabarilin si Angelou. Kitang kita namin ang pagbagsak ni Angelou sa sahig.
Si Kyron na walang malay na nasa sahig ang tinignan ni Miako at humiyaw na lang siya bigla. Sa hindi kalayuan nakita ko ang pamilya ni Lyn at siya napapaikutan sila ng bodyguard at nandoon sila Master Lee sa Gilid.
Nandoon si Luke at Kimberly na may hawak din na baril na nakatututok sa harapan nila Lyn.
Tinignan ko muna si Kyron at Miako. At Tumango na lang ako. Hinagis sa akin ni Miako ang baril niya kaya dalawa ang baril na hawak ko.
Dahan dahan naman akong lumapit kila Luke at Kimberly na may hawak na baril. Nang marating ko kung nasaan sila nakatayo tinutok ko ang baril na hawak ko sa kanilang likod kaya di sila nakakilos.
Nang biglang kong napansin si Lyn na tatakbo kaya ipunutok ko ng sabay ang baril at bumulagta naman silang dalawa.
"Lyn!" Pagbulong ko sa sarili ko at tuluyan na nga siyang tumakbo papunta sa loob ng bahay. Nakita ko ang isa sa nakaitim na kinasa ang baril at sinundan si Lyn.
Dali dali naman ako tumakbo at nagtago. Pagkadaan nung lalaking sumunod kay Lyn. Hinatak ko ito at inipit ang ulo niya sa braso ko.
"Lyn!" Nakita kong umiiyak siya sa tabi ni Kyron. At tumatawag ng pulis at ambulansya. Hinitak ko na si Lyn at inilayo sa lugar na yun
"Ano ba Francis!!!! Bitawan mo ng-" hindi na niya naituloy ang sinabi niya ng halikan ko siya.
"Please sumunod ka na lang sa akin." Saad ko. Sumunod na lang siya at nagtago sa isang lugar.
"Dito ka lang babalikan kita." Pagpapa alam ko sa kanya.
Bumalik ako kung nasaan si Tito Ishikawa. At dumating na ang mga pulis ngunit biglang nagpaulan ng bala si Master Lee kaya kinuha ko ang baril ko na kanina pa nakaipit sa bulsa ko.
May baril din palang hawak si Tita Ishikawa at Tito Ishikawa. Nakita kong sanay na sanay humawak ng baril si Tita kahit naka gown at naka heels pa. Kaya sumabay akong bumaril sa kanila. Naubos nila ang mga nakaitim dalawa na lang ang natira at tatakbo na si Master Lee.
Hinabol namin ito ni Tito Ishikawa at naiwan na si Tita Ishikawa sa bahay. Hindi namin ineexpect na may susundo sa kanya na nakavan kaya mabilis itong nakatakas hindi na namin tinangkang habulin.
Dahil hinabol na siya ng pulis. Bumalik ako kung nasaan si Lyn buti na lang nandoon pa siya. Inakap ko siya nakita namin ang mga tao na buhat na si Kyron papunta sa Ambulansya.
Hindi ko naman akalain na mabubuhay pa si Luke dahil isang bala lang ginamit ko sa kanya. Nakita kong tumakbo ito habang hitak ang kanang binti dahil hindi ko naman alam na dun lang pala siya tinamaan.
Binitawan ko muna si Lyn at hinabol si Luke. Nang makita kong nakaupo na ito sa isang sulok dahil puno na ng dugo ang kapag kung nasaan siya.
"Francis! Ano masaya ka na?" Saad niya sa akin.
"Ano Luke hindi mo pa ba aaminin na traydor ka!!." Pagsigaw ko sa kanya. Nakita kong may kumukuha siya sa bulsa. Nakita ko ang blade na ginagamit ng mga ninja buti naka iwas ako dahil hinagis niya ito sa akin.
"Dyan ka lang naman magaling. Pero kapag ka baril ang hawak mo hindi ka sanay!!." Pangaasar ko pa sa kanya. Itunutok niya sa akin ang kutsilyo niya at tinutok ko din ang baril.
"Isang pindot ko lang dito Luke tapos ang buhay mo!." Tugon ko pa.
"Patayin mo na ako!!!!" Saad niya sa akin.
"Madali akong kausap Luke." Sabay kalabit sa baril ng dalawang beses.
At tuluyan ng nawalan ng malay si Luke. Siguro patay ng to. Bumalik na ako at nakaupo lang sila sa garden habang naglilinis naman ang mga katulong sa mansyon. Wala si Lyn dahil nagpunta na sila sa hospital kasama si Tito at Tita.
To be continued 🙃
YOU ARE READING
The White House
Mystery / ThrillerAng story na iyo ay na inspire lang ako sa hell university na sinulat ni kuya kib kaya naisipan kong gumawa ng sariling story na inspire sa hell university. May halo din itong may pagka quite place Isang istorya ng magkakaibigan na sumuway sa rules...