Chapter 24 - GoodBye Friends
Lyn Pov
Nandito kami ngayon sa hospital matapos mabaril si daddy buti daplis lang hindi malala dahil hindi ko kayang makita si Dad na nahihirapan. Hindi pa ako ready ihandle ung mga negosyo namin dahil sa akin nakapangalan ito.
"Excuse me" pumasok ang doctor na gumagamot kay Daddy.
"Okay na po pwede na po ako umuwi." Saad nung doctor at lumabas na siya. Nakita kong nakangiti si Daddy.
Ilang saglit lang ay nagring ang cellphone ni mommy at tumatawag ang pulis.
"Anak nahuli daw si Master Lee." Saad ni mommy na masaya din dahil mabibigyan ng hustiya ang pagkawala ni Tito Jill Scott.
Pinapunta ako ni Mommy sa police station isama ko daw si Francis. Pero naisip kong daanan muna si Kyron sa hospital kung saan din naka confine si Daddy. Tumungo muna ako sa Room ni Kyron.
Nakita kong puro aparato na nagdudugtong ng buhay niya buti maganda pa din ang tibok ng puso niya. Para lang siyang natutulog pero hindi kasi nagaagaw buhay dahil tinamaan ng bala ng baril ang dibdib niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Dinikit ko ang kamay niya sa pisngi ko. Hindi ko napansin na tumulo na pala luha ko.
"KY gumising ka na oh. Alam mo miss na kita. Alam mo nahuli na si Master Lee." Habang bumubulong ako sa kanya. Tumutulo naman ang luha ko. "KY babalikan kita gusto ko gising ka na." Tugon ko pa.
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Kanina pa pala ako hinihintay ni Francis. Hinawakan niya ang pisngi ko.
"Umiyak ka ba?." He asked
Hindi ako nagsalita at yumakap na lang siya sa akin. "Alam kong malungkot ka dahil sa nangyari kay Kyron." Saad niya. Inakap ko siya at itinago ang mukha ko.
"Tara na!" Pagaya niya sa akin na tumungo sa police station.
Tumango na lang ako at naglakad na kami papuntang parking lot. Sumakay na kami at tumungo na sa police station. Hindi gumagana ang isip ko dahil pakiramdam kong kasama namin si Kyron para tulungan kami. Hindi din ako sanay na wala si Kyron sa tabi ko kapag ganito ang sitwasyon.
"Lyn! Pagtawag sa akin ni Francis kanina pa pala ako tinatawag ngunit di ko narinig dahil sa lalim ng iniisip ko. Tumingin ako sa kanya.
"Are you okay?" He asked. Tumango ako.
Tumihimik ulit ang paligid tanging tunog ng sasakyan lang ang naririnig ko. Pero di naman gaanoong malakas.
Huminto na ang sasakyan at bumaba na kami pumasok na kami diretso sa police station. Nagtanong kami sa isang lalaki kung saan namin makakausap si Master Lee. Pinapasok kami sa isang Kwartong madilim at umeecho ang boses namin.
Maya maya pa ay pinaupo kami at lumabas ang lalaki para ibalita na nandito na kami sa loob.
Ilang saglit pa ay pinapasok na nila ang isang lalaki na kahawig ni Tito Scott.
"Lyn!, Kalma ka lang!" Bulong ni Francis sa akin. Pinakalma ko naman sarili ko at nagumpisa ng magtanong sa lalaking kaharap namin.
"Ano ba kailangan mo sa amin?" I asked. Nakangisi ito at dahan dahan lumalapit sa akin. Kaya pinigilan siya ni Francis.
"Pera!" He answered.
"Pera! Pera lang pala kailangan mo. Bakit kailangan mo pang patayin ang tito ko na sarili mong kapatid." Saad ko.
Habang nagtatanong kami sa kanya. Tila tumahimik ang paligid. Hindi ko na itinuloy ang itatanong ko. Dahil napansin kong nagiba ang timpla ng reaksyon niya. Kaya lumabas na kami at pinindot ang red circle bottom para tawagin ang nagbabantay.
YOU ARE READING
The White House
Mystère / ThrillerAng story na iyo ay na inspire lang ako sa hell university na sinulat ni kuya kib kaya naisipan kong gumawa ng sariling story na inspire sa hell university. May halo din itong may pagka quite place Isang istorya ng magkakaibigan na sumuway sa rules...