Chapter 8

1 0 0
                                    

Chapter 8- Poison

Lyn Pov

Makalipas ang araw na yung okay na ang kalagayan ng lahat nakalma na ang lahat. Pero iniisip pa din namin kung paano kami makakalabas dito sa bahay na ito. Nakita kong lumabas ng kwarto si Kyron patungo sa akin. Lumapit siya sa akin at inaya ako sa sala.

Habang palapit na kami. Naalala namin si Franklyn kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Lyn are you okay? He asked

"Yeah okay lang me" sagot ko naman.

Binalot ulit kami ng katahimikan at nakaramdam ako ng malamig na kamay. Hinawakan niya ang kamay ko sapagkat nararamdaman niya ang panginginig ko.

"Huwag kang magalala nandito lang ako. Hindi kita pababayaan ayaw kong may masaktan isa sa kaibigan ko." Sambit niya.

"Thank you." Pasasalamat ko sa kanya.

"Welcome. Alam mo lyn sobrang ganda ng mata mo." Tugon pa niya at ngumiti ito sa akin.

"Ano ba!" Asar kong sabi sa kanya.

Habang nasa sala kami lumabas naman ng kwarto si Miako na parang kagigising lang. Sumunod sa kanya si Kimberly na tila pupunga pungas pa.

"Umagang umaga naglalandian na kayo hayss. Btw good morning." Pabirong sambit ni Miako.

"Miako gusto mo ship kita kay Franklyn hahaha." Tugon ko pa asaran ang gusto niya eh kaya go lang. Matagal ko ng alam na may gusto si Miako kay Franklyn ewan ko lng bakit ganern ayaw pa niyang aminin sobrang tagal.

Habang nagkakaladyaan kami lumapit si Kimberly at humiga sa hita ko at kala mo baby. 

"Kim ano ba!." Sambit ko sa kanya.

"Mommy lyn!" Pangaasar pa niya

"Huy ano ba masyado ka na beh." Pagpigil ko sa kanya. Tumayo na ako at tumungo sa kusina para maghanap ng makakain.

"Hoy pikon!" Sambit ni Kimberly sa akin

Tinawanan ko na lang. Nakakita na ako ng pagkain sa ref at iluluto ko na.

"Binibini!" Pagtawag sa akin ni Francis. Nanghumarap ako malapit pala ang mukha niya sa mukha ko. Kaya muntik na kaming magkiss dalawa.

"Lumayo ka nga sa akin Francis!" Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Binibini naman masakit ah." Sambit pa niya

"Apaka redflag mo Francis!." Pasigaw kong sabi sa kanya.

"Ah redflag pala kung kaya halikan kita dyan." Tugon pa niya at akmang hahalikan niya ako bigla ko ulit tinulak.

"Aray ano ba! Balang araw mamahalin mo din ako." Sambit pa niya. Agad naman akong lumayas sa kusina pagkaluto ng ulam namin ng mga kaibigan ko.

"San ka punta?." Tanong niya sa akin.

"Francis susubukan ko sigurong lumabas no ung may dala pa akong ulam para hindi ako magutom kakahanap ng daan!" Pabalang kong sagot sa kanya na kinangisi naman niya.

"Ahh okie sige kumain ka na." Sambit pa niya.

At pagkababa ko ng ulam sa lamesa agad niyang hinitak ang braso ko palapit sa kanya at pinigilan niya akong makagalaw.

"Mamaya 6pm wag na kayong lalabas ng kwarto ng mga kaibigan mo!" Paalala niya

At tuluyan ng umalis sa harapan ko. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng tour guide sa amin na bawal ng lumabas ng 6pm. Ngunit di namin alam ang dahilan.

The White HouseWhere stories live. Discover now