Chapter 12: so what's the choice?

36 2 3
                                        

AN: Ito lang kinayanan ni brain eh...wow...meron pala ako nun ahahha............sya pagtyagaan nyo na.

_____________________________________________________________________________

-Dave’s POV-

“Ang ganda yata ng ngiti mo.” Bungad sa akin ni Ate pagpakapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay. Oo, may Ate ako, meet Ate Kaitlyn, 8 years ang tanda nya sa akin at isa s’yang psychologist.

“Si Ate talaga, lagi naman akong ganito eh.” I hope maniwala s’ya but honestly I don’t think I can lie to her, psychologist nga s’ya di ga?  And another thing she just knows me too well. Isa pa hindi ko din kasi maipaliwag ng sa sarili ko kung bakit ako nakangiti. Ewan ko.......malamang baliw na nga ako.

“Sus, sa akin ka pa magsisinungaling. Inspired yata si bunso ah. Nanliligaw ka na no?” pang-aasar n’ya

“Hindi ah.” How could I when the girl I happen to love is already in love with someone else? Tsk….si Ate naman kasi, ayan tuloy nagiging madrama ako. Kainis.

“Haha...ang cute ni bunso asarin. Sige na hindi na nga kita kukulitin. Pero ano yang dala mo at para kanino?” s’ya

“Ah eto? Violin.” Ako

“Alam ko pero san yan?” s’ya

“Ah eh...basta. Sige na Ate punta na ako sa kwarto ko ha? Pagod na din kasi ako.” Ako

“Hep hep. Teka lang....” I interrupted her. 

“Sige na Ate. I love you. Good night.” At tuluyan na akong dumiretso sa kwarto ko.

Agad akong nahiga. Hayyy................nakakapagod. Ikaw ba naman ang nmaghatid tapos dumiretso sa mall, ewan ko lang kung hindi ka mapagod. Pero it’s all worth it.

Muli kong narinig ang pagsara ng pinto. Mukang umalis na din ang violinist. Lumabas ako ng backstage na parang ang bigat ng loob ko. Ewan ko kung bakit. Maski ako hindi ko maintindihan kung bakit apektado ako sa nangyari dun sa violinist. Nakakainis...what the heck is going on with me? May lumuwag na yatang turinilyo sa ulo ko. Never mind na nga lang pero..........

Paglabas ko tumambad sa akin ang piraso ng violin na mukang nagpapatunay ng hinala ko na winasak nga yun. Argggggggggggg.....bakit ba ako nagpapakaimbestigador? Hindi naman dapat ako nakikialam eh tsaka isa pa 5:10 na. Kanina pang labas sina Jess. Kaya naman dali-dali akong lumabas at nagpunta ng parking. At muli, ginawa ko ang aking daily routine. Ang ihatid ng palihim si Jess.

Buti na nga lang at kahit paano ay hindi pa s’ya masyadong nakakalayo kaya nagawa ko pa din s’yang masundan pero syempre palihim lang. Nang masigurado ko na nasa bahay na s’ya at wala na akong dapat pang ipag-alala ay umalis na din ako.

.

.

.

.

Pero..... habang nasa daan ako pauwi I kept hearing the vilolinist silent sobs at the back of my mind. And it wouldn’t stop. Something is really urging me to do something about it. I don’t know if its my conscience but one thing’s for sure, I have to do something about it or else I’d really lose my mind. Kaya naman sa halip na umuwi ako kaagad ay pumunta muna ako sa mall.

And the rest was history. Pumunta ako ng mall at bumili ng violin na s’ya ngang dala ko nang tanungin ako ni Ate kanina. Buti na lang nakaiwas ako sa mga tanong n’ya kanina kundi talagang lagot ako. Hindi ko kasi alam kung bakit ko to ginagawa. Siguro dahil gusto kong tulungan yung violinist.

“Bakit?”  

Siguro kasi dahil may utang na loob ako sa kanya. Dahil sa pagtugtog n’ya, nakakatulog ako at hindi na inaatake ulit ng aking insomia.

“Pero hindi ba may nakasave ka nang mga natugtog na n’ya sa phone mo?”

Oo nga pero....ewan hindi ko alam.

Arrrrrrrrggggggggggggggggghhhhhhhhhhhhh.....nababaliw na nga ako. Pati sarili ko kinakausap ko ng mag-isa. I’m already broken-hearted pati ba naman katinuan ko?  

The Bodyguard's Gameplan(Turtle UPDATE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon