-Dave's POV-
Salamat at nakauwi din ako. Tiningnan ko yung relo ko at 9 pm na pala. Buti na lang maaga pa. Kailangan ko na ding magpahinga eh. Medyo pagod na din kasi ako at gusto ko ng matulog.
Binuksan ko na yung pinto at sina mama ang bumungad sa akin.
“Anak, mabuti naman at dumating ka na. Kamusta ang party? Nagenjoy ka ba?” Sunod-sunod na tanong ni mama.
“Ok lang naman po.” sabi ko ng walang kagana-ganang sumagot
Huwag kayong magtaka kung bakit.....
Malamang....pagod nga ako di ba?
“ Ganun ba? Eh si Jessica? Andun ba s’ya?” kaswal na tanong ni papa
“Opo.” Sagot ko
“Kamusta naman s’ya? Maayos ba s’ya?” papa
“Opo, kaya lang po bigla s’yang inatake ng allergy kaya ayun po hinatid s’ya ni Seth, classmate po n’ya. Di ko po tuloy s’ya naihatid pero I immidiately checked on her bago po ako umuwi. Ok na naman po s’ya.” Sagot ko
“Mabuti naman at ok na s’ya. Good job, son” Papa
“Thanks pa. Sige po, tulog na ako.” Paalam ko
“Kumain ka kaya muna.” mama
“Di na po. Busog po ako.” Sabi ko
“S’ya sige, magpahinga ka na.” Sabi ni papa
Tumuloy na nga ako sa aking kwarto.
Umupo ako sa kama ko at kinuha ang isang notebook sa desk na nasa gilid ng kama ko.
Binuklat ko yung notebook at kinuha ang isang litrato. Litrato ni Jess nung 14th birthday n’ya.
Nagtataka siguro kayo kung bakit may picture n’ya ako.
Wag na kayong magtaka kasi simple lang naman ang sagot.
My dad gave it to me. Siguro mga.......... 1 month after naming makarating sa Pilipinas.
Yeah, we lived abroad before. Tumira kami sa US at kababalik pa lang namin. At wag kayong magtaka kung bakit bihasa akong magtagalog, kasi kahit nasa States kami pag nasa bahay obligado kaming magtagalog kaya eto, di mahirap sa aking ang makipagcommunicate gamit ang tagalog.
May kinalaman sa aking misyon kung bakit binigay ni papa sa akin ang litrato ni Jess.
Naalala ko pa kung panong sa murang edad kong ito ay nagkaroon na ako ng misyon.
“Anak, may kailangan kang malaman.” Sabi ni papa sa akin isang araw matapos naming makabalik sa Pilipinas.
“Ano po yun?” tanong ko
“Anak, kailangan mo nang malaman ang lihim ng ating pamilya.” Medyo nabigla ako sa sinabi ni papa.
Ewan ko kung bakit pero kinabahan ako at dahil sa kaba ko napalunok lang ako ng laway at di nakapagsalita.
“Anak, s’ya si Jessica Galvez.” Pinakita ni papa yung picture ni Jess
“Simula ngayon, misyon mo nang protektahan, alagaan at pagsilbihan si ya.”
O_o
Lalo akong nagulat sa sinabi ni papa.
Protektahan?
Alagaan?
Pagsilbihan?
Bakit naman? Di ko nga kilala yang Jessica na yan eh.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard's Gameplan(Turtle UPDATE!)
Teen FictionHim + Her = war Isang pusa at dagang storya tungkol sa dalawang tao na itinakdang magsama pero di naman makasundo. Pag magkasama sila.......naku po....end of the world na ata. A charming multi-talented quick-tempred girl and a handsome smart playfu...
