-Jessica’s POV-
“Ui, si vice andito na.”
“Oo nga. Ang ganda-ganda n’ya. Bagay na bagay sila ni Kuya Seth.”
“Astig di ba? Vice at presidente nagkatuluyan.”
“Ang cool ng SC natin. Nakakainggit sila, parang sa pelikula lang.”
Wow.............how nice to start my day.... Sa sobrang nice nakakaabadttttrrrrriiiiiiipppppppp !!!!!!>:( Alam mo yung pakiramdam na pagpasok na pagpasok mo sa school bubungad na agad ang mga tsismoso’t tsismosa mong schoolmates na kung magbulungan nama’y dinig na dinig ng mismong pinag-uusapan nila. Pero di lang yun.....aba there’s more....saka sila magbubulungan sa pagdaan mo pa. Oh di ba ang ganda? Harap-harapan ka lang namang pagtsismisan. Ano to bastusan? =_=
At ang pinakanakakainis dun ay halos dumugo na ang tenga ko sa kakadinig ng pangalan ng hudas na si Seth >:(
“Wow..yan pala si vice yung girlfriend ni Seth.”
“Di na ako nagtataka kung bakit nagustuhan s’ya ni Seth.”
“Maganda naman pala yung gf ni Seth eh.”
“Naku....supurtahan na lang natin sila, wala naman tayong panama kay Jess eh.”
Seriously, di ba sila titigil? I can’t believe nangyayari ang lahat ng ito. Tapos bakit ba ang bilis kumalat ng ballitang yun samantalang di naman totoo. Papatulan ko na sila eh. Hindi naman ako invincible at lalong di ako binge. Hindi rin naman ako manhid kaya alam kong ako yung pina-uusapan nila. Hello? Sino pa bang vice ang pwede nilang tukuyin? Tapos nadinig ko din naman yung formidable name ng hudas na yun and worst, nadinig ko mismo yung pangalan ko.
Kaya CONFIRMED pinagtitsismisan nga nila ako. Hooraaaaay!!!!!!!!!!! Magdiwang tayo!!!!!
“Tsk...relax ka lang Jess, baka mabahiran ang reputasyon mo. Sige ka, ikaw din.” Sabi ko sa sarili ko pero syempre sa isip lang.
Pero kung tutuusin yung hudas na yun ang may kasalanan ng lahat. Naku....humanda talaga s’ya sa akin. Gaganti ako!
Pero bago ang lahat............................... I’m tired....... Bakit ba kasi ang layo ng room naming mga 4th year? =_= Graduating na nga, gusto pa nila kaming mahirapan. Bago kasi marating yung room namin kailangan daanan mo ang isang mahabang hallway kaya nga nadinig ko yung mga tsismoso’t tsismosa kung schoolmates di ba? Kasi yung tambayan at dadaanan ko ay iisa so in other words no choice ako kundi madinig sila.
Tsk....nakakainis talaga. Ano bang meron sa araw na to at pakiramdam ko ang malas-malas ko? Teka baka naman Friday the 13th ngayon? IMPOSIBLE......Thursday kaya ngayon at hindi 13 ang date. Kung ano man di ko alam. Di ako mahilig magtingin sa kalendaryo eh.
Sa wakas narating ko din tong classroom namin. Hmmm.... bakit parang pakiramdam ko may kakaiba sa mga classmates ko. They’re kinda suspiscious...........
“Hi vice, good morning.” Isa pa tong si Chris nambabadtrip eh. Wala na ngang maganda sa araw ko eh batiin ba naman ako ng good morning? Sa lahat naman ng pwedeng ibati, yun pa talaga? Wala na ba s’yang naisip na iba bukod dun? Pwede naman kasing hello lang o kaya hi.....
“Morning.” Pero syempre dahil mabait ako binati ko pa din s’ya. Sayang naman yung bati n’ya di ba? At since wala namang maganda sa araw ko kaya walang kasamang good.
Teka may nakakapagtaka talaga sa mga kaklase ko ngayon eh. Yung mga ngite nila, may something sa mga ngite nila eh. Yun bang kung makangite ay wagas, parang wala nang bukas. And what made them more suspicious is that they’re all holding and reading the same thing- NEWSPAPER, ang schoolpaper namin. Speaking of newspaper, nairelease na pala ang first issue nito. Nagyon ko lang yata silang nakitang nagsipag sa pagbabasa nun. Ano kayang binabasa nila dun?Saan kaya nakakakuha ng copy?
BINABASA MO ANG
The Bodyguard's Gameplan(Turtle UPDATE!)
Ficção AdolescenteHim + Her = war Isang pusa at dagang storya tungkol sa dalawang tao na itinakdang magsama pero di naman makasundo. Pag magkasama sila.......naku po....end of the world na ata. A charming multi-talented quick-tempred girl and a handsome smart playfu...