Chapter 3.2: yung feeling na........ bored?

88 2 3
                                        

AN: Inspired sa SIGNS na napanuod ko sa youtube ........ Hahaha makapagAN lang...

________________________________________________________________________________

“Bakit ka umiiyak?”

O_____________________o

“Anak ng kwago. Gusto mo ba akong atakehin sa puso?” Tanong ko kay Seth na di ko malaman kung pano bigla na lang sumulpot na parang kabote sa harap ko.

“Wow naman. Meron palang kwago na nag-aaral at nakakapagsalita.” Sarcastic n’yang sabi

“Tse. Pwede ba kung wala kang matinong sasabihin ay wag mo na lang akong kausapin.” Me

“Tss. Sige pero bakit ka muna umiiyak?” makulit n’yang tanong.......

GRrrrrrrrrr........hina naman nitong makagets........gusto ko na nga s’yang mawala sa paningin ko nagtanong pa =____________________=

“Di ako umiiyak. Inaantok lang ako.” Alam n’yo yung sobra kang naghiikab kaya bigla nalang may tutulong tubig sa mata mo?

“Ah siguro lagi kang ginagabi sa kakapanuod ng cartoons.” Medyo natatawa n’yang sabi

“Gusto mo ng suntok? Umalis ka na nga.” Konti na lang .....Naku! Makakatikim na talaga sa akin to.

“Tsk tsk.......yan nagiging biyolente ka na din. Mabuti siguro kung babawas-bawasan mo ang panonoud ng cartoons.” Sabi n’ya sabay smirk

“Alam mo konti na lang papatulan na talaga kita.” Yamot kong sabi

“Huh? Wag masama yun. Di ako pumapatol sa bata. Baka makasuhan ako ng child abuse.”

Argh.......when will this despicable man stop teasing me?

“Bahala ka na sa buhay mo.” Yamot kong sabi habang halos sabunutan ko ang sarili ko dahil sa mokong na ito.

“Hoy, Aray! Ano bang ginagawa mo? Tigilan mo nga yan. Masakit.” Sino bang di masasaktan kong bigla na lang pagkamalan na rubberband ang pisngi mo?

“Haha...ayoko nga. Ngumite ka nga. Di maipinta ang mukha mo.” Sabi n’ya na tuwang-tuwa sa paglalaro sa aking pisngi.

“Ano ba? Tigilan mo na nga sabi kasi masakit!” pilit kong pigil sa kanya

“Sige na nga kawawa ka naman eh.” Salamat tinigilan din ako.

“Ano bang problema mo at ginawa mong rubberband ang pisngi ko?” tanong ko habang hinihimas ang muka ko na pakiramdam ko ay namumula di dahil nagbablush ako kundi dahil nga gina n’yang rubberband ang pagmumukaha ko.

“Dapat nga magpasalamat ka eh. Tingnan mo may natural ka ng blsuh on.” Tatawa-tawa n’yang sagot

Hahambalusin ko na dapat s’ya ng biglang magring ang bell kaya ayun pinagpaliban ko na muna kasi baka maguidance pa ako. Dumating na din pati ang aming matandang dalagang terror na teacher sa Math, the most hateful subject on Earth. Sinusumpa ko ang umembento ng Math.

Nagsiupo na nga kami pero kung iniisip ng baliw kong kaklase na Seth na nakaligtas s’ya sa akin. Dyan s’ya nagkakamali. Pumilas ako ng papel tapos sinulatan ko.

“Hoy Hudas kang Barabas, ansakit ng pisngi ko dahil sa’yo!!!!” Tapos ginusot ko ang papel tapos ibinato ko sa kanya.

Ayun sapol. Haha.....buti nga. Andito naman kami sa likod kaya di kami mahahalata ni Ma’am Tirano, ang aming Math teacher.

-Seth’s POV-

Aray! Teka may papel. Sino naman kayang magkakamaling batuhin ng papel ang napakagwapong si Seth Argon? Walang kokontra. Gwapo talaga ako. Anyway buklatin ko na nga lang tong papel. Aba may nakasulat.

The Bodyguard's Gameplan(Turtle UPDATE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon