i

8.4K 194 74
                                    

"Ate can I sleep here?" Kin asked.

"Oh bakit nanaman?" Tanong ko dito.

"Namiss lang kitang katabi." Tugon nito pero mababasa mo sa mga mata nya ang tinatagong lungkot.

Magkababata kami ni Kin,
dalawang taon ang tanda ko sa kanya. 21 years old na ko ngayon at sya naman ay 19. Simula pa noon ate na ang tawag nito sakin. Malapit ito sakin at para ko na rin syang kapatid, mas madalas pa ito mamalagi sa bahay namin kesa sa mismong bahay nila. Base na rin sa sinabi nya sakin noon, masasabi n'yang mas at home sya sa bahay namin kesa sa kanila. Tila ibang tao raw kasi ang treatment sa kanya dun, at mas nararamdaman nya yung pagmamahal na binibigay ko sa kanya kesa sa mga step sisters nya. Maagang nawala ang mama nito, dahil sa konsumisyon sa papa ni Kit. Kilala kasi itong babaero, kaya mabilis rin nitong napalitan ang pumanaw na asawa. Batid ko ring galit si Kin sa sarili nitong ama.

"Asus... ikaw talaga. Gusto mo bang sumama mamaya?" Pag aaya ko dito.

Alam ko kasing malungkot sya kaya kahit na ikagalit ng boyfriend ko, isasama ko sya kung gusto rin nya.

"Saan? May lakad kaba dapat mamaya?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Manonood lang kami ng sine ni Kuya Gary mo, baka gusto mo sumama."

Biglang lumiwanag ang mukha nito pero bigla ring nawala.

"Wag na, antayin nalang kita dito." Pilit ang ngiti nitong tugon.

"Sigurado ka?" Pag kukumpirma ko.

"Oo naman, dito lang ako sa kwarto mo."

"Dito ka lang ha? Kukuha lang ako ng meryenda natin." saad ko, tumango lang ito bilang sagot.

I wonder kung ano nanaman ang nangyari sa kanila at malungkot sya ng ganun. Ipagpaliban ko nalang ang panonood namin ng sine ni Gary mukhang mas kailangan ako ngayon ni Kin.

Dali-dali akong gumawa ng sandwiches at juice, saka inilagay ito sa maliit na tray. Pag balik ko ng kwarto na abutan kong nakahilata sa kama si Kin at titig na titig sa kamay nito.

"Meryenda." Aya ko dito.

"Ate pwedeng pahiram ng nail cutter."

"Mamaya na, kumain ka muna." Utos ko dito.

Pansin kong di man lang ito kumilos pero nakaangat ang mga kamay nito.

Tinignan ko ito ng may pag tataka.

"Help me..." she pouted.

"Daming alam..." Lumapit ako dito para hawakan ang mga kamay nya saka ito hinila. Di naman malakas ang pag kakahila ko sa kanya pero diretsyo itong umakap sa bewang ko.

Ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko, at ganun rin ang sa kanya.

Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

"Ate di ko alam pero napaka powerful ng yakap mo." Saad pa nito.

"P-pano mo naman nasabi yan?"

"Yung bigat ng nararamdaman ko, unti unting nawawala. Pwede mo ba kong yakapin ng mahigpit? Kahit saglit lang..."

Sinunod ko ang gusto nito, niyakap ko sya ng mahigpit. Ilang minuto rin kaming namalagi sa ganung posisyon, hanggang sya na rin mismo ang kumawala.

"Thank you ate... Okay na okay na ko, salamat sayo!" Masigla nitong sabi.

Kumuha ito ng sandwich at sinimulang kainin. Nginitian pa ko ng napaka tamis, napangiti nalang rin ako dahil sa inakto nito, nasa tamang edad na sya pero kung umasta isip bata pa rin.

𝙈𝙮 𝙎𝙬𝙚𝙚𝙩 𝘼𝙩𝙚 (𝙶𝚇𝙶) - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon