v

4.5K 148 16
                                    

"Nahihilo ka pa ba?" Tanong ko dito matapos nyang mag bihis.

"Hindi na..." nakayukong sagot nito.

"Kin, about earlier... I want to--"

"Stop, ayokong marinig yan ate."

"Ayoko lang mag karon tayo ng ilangan." Tugon ko.

"May gusto ako sabihin sayo, pero hindi ko alam kung anong magiging epekto nun sating dalawa." Seryosong sabi nito.

Nakaramdam ako ng kaba sa kung anumang sasabihin nito.

"Ano yun?"

"Mangako kang walang mag babago sating dalawa." Saad nito.

"Alam mong yan ang gusto ko. Ang manatili tayong ganito."

"Sana nga walang mag bago satin." Mahinang sambit nito.

Ilang saglit ring namayani ang katahimikan saming dalawa.

"Ate sabihin mo, hanggang kelan mo itatago yang nararamdaman mo?"

"Huh? A-anong pinag sasasabi mo?"

"Please... Maging totoo tayo sa isa't isa kahit ngayon lang." Pag susumamo nito.

"Hindi kita maintindihan." Tanging nasabi ko.

"Pano kung sabihin kong, may n-nararamdaman ako para sayo." Saad nito at hindi pinuputol ang pakikipag titigan sa mga mata ko. Nauna akong nag iwas ng tingin, dahil di ko kaya ang paraan ng pag kakatitig nya sakin parang hinuhukay nun ang buong pag katao ko.

"Umayos ka nga. Di magandang biro yan."

"Seryoso ako." mabilis na sagot nito.

"Then kung seryoso ka, nag kakamali ka. Naguguluhan ka lang."

"Hindi. Sigurado ako dun."

"Sigurado ka bang gusto mo isugal yung friendship natin para sa... sa infatuation na yan?"

"Alam kong hindi infatuation to. Sigurado ako sa nararamdaman ko."

"Pag isipan mong maigi yang mga salitang binibitawan mo. Pano kapag sinabi kong hindi tayo mutual, masasaktan ka. Iiwasan mo ko, kasi gusto mong makalimot, sa tingin mo makakabalik pa ba tayo sa dati?" Nakita ko ang namumuong luha sa mga mata nya. Alam kong nasasaktan sya dahil sa mga sinabi ko.

"Or paano kung mutual tayo pero hindi tayo nag work out... Di na natin kayang ibalik ang kung anong meron tayo ngayon." Dugtong ko.

"Paano natin malalaman kung di natin susubukan." Sagot nito at tuluyan ng kumawala ang mga luha nito na kanina pa pinipigilan.

Nilapitan ko ito at sinimulang punasan ang mga luha nito sa mga mata nya.

"Paano ko naman pipigilan yung nararamdaman ko sayo kung ganito ka lage sakin? Hulog na hulog na ko sayo..." pinigilan nito ang kamay ko sa pag punas sa mga luha nya at hinawakan ito ng mahigpit.

"Sorry ate, pero.... mahal na kita. Sorry kung di ko na kayang pigilan. Sorry." nakita ko kung paano tuloy tuloy na umagos ang mga luha nito.

"Kin, hindi kaya masyado ka lang na attached sa akin? Kaya naiisip mong in love ka sakin?"

"Stop treating me like a child, oo iyakin ako, dependent ako pag dating sayo pero alam ko ang nararamdaman ko. Mahal kita, mahirap bang paniwalaan yun?"

Napaupo ako sa gilid ng kama, pakiramdam ko kasi ay nawalan ako ng lakas.

Kung alam mo lang Kin, masaya ako sa mga naririnig ko. Na parehas tayo ng nararamdaman, pero alam nating pareho na mali ito. Matagal ko ng pinipigilan ang nararamdaman ko para sayo. Ayokong sabihin sayo dahil alam kong kailangan mo ko, bilang kaibigan mo. Kaya as much as possible gusto kong manatili tayong ganito. Ayokong isugal ang pag kakaibigan natin.

"Kin... Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko sayo, pero isa lang ang gusto ko. Ayokong may mag bago satin."

"Ate... may nag babago na nga ee. Hindi mo ba nakikita? Yung first kiss ko ginusto kong halikan mo ko ulit kasi gusto ko, I know I'm selfish kasi nag take advantage ako pero anong magagawa ko? Gusto ko pag bigyan ang sarili ko. May malisya sakin yun ate... Importante sakin yun, kaya ayokong naririnig mula sayo ang salitang sorry o ang pinag sisisihan mo kasi gusto kong i keep yun."

"Kin..." Sinubukan kong hawakan anb mukha nya pero sya na mismo ang umiwas.

"Gosh! Bat ko ba sinasabi ang lahat ng to, masyado ata akong nag assume na parehas tayo ng nararamdaman."

"Kin ayoko ng ganito..." Nag simula ng umagos ang mga luha ko. Sobrang nalilito na ko, gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero may kung anong pumipigil sakin.

"Kin..." Wala na ata akong ibang masabi kundi ulit uliting tawagin ang pangalan nya.

Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko.

"Hey ate... Look at me." Malambing na sabi nito.

Sinunod ko ang sinabi nito, nakatitig ako ngayon sa nangungusap nyang mga mata.

"Sorry ha? Kung di ko nagawang pigilan tong nararamdaman ko. Di ko naman talaga ginusto to eh, pinilit kong pigilan pero ang hirap lalo na't hindi ka mahirap mahalin. Idagdag mo pa na nakakabaliw ang ganda mo, don't get me wrong straight naman ako. Binaliko mo nga lang..." masuyo nitong hinaplos ang pisngi ko.

"Don't worry, just give me time... Ibabalik natin yung dati. Sa ngayon... Kailangan ko munang ibaling sa iba tong nararamdaman ko." Dugtong nito.

May kung anong kirot sa dibdib ko ng marinig mula sa kanya yun.

Pero diba yun naman talaga ang gusto ko? So bakit pa ko nasasaktan ngayon?

"Kin..." nag simula nanamang umagos ang luha ko.

"Ano ate? Wala ka na bang ibang alam sabihin kundi ang pangalan ko lang?" Biro nito saka hinila ako papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"I don't know kung gaano katagal tayong di mag kikita, but promise me pag balik ko walang mag babago ha? Mamimiss kita ng sobra..."

"Kelan ba ang plano mong lumayo?" Tanong ko dito.

"After ng graduation, baka dun muna ako kanila Lola. Gusto ko muna mag pahinga ng ilang buwan bago mag hanap ng trabaho."

Kailangan kong mag isip ng maigi, iniisip ko palang na di ko sya makikita ng ilang buwan ang bigat bigat na. Hindi ko kakayanin yun. Arden timbangin mo ng maigi, may oras ka pa para gawin yun.

"Malapit na kong umalis, wala ka bang aaminin sakin?" Pilyang tanong nito.

"Sira ka. Wala akong dapat aminin sayo."

"Bahala ka. Ikaw din mawawalan ka ng magandang future girlfriend." dugtong pa nito.

"Andami mong alam, matulog na tayo." Sabi ko dito.

"Sus. Denial ka lang naman eh. I know you like me." saad nito na may kasama pang kindat.

"Ang landi mo, umamin ka lang ginaganyan mo na ko."

"Ate! Alam ko na..."

"Ano nanaman ba yang naisip mo?"

"Since ikaw first kiss ko pwede bang kunin mo ang vhwhsnuzejis"

Mabilis kong tinakpan ang bibig nito.

"Kin bibig mo pasmado! Itulog mo na yan."

"Ayaw mo nun, ikaw makakauna sakin?"

"Ikaw..." kinurot ko ang mag kabilang pisngi nito. "Kung horny ka wag mo kong dinadamay ha?" Saka ito binitawan.

"Horny agad? Di pwedeng mahal mo lang yun tao kaya gusto mo isu-"

"KIN!!! Baka gusto mong matulog sa labas?"

"Fine! Fine! Matutulog na." pag suko nito.

Humiga ito sa tabi ko.

"Good night ate..." Malambing na sabi nito.

"Good night K--" naputol ang iba ko pang sasabihin ng bigla ako nitong ginawaran halik sa labi. Saka mabilis na tumalikod.

𝙈𝙮 𝙎𝙬𝙚𝙚𝙩 𝘼𝙩𝙚 (𝙶𝚇𝙶) - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon