Sunday morning, nagising ako ng maramdaman ko ang pag susumiksik sakin ng katabi ko. Walang iba kundi si Kin, dito sya natulog samin. Marahan kong hinaplos ang buhok nito, napaka amo ng mukha nito. Mahahaba ang pilik mata, katamtamang tangos ng ilong at ang mga labi nito na kahit di mag lipstick ay natural na pinkish.
Sobrang saya pala sa pakiramdam na aminin sa taong mahal mo ang totoo mong nararamdaman. Gusto ko ng tapusin sa araw na to ang tungkol samin ni Gary, maiintindihan naman ako ni Kin kung pupuntahan ko ang nobyo ko sa bahay nila.
Nagising ako mula sa malalim na pag iisip ng biglang maramdaman ang kamay ni Kin sa right boob ko. Pakiramdam ko ay tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan.
Shit! Mura ko sa loob loob ko.
Wala pa man din akong suot na bra.
"Kin!!" Sambit ko at kinuha ang kamay nito.
"Good morning Mommy." Matamis na bati nito.
"Mommy mo mukha mo, umalis ka nga dyan. Napaka manyak mo." Turan ko saka bumangon mula sa pag kakahiga.
"Damot nito, aangkinin ko rin naman yan." Nakangising sagot nito saka niyakap ang unan ko.
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Kahit maging tayo di ko hahayaang manyakin mo ko ng basta basta." Tugon ko.
"Tignan natin..." Nakangisi nitong sagot na halata namang natutuwa sa pang aasar nya sakin.
Nag tungo ako sa drawer para mamili ng susuotin plano ko kasi umalis ng maaga.
"Kin... kailangan kong umalis ngayon." Saad ko.
"San punta mo?"
"Kanila Gary... Babalik rin ako agad after naming mag usap. You can stay here if you want." Sabi ko.
"Sa bahay nalang muna ako, mamimiss lang kita dito ee." Nakanguso nitong sagot.
"Asus! Di naman ako buong araw na mawawala." Nakangiti kong sabi.
"Anong magagawa ko kung namimiss kita agad."
Parehas lang tayo...
Bulong ko sa isipan, ayokong lumaki lalo ang ulo nito ee.
"Maliligo na muna ako." Paalam ko dito.
"Sama!"
"Wag na baka kung ano pang gawin mo."
"Nag aral akong mabuti." Sagot nito na ikinakunot ng noo ko.
"Maganda yan." Sagot ko nalang kahit di ko alam kung bakit na open up nya yun.
"Nag aral ako ng mabuti kung paano mag make love ang dalawang babae." Nakangisi nitong sagot.
Nag init bigla ang mag kabilang pisngi ko dahil sa sinabi nito. Awtomatikong hinagis sa kanya ang towel na hawak ko.
Tawa lang ito ng tawa, ako naman pumasok na sa loob ng banyo para maligo.
After 15 minutes ng pamamalagi ko sa banyo nag pasya na kong lumabas. Saka ko lang napag tanto na wala nga pala akong towel.
"Kin!!" Tawag ko dito, matapos kong buksan ng bahagya ang pinto.
"Bakit?" Sagot nito.
"Yung towel ko please." Saad ko.
"Ayoko. Hinagis mo to sakin kaya ikaw kumuha." Narinig ko pang sagot nito.
Bigla akong nakaisip ng kalokohan.
"Ahh ganun..."
Binuksan ko ng malawak ang banyo, tsaka lumabas ng walang kahit anong saplot.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni Kin, na ngayon ay parang na estatwa. Nakita ko kung paano nito titigan ang hubad kong katawan, may pag kakataon pa ngang nahuli ko itong napalunok.
BINABASA MO ANG
𝙈𝙮 𝙎𝙬𝙚𝙚𝙩 𝘼𝙩𝙚 (𝙶𝚇𝙶) - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃
Romance𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙔 Huminga muna ako ng malalim, bago lumabas ng banyo. Nagulat ako ng makita ko ang nakasalubong na kilay ni Kin, mukhang kanina pa ko hinihintay nito. "Ano nanaman?" Tanong ko dito at diretsyong pumunta sa closet para kumuha ng d...