xi

4.4K 144 26
                                    

Matapos naming ihatid ang mga gamit ni Kin sa bahay, nag pasya kaming kumain na sa labas. Ito na rin ang mag sisilbing first date namin as couple.

Matapos naming kumain sa isang restaurant, napag pasyahan naming mag unwind muna at pumunta sa isang resto bar na may live band. Yun ang request ni Kin, mahilig talaga sya sa acoustic simula pa man noon.

Sa buong gabi naming mag kasama lage nitong hinahawakan ang kamay ko, pansin ko rin na kapag may iilang lalaki ang bumabati sakin agad nyang binibitawan ang kamay ko.

"Hi Miss beautiful." Bati ng isang lalaki.

Di ko ito pinansin dahil muli nanamang binitiwan ni Kin ang kamay ko, hinapit ko ito sa bewang at mas lalong inilapit sakin.

"Why do you always do that?" tanong ko dito habang nag lalakad kami papasok ng resto bar.

"Baka kasi mas gusto mo talaga sa lalaki." Nakayukong sagot nito.

"Haaaay. Sana noon pa Kin, grumaduate ako ng high school, nag college, nakapag tapos, nag katrabaho pero ikaw pa rin... Alam mo namang sinubukan ko makipag relasyon sa lalaki kay Gary pero di nag work kasi ikaw pa rin lamang nito." Mahabang litanya ko.

Di ito umimik pero pasulyap-sulyap sakin.

"Galit kaba my?" pag ka kuway tanong nito.

"Di ako galit, iniisip ko lang kung ganyan mo ba ko kabilis i let go kapag napag tanto mong lalaki pala ang gusto mo."

"No! Sigurado ako na nga ako sayo ee. Alam mo ba yung pinakita ko sa'yong dream house, that will be our house soon." Pahayag nito.

"Ganun naman pala, so don't you dare let go of my hand kapag may lumapit ulit sakin or di kaya kapag umaaligid ang Rhea na yun. And speaking of Rhea, wag mong hahayaan na lumingkis sayo ng basta basta yun di ako mag dadalawang isip na sugurin sa school nyo yun." Banta ko dito.

Pero imbes na matakot ay lumawak pa lalo ang ngiti nito.

"Sabi ko na ehh, pinag seselosan mo nga sya." Saad nito na ikinapula ko.

Gosh! Huli sa akto.

"Fine! Para saan pa't i-deny ko..."

"Matindi ka pala mag selos no?" Nakangiti nitong tugon.

"Ikaw feeling ko kapag nag selos ka, iiyak ka lang. Tama ba ko?"

"P-pano mo nalaman?" Nauutal na tanong nito.

"Hmmm... Base lang sa mga actions mo, kahit na nasasaktan ka hinahayaan mo lang. Wait nag selos kana ba before? Kanino?" Curious na tanong ko.

"Hmmm... Sayo."

"Sakin? Pano?" Di makapaniwalang tanong ko.

"N-nung sinabi mong... may nangyari na sa inyo ni Kuya Gary." Malungkot na sabi nito.

Sinabi ko ba yun? Gosh! Di ko maalala.

"Ohh... I'm so sorry Baby, hindi ko alam."

"Okay lang My... Di ka pa naman aware sa feelings ko nun." saad nito at ngumiti.

Nakahanap kami ng mauupuan na di kalayuan sa stage, tsaka nag order. Di nako nag order ng alak, dahil parehas kaming may pasok bukas baka mag karon pa kami ng hang over.

Umalis si Kin at nag paalam na pupunta lang ng CR, di rin nag tagal ay agad rin naman itong bumalik.

Pero pansin kong di ito mapakali, at panay ang lingon sa stage at sa paligid. Di ko alam kung may hinahanap ba sya.

Maya-maya pa'y muling nag salita ang vocalist at nag anunsyo na kung sino ang willing maki jamming sa kanila ay umakyat lang sa stage.

Nagulat pa ko ng tumayo si Kin at nag pakawala ng malalim na buntong hininga.

𝙈𝙮 𝙎𝙬𝙚𝙚𝙩 𝘼𝙩𝙚 (𝙶𝚇𝙶) - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon